Kabanata 26

1708 Words

“Mommy, where are we going?” nagtatakang tanong ng anak ko habang hila-hila ko siya papalabas ng school nila. Nakasunod naman sa akin si Dina na dala-dala ang ibang gamit ni Grazer. Huminto kami sa may waiting shed at binalingan ang anak ko. “Anak, let’s visit Tiya Mirasol,” sambit ko sabay haplos sa kanyang buhok. Kumunot ang noo ng anak ko. “Mommy, Tiya Mirasol is in heaven. How can we visit her?” Mahina akong natawa at hindi agad nakasagot. Umayos ako ng tayo at binalingan si Dina. “Dina,” tawag ko sa kanya at sinenyasan siya na lumapit. “Po!” Agad siyang lumapit. “Ano po ‘yon. Ma’am?” “Puwede bang mauna ka nang umuwi?” tanong ko sabay baling muli sa anak ko. “Ikaw na lang ang bahalang magsabi kay Gregory. Pupunta lang kami sa Compostela saglit para dalawin si Tiya Mirasol.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD