Seloso "Nasa bahay ka lang? Akala ko ba titira ka sa bahay ng lalake mo?" tanong sa akin ni Mommy nang magvideo call kami sa umaga ng Lunes. "Dumadalaw naman si Tyrone dito..." sagot ko habang pinapanood siyang binoblower ang kanyang buhok. Ano na bang oras diyan? Ang alam ko nasa France sila. Kanina nagsend siya sa akin ng pictures nila ni Daddy sa Eiffel tower. Iniinggit niya ako. "At?" "At 'yun lang?" Niyakap ko ang unan at ibinaon ang kalahati ng aking mukha roon. Nasa loob lang ako ng aking kuwarto at kakagising lamang. Mom's brow raised as she stared at me. Nalaglag ang aking tingin sa suot niyang puting roba. I know what she's thinking... "Wala ka naman sigurong ginawang kalokohan sa bahay 'di ba?" tanong niya sa nagdududang boses. Bumusangot agad ako. Inilapag niya iyon

