Chapter 10

1897 Words
(Chapter 10 - Model ka girl?) Tamara's POV Hapon na nang magising ako. Itinulog ko na kasi ang sakit ng ulo pagkatapos kong kumain kanina. Sa wakas ay tila wala na akong hang-over. Pagbaba ko sa salas ay nabalitaan ko sa mga maids namin na umalis na raw si Cyd. Umuwi na ito kasama pa rin ang kaniyang private nurse. Masakit pa raw kasi ang balikat nito kaya kailangan pa niya ang alaga ng private nurse na iyon na sa tingin ko ay tila nagustuhan na rin ni Cyd. Gag* siya! Gusto pa niyang makipagbalikan sa akin nang lagay na iyon? Pagkatapos niyang makipag-s*x sa private nurse niya ay may gana pa siyang balikan ako. Kaya naman pala ganoon ang mga reaksyon ng babaeng nurse kanina. Alam nito na manloloko at babaero si Cyd.  Pumunta ako sa salas ng mansyon. Nadatnan ko roon sina papa at mama na may tinitignan na mga folder. Lumapit ako para tignan kung ano ang tinitignan nila. "Tamang-tama, narito ka na pala. Nais kong sabihin sa iyo na may sikat na fashion model na kaming nakita para gawing model sa bagong brand clothing na ilalabas namin ng papa mo sa mga susunod na buwan," sabi ni mama at saka ipinakita sa akin ang mga damit na ilalabas niya.  "Pero, magpo-focus muna tayo sa mga denim trends," sabi naman ni papa. "May Straight leg, capri, bell bottoms, patchwork, flares, denim catsuit, ripped, acid wash, dungaress, bootcut, lowrise at skinny," sabi pa niya.  Nakakatuwa sila dahil ang dami nilang alam sa mga pangalan ng pantalon na iyon. Daig pa ako. "Ang gaganda! Sure ako na mabebenta lahat iyan. Ganiyang-ganiyan kasi ang uso ngayon. Ang dami kong nakikitang mga denim pants na ganiyan sa mga ilang mga fashion model sa **," sabi ko. Sa totoo lang ay bet ko ang ilan sa mga design nila.  "And balak namin ay ikaw ang mag-model ng mga denim trends natin," sabi ni mama kaya bigla akong napatingin sa kanilang dalawa. Napatayo tuloy ka agad ako. "Seryoso po ba iyan?" tanong ko pa. Baka kasi nagkamali lang si mama o jino-joke time lang ako. "Yes, napagdesisyunan na namin ito kagabi pa," sagot ni papa. Nakangiti lang si mama sa akin. Alam kasi niyang gusto ko rin maging fashion model pagdating ng araw. Malakas ang kutob ko na siya ang nag-push nito. "Ang tanong ay pumapayag ka ba? Gusto mo na nga bang maging fashion model?" tanong pa ni mama. "Oo naman po," sagot ko agad. Bigla ko tuloy silang nayakap. Tuwang-tuwa ako. Sa mangyayaring ito ay mukhang makikilala na rin ako ni Kinn Ramirez. Malapit na talagang magtapo ang landas namin. Papasukin ko na rin ang mundo ng pagmo-model kaya gagalingan ko talaga ito. "Halika," aya ni mama at saka ako sinamang lumabas sa garden namin. Naupo kami sa isang bench doon. "Hindi lang basta pagmo-model ang gagawin mo. Balak naming ibigay na rin sa iyo ang pagha-handle sa business na ito. Ang mga damit na imo-model mo ay siya na ring business na ipapaubaya namin sa iyo kaya galingan mo ito, anak," sabi pa niya. "OMG! Parang hindi pa ata ako ready," sagot ko sa kanya habang kinakabahan ako. "May mga restaurant at mga coffee shop pa kasi kaming inaasikaso, maraming branch kaming tinitignan kaya sa tingin namin ay kailangan mo nang tumulong sa mga negosyo natin. Sa iyo na namin ibibigay ang isang malaking business na ikakasa namin. Kung may Penshoppe, Bench, at H&M dapat may Galvez din. Sila ang mga sikat na clothing brand na balang-araw ay magiging kalaban mo. Sa ngayon ay chill ka lang muna dahil nag-uumpisa ka pa lang." "Wala pa akong alam, mama. I need you pa rin para gabayan ako," sabi ko naman.  "Don't worry, gagabayan naman kita sa una. Alam ko naman na wala ka pang alam sa ganito. Hahanap naman tayo ng mga magagaling na tauhan mo. Saka, may mga sikat na fashion model na rin naman kaming nahanap na. Ito ang unang assignment mo na dapat mong asikasuhin ka agad. Isa-isa mo silang contact-in. Kailangan mo silang mapa-pirma ng contract sa atin para maging exclusive na sila Galvez clothing. Kauna-unahan dito na liligawan mo ay ang non-exclusive pa rin ngayon na sikat na fashion model na si Kinn Ramirez. Ang balita ko ay wala pa itong clothing brand na ini-endorse. Puro mga pabango, beauty care at food pa lang ang mayroon siya. Kung may damit man ay non-exclusive pa ang contract niya dahil pihikan daw ito. Ayaw niyang mag-stick sa iisang brand ng damit. Ang baba naman kasi ng mga offer ng mga brand sa kanya kaya ang gagawin natin ay dodoblehin natin ang pay sa kanya. Okay lang na maglabas ng malaking pera sa kanya. Kapag naman nakuha na natin siya ay para naman na tayong naka-jackpot dahil tiyak na mabebenta ang mga ilalabas mong damit kapag nai-model na niya iyon." Natulala ako nang marinig ko ang pangalan ni Kinn Ramirez. Feeling ko ay nanaginip ako. Hindi ko inaasahan na magtatagpo talaga nang mas maaga ang landas namin at ito ay malapit na ngang mangyari. Hindi ko pinapahalata kay mama na sobrang saya ko. Doble-doble ang saya ko. Magiging fashion model na nga ako, madalas ko pang makakasama si Kinn Ramirez kapag napapirma ko na siya ng contract sa Galvez clothing brand na ikakasa namin. Ayon pa kay mama ay malapit nang matapos ang buiding ng Galvez clothing brand. Matagal na pala nila itong pinagplanuhan. Inilihim talaga nila ito sa akin dahil gusto nilang i-surpresa ako. "May mga number ka na po ba nila?" atat kong tanong sa kanya. Kay Kinn talaga ang gusto kong malaman. "Yes, heto, kunin mo," sabi niya at saka ibinigay sa akin ang isang papel.  Maraming pangalang ng model ang naroon, pero ang pangalan ni Kinn ang agad kong hinanap. Nang makita ko ang number niya ay agad naman na kuminang ang mga mata ko. Bingo! "Kapag nakuha ba natin si Kinn Ramirez ay siya na ba ang magiging ka-partner ko sa magiging photoshoot ko?" tanong ko kay mama. "Yes, siya na nga. Kaya gawin mo ang lahat nang makakaya mo para makasama mo agad ang isa sa mga sikat ngayon na fashion model. Kapag nangyari iyan ay mahahatak ka agad ni Kinn. Tiyak na agad ka ring makikilala ng mga tao kapag naipagawa ka na namin ng billboard sa Manila," sabi pa niya kaya lalo na akong kinikilig. Iniisip ko pa lang na makakasama ko si Kinn sa photoshoot ay kinikilig na agad ako. Sobrang excited na talaga ako.  "Don't worry, mama, gagawin ko ang lahat para maging successful ang business na ito. Natutuwa ako dahil hindi na ako mabo-boring sa buhay ko. Sa wakas ay may pagkakaabalahan na ako sa buhay ko." Kita ko na tuwang-tuwa rin si mama sa akin. Masaya siya na natupad na niya ang pangarap ko na dati kong sinasabi sa akin.  "Kaya mag-ready ka na dahil may mga taong pupunta rito para turuan ka sa pagmo-model ng mga damit," sabi niya at saka na ako inakay muli papasok sa loob. Agad-agad naman akong tumungo sa kuwarto ko. Nag-ayos ako ng sarili ko. Naglagay ako ng kaunting kolorete sa mukha ko para maganda naman ako kapag may example pictorial na magaganap mamaya. 3:30 ng hapon nang dumating ang tatlong tao. Dalawang babae iyon at isang bakla. May mga maleta at malalaking bag silang dala. Kung hindi ako nagkakamali ay mga damit iyon na tiyak na gagawin naming props sa pagtuturo nila sa akin kung paano mag-model ng mga damit.  "Gusto ko ang size ng body mo. Ang ganda! Bagay na bagay kang maging model. Actually, kasing katawan mo nga sina Gigi Dadonza at Latina Mendez, eh. Ganiyang-ganiya ang katawan nila dahil ang dress na suot mo ngayon ay siyang una rin nilang nasuot noong nag-aaral pa lang silang maging fashion model. Dumaan din sila sa kamay namin," sabi ng baklang fashion model instructor na si Miss Tazanna. Nang una ay inakala kong babae siya dahil babaeng-babae na ang look niya. May boobs at maganda talaga ito. Nang magsalita siya ay doon ko lang nalaman na gay siya dahil malaki ang boses nito. "I agree, malakas ang kutob ko na balang-araw ay makikipag-sabayan na rin sa siya sa mga magagaling na fashion model," sabi naman ni Miss Ruth na fashion designer. Soon, siya ang isa sa mga makakasama ko sa business ko. Tinuruan ako ni Miss Tazanna ng mga kadalasan na pose ng mga fashion model. Ito iyong mga madalas gawin kapag photoshoot na. Nang una ay hindi rin naging madali. Ang hirap nang mga pinapagawa niya sa akin. Ewan ko ba, mas inuna niyang ituro sa akin ang mga mahihirap para raw kapag madali na ang ituro niya ay kayang-kaya ko na. Iyon daw ang isa sa mga technique na ginagawa niya para mapabilis ang trabaho niya. May minsan nga na napapagalitan niya ako, eh. Ang hirap kasi talaga. Para ba akong sumasayaw na biglang mag-i-stop dance. Dapat sa paghinto ko ay maganda ang posing ko. Hindi nakangiti at fierce dapat ang mukha.  Nahihirapan man akoy ay nag-e-enjoy naman ako. Natututo pa ako tuloy mag-posing. Nagagamit ko rin minsan ang mga palagi kong pose sa ** ko. Habang iba't iba ang sinusuot ko ay may isa namang babaeng photographer na kumukuha sa akin ng litrato. Ito ay para makagawa na rin daw ako ng portpolio ko. Lahat ng klaseng damit ay sinuot ko. Ang pinakahuli ata sa lahat na pinasuot nila sa akin ay ang swimsuit. Nang makita nila ang tunay na hubog ng katawan ko ay napanganga ko sila. Lalo na si Miss Tazanna. Pinuri niya ako dahil kaya ko raw labanan ang sikat na babaeng fashion model na si Latina Mendez. Hindi raw nagkakalayo ang hubog ng katawan namin. Naamoy daw talaga nilang isa ako sa magiging kalaban ng mga sikat ng fashion model balang-araw. Na-predict nila agad ang future ko kaya natutuwa ako. Hindi ko alam kung binobola lang ba nila ako o totoo ang mga sinasabi nila. Natutuwa naman ako sa mga papuri nila. Mas lumalakas lalo tuloy ang loob ko na i-push na ang pagiging fashion model ko.  Bigla kong naisip si Kinn Ramirez. Hindi rin pala madali ang trabaho niya. Ngayon ay lalo tuloy akong humahanga sa kanya. Ang pagiging fashion model pala ay hindi lang basta ura-uradang trabaho. Kailangan mong ibuhos ang galing at lakas ng loob mo sa pagsusuot ng iba't ibang kasuotan, lalo na ang mga swimsuit na talaga namang halos maipakita mo na ang mga itinatago mo. Ewan ko, kung ako lang. Siguro ay dahil first time ko pa lang na mag-swimsuit na kinukuhan ng litrato kaya ganito ang pakiramdam ko. Nahihiya talaga ako kaya wala akong magandang posing na nangyari ngayon.  Nagagalit na naman tuloy sa akin si Miss Tazanna. Pero siyempre, hindi ako pumayag na hindi ko rin magagalingan ang mga posing ko  sa swimsuit ko. Kahit nahihiya ako ay kinapalan ko na ang mukha ko para matapos na ang pag-aaral na ito. Sa huli ay nakaraos naman ako.  Next week ay ang pagrampa naman ang gagawin namin habang suut-suot ulit ang iba't ibang kasuotan. Sa opening daw kasi ng Galvez clothing brand ay may runaway model na magaganap at kami ng magiging ka-partner kong lalaking fashion model ang magiging star doon kaya kailangan ko raw galingan.  Sana talaga ay si Kinn na ang makasama ko. Sana mapapirma ko siya ng kontrata sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD