“I heard you are enjoying yourself in our mansion, Hija,” biglang sambit ni Tita Criza nang nasa hapagkainan kami. Parehong basa ang buhok namin ni Gregory. Maraming mga pagkain at ulam ang naka-display sa lamesa at lahat ng iyon ay masasarap. “Mom,” banta ni Greg. “Stop it.” “What?” Lumaki ang mata niya. “What are you talking about, Gregory? Wala naman akong sinabing hindi maganda. And by the way, nakuha pala si Phoebe sa international model agency. At least congratulate her.” Matamis na ngumiti si Tita Criza sabay baling kay Grazer. “You want to be like Phoebe, Grazer?” Kuryosong nag-angat ng tingin si Grazer sa lola niya. “Who is Phoebe, Lola?” “Well, she is a beautiful model,” aniya sabay baling kay Greg. “And your Dad knows her.” Sumikip ang dibdib ko dahil alam ko na may pin

