Walang Iba Sumapit din naman ang kaarawan ni Celina. I am not yet sure if she's planning na ibunyag ang kondisyon niya ngayon. Baka takot parin siya sa magiging reaksyon ni Tito James. Busy rin naman kasi ang Mommy niya lalo na't nagtatrabaho iyon sa ibang bansa. Tita is a Med Tech at minsan lang talaga nakakauwi kaya itong si Celina parang nakulangan sa agura ng ina. I wore an off shoulder midi dress high low, short sleeve asymmetric dress. May mga maliliit na bulaklak ang parteng beywang noon at nagkalat na ang mga bulaklak sa ibaba. Masyadong expose ang malalalim kong collarbone at pumapagitna pa roon iyong suot kong gold necklace na may pendant na apat na maliliit na butterfries na nakakabit sa isa't isa. My short hair was curled at hanggang leeg nalang. Medyo messy iyon pero baga

