“Mommy, the ball!” naiiyak na sambit ni Grazer sa akin at itinuro ang bola na tumatalbog papalayo sa amin. Binitiwan ko ang kanyang kamay at akmang hahabulin na sana ang bola kaya lang ay may naunang nakakuha nito. Naingat ko ang tingin ko at bumungad sa akin ang isang lalaki na nakangiti na sa akin. “Uhm...” Inilahad niya sa ‘kin ang bola. “Here...” Tinanggap ko agad ito. “Thank you...” “You’re welcome,” aniya at binalingan ang anak ko. “Is she your daughter?” Mahina akong natawa at tumango. “Yes...” Nagulat ako nang maglahad siya ng kamay. “I’m Shaun Ocampo, you are?” Tinanggap ko ang kamay niya at nakipag-shake hands. “Honey Lou Andrade.” Kumunot ang noo ko sabay baling sa kanya. “Ocampo? Are you a Filipino?” “Sort of. But I lived here since birth. But then I know how to spea

