“Stay away from that guy, Lou,” biglang sambit ni Shaun nang maihatid niya ako sa hotel room ko. Hindi ko tuluyang naisara ang pinto dahil humarang siya. Hindi ko naman kilala ang lalaking iyon at hindi ko rin alam kung ano ang nangyari sa kanya. Kumunot ang noo kong nag-angat ng tingin kay Shaun. “Shaun...” Kinagat ko ang ibabang labi ko. “Hindi ko nga kilala ‘yong lalaki, eh.” “I know. Hindi mo siya kilala and you have to stay away from him, Lou.” Para matapos na ang usapan ay tumango na ako. Pagod na pagod na ako at dumagdag pa itong si Shaun. I think I need to rest. “See you tomorrow, Lou,” aniya at sinilip ang loob. “Vina, take good care of her.” Tipid akong ngumiti kay Shaun at pinagsarahan na siya ng pinto. Ang daming nangyari ngayong araw at gusto ko na lang matulog. Hind

