Chapter 19

1930 Words

KANINA pa nakaupo sina Bella at Dwayne sa isang restaurant. Walang nagsasalita. Tinawagan ni Dwayne si Bella at hiniling na makipagkita dito para makapag-usap sila. "I'm sorry!" Basag ni Dwayne sa katahimikan. "Sorry, saan? Sa ginawa ng Mommy mo o sa ilang Linggong hindi pagpaparamdam?" may pait sa boses na wika ni Bella. Napatungo si Dwayne, animo hindi ito makatingin ng diretso kay Bella. "Hindi ko kasi alam kung paanong haharap sayo pagkatapos ng ginawa ni Mommy. Gulong gulo ang isip ko, babe. I needed time alone to sort things out." Napakagat labi si Bella. "Kahit kailan ay hindi ako matatanggap ng pamilya mo, Dwayne. Ayaw ko rin na papiliin ka sa pagitan ko at ng parents mo. Wala akong karapatan na gawin 'yon." "A-Anong ibig mong sabihin?" nakakunot ang noo na tanong ni Dwayne.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD