PINUNTAHAN nga ni Kristen si Bella tulad ng pakiusap ng nakatatandang kapatid. ''Tita Tin!'' tuwang-tuwa na sigaw ni Amarah mula sa kinauupuan nitong bar stool ng makita si Kristen. ''Hey, princess. How are you today?'' bati niya dito sabay halik sa ngayon ay medyo matambok na nitong pisngi. ''Ilang araw lang tayong hindi nagkita pero parang ang laki mo na agad.'' Amarah giggled. ''Hehehe. Big girl na po kasi ako, tita Tin. Pwede na nga daw ako maging ate sabi ni Daddy eh. Kaya gagawa sila ni Mommy ng baby.'' Kristen laughed aloud when she saw Bella blush. ''Oh wow. Kailan daw ba?'' Amarah shrugged her shoulders. ''Daddy said he's working on it. Ano po ibig sabihin noon, tita Tin?'' nakakunot ang noo nitong tanong habang nakatingala kay Kristen. Natatawang nilapirot ni Kristen ang

