Balak Mom and Dad left early in the morning to catch their flight. Hindi na ako nakasama dahil ayaw rin naman nilang magpahatid sa akin. Siguro gusto nilang magbreak sa pagiging parents at mag-enjoy na akala mo ay boyfriend girlfriend palang... Pag sumama rin ako roon, wala nga naman silang quality time. At hindi nila ako mapapatulog ng maaga kasi sa ganito kong edad nagpupuyat na ako. Pagbaba ko ng kuwarto, si Manang Belen at ang nakita kong nagvavacuum sa mga carpet. Nasaan na naman iyong isang katulong? "Si Cherry, Manang?" tanong ko at iginala ang tingin. Nag-angat ng tingin ang matanda sa akin, ang noo ay medyo pawisan na at mukhang kanina pa ito naglilinis. Pinunasan niya ang butil ng pawis doon at iginala ang tingin. "Aba'y ewan ko sa batang iyon... Baka lumabas na naman.

