Chapter 16

2068 Words

(Chapter 16 - Ram Farm) Kinn's POV Nang makarating na kami sa Bolo Street ay binuksan ko na ang mga bintana ng sasakyan ko. Makakatulong kasi iyon kay Liam dahil sobrang presko ng hangin sa buong paligid dahil puro palayan, puno at mga halaman na ang madadaanan namin. Kahit ako ay na-miss ko itong daanan. "Na-miss ko ang sariwang hangin dito." Napapapikit pa si Sister Norma habang ninanamnam ang maaliwalas na hangin na pumapasok sa loob ng sasakyan. Sa lakas ng hangin ay muntik pang liparin ang belo niya, mabuti na lang at agad niya itong nahawakan. Nagtawanan pa tuloy kaming dalawa matapos mangyari iyon. "Wow! Nawala na agad ang hika ko. Ayos na po ako ngayon dahil sa masarap na hangin dito," sabi ni Liam. Tinignan ko siya. Nakababa na nga ang balikat niya kaya mukhang okay na nga ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD