Snow Early in the morning, sinalubong ako ni Manang Belen ng pang-uusisa. Di ko narin kasi nahintay ang parents ko kagabi. Akala ko di ako makakatulog pero dinalaw din naman. "Iyong Mommy at Daddy mo, nag-away ba kagabi?" tanong ni Manang Belen sa akin habang sinasalinan ako ng juice. "Kagabi? I slept early kaya wala akong alam..." sabi ko at iginala ang tingin sa kusina. Where's Cherry? Baka nasa labas nagdidilig. "Mukhang nag-away! Lasing pa ata ang Mommy mo kagabi dahil di na maayos maglakad. Binuhat pa ng Daddy mo," pagkukwento ni Manang sa matang nanlilisik. Naglagay ako ng fried egg at bacon sa aking plato. Inilapag naman ni Manang ang pitsel at nasa aking kilos ang tingin. "Kagabi kasi nakarinig ako ng pagkabasag sa kuwarto ng mag-asawa. At kinaumagahan nga, ayun... Nabasag iy

