Hindi ako nakapasok kinabukasan dahil nag-insist si Mommy na magpahinga muna ako. She used her connections in Phoenix, too para masiguradong makukulong iyong dalawa. Iyong isa raw ay nasa ospital pa rin hanggang ngayon. My mother may be stupid when it comes to my father but, she has her own fierce attitude. Maldita iyong nanay ko. She was one of the head sniper of the Phoenix's way back. Kahit sa trabaho ay kinatatakutan siya ng mga empleyado. Pinatawag niya ang family doctor namin para matingnan akong muli. Though, nabigyan naman na ako ng first aid kagabi dahil galing na kaming e.r ay mas panatag kasi kami sa family doctor namin. As expected, namaga nga ang mga tuhod ko. Nahirapan akong maglakad dahil masyadong malaki ang bukol. May sugat din ang ulo ko dahil sa pagkakahila ng buh

