Chapter 5

2091 Words
Sinag ng araw ang nagpagising kay Amvin. Tila naalimpungatan pa kung bakit siya may yakap-akap na babae pero bigla din napalitan ng pagkabigla ng masilayan ang mala anghel na mukha  sa kanyang tabi. Masarap pa rin ang tulog nito, marahil ay napagod sa naging biyahe nito mula probinsya at dahil na rin siguro sa lahat ng tensyon na naranasan nito kahapon. Napangiti ang binata ng maalala ang lahat ng kalokohan na ginawa niya dito. Binigyan niya ng mabining halik sa pisngi si Czarina at siniguradong hindi ito magigising. Maya pa ay marahang lumabas at tinungo ang sarili nitong kwarto upang maglinis ng katawan dahil papasok pa ito sa trabaho. Lunes ngayon kaya kailangan niyang pumasok at maraming aasikasuhin.                      Isang tawag mula sa secretary niya ang kanyang nareceived. Kailangan raw na 9am  ay makarating agad siya sa  isang 5star hotel para sa kanyang breakfast meeting with an important client. Agad siyang gumayak at nagpaalam sa kanyang ina na nuon ay gising na at hinihintay lang ang pagdating ni Cora. Ang kanyang ama naman ay busy na nagkakape habang nagbabasa ng dyaryo. Maya din ay busy na rin sa phone ang ama dahil may kausap din na importante ukol sa business nito.                   "Amvin! Nagsumbong yung katulong na pinapunta ko sa unit mo! Dios mio! Bakit puro wasak ang gamit mo roon? Ano bang ginawa mo?" Nagagalit na tanong ni Marj.                  "Mom! Wala lang yun! Hahaha! I need to go mom! Bye!" Sabay halik sa pisngi ng ina.                 "Malinis na sa unit mo. Saan ka uuwi mamaya? Dito ba? Pagluluto kita ng paborito mo kung dito ka uuwi." Habol ng ina sa papalabas sa pinto na anak.                   "Yes mom! Definitely!" Nakangising sabi nito at kumindat.                  "Bye dad!" Sigaw din nito sa amang busy sa phone. Tanging tango lang ang sinagot ni Devin dito dahil di magawang makasagot sa kanya habang kausap ang isang kliyente.                   Nagising na rin ng oras na iyon si Czarina at biglang napabalikwas sabay tingin sa orasan.                  "Hindi!! Tanghali na! Hala baka pagalitan ako! " Tarantang sabi nito at saka inayos ang pinaghigaan. Kasalukuyan niyang inaayos ang higaan ng mapansin ang isang wallet na panlalaki. Nanlaki ang mata niya ng buklatin niya ito at makita ang id ni Amvin.                   "Bakit andito yung wallet niya sa higaan ko? Hindi kaya pinasok niya ako dito kagabi? Hindi!!!!" Tila nabigla si Czarina sa naisip at pinakiramdaman ang sarili. Nakahinga rin siya ng maluwag ng maramdaman na walang anumang nagbago sa kanya maski sa suot niya ay wala.                  "Bakit nga ito nandito?" Naguguluhan pa rin niyang tanong sa sarili.                   Lumabas siya at naabutan si Marj na nag-aayos ng umagahan kasama ang ibang katulong at si Cora.                   "Ma'am pasensiya na po at napasarap ang tulog ko." Hinging paumanhin niya dito at hiyang hiya.                 "Ayos lang yan! Napagod ka siguro sa biyahe mo kahapon."  Nakangiting sabi ni Marj at napatingin sa hawak ni Czarina. Naalala naman ni Czarina ang wallet na isasauli.                "Ito po ma'am." Sabay abot niya dito ng wallet.                "Ano ito?" Takang tanong ni marj.                 "Ahm.. ahh.. na-napulot ko po ka-kanina habang pa-papunta rito ma'am." Kinakabahang sabi ni Czarina dahil hindi siya sanay magsinungaling at hindi masabing sa mismong tulugan niya ito nakita. Natutulog kasi si Czarina sa isa sa bakanteng guest room dahil wala na siyang pwesto sa kwarto ng mga katulong at hindi rin niya alam na request ito ng magaling na si Amvin.               Binuklat ni Marj ang wallet at nakitang wallet ito ni Amvin.               "Naku talaga iyong batang iyon!" Agad niyang tinawagan si Amvin na noon ay kasalukuyang nagmamaneho.              "Hello Mom! May nakalimutan po ba kayong ibilin kaya kayo tumawag? Hahaha!"  Nagbibirong sabi sa ina.              "Anong ako ang may nakalimutan? Baka ikaw kamo ang may nakalimutan." Sagot ni Marj dito.             "Huh? May nakalimutan po ako?" Magalang na tanong ni Amvin.             "Oo! Yung wallet mo nandito naiwan mo at may nakapulot lang." Inis na sabi ni Marj sa kapabayaan ng panganay.            "Naku Mom! Buti nakita niyo po! Need ko pa naman yung i'd ko jan at atm mamayang after lunch." Tarantang sabi ni Amvin.            "Hindi ka na ba makakauwi? Padadala na lang akong tao diyan? Saan ka kakain maya ng lunch or kung may balak kang kumain ng lunch?" Istriktang tanong ng nanay.            "Hahaha! Yes Mom! I do need to eat lunch of course pero di ako makakalabas ng office sa dami ng gagawing papers. Baka magpadeliver na lang ako."  Natatawang sagot sa ina.           "Wag ka ng magpadeliver at magluluto na lang ako ng panglunch mo saka ko  ipapahatid diyan kasabay ng wallet mo. Ok?" Sambit ni Marj dito.            "Ok Mom! You're the best talaga! Paano kung wala akong Mommy na katulad mo? I Love You!" Naglalambing na sabi sa ina.            "Naku! Nang-uto ka pa! Mag-asawa ka na kasi!" Tudyo ni Marj dito.            "Gusto nyo po ba? Eh di sige! Wait lang po kayo at liligawan ko pa! Hahaha!" tila may binabalak na sabi ni Amvin.             "Naku! Ayusin mo huh? Hahaha! Bye na anak ingat!" Paalam ng ina dito.              "Sige po Mom! May meeting pa po ako. Love you! Bye!" Paalam din ni Amvin dito.            Maayos na natapos ni Amvin ang meeting nila  ng kliyente at dumiretso na siya office  saka nagpakaabala sa kanyang mga dapat gawin. Ni ayaw nitong magpaistorbo kahit kanino. At Ibañez residence.....           "Czarina? Pwede bang magpasuyo sa iyo?" Tanong ni Marj dito.            "Opo." Sagot na magalang nito.            "Pakihatid mo naman ito oh. Papasabay na lang kita kay Marvin tutal doon naman din ang daan niya pagpasok sa office niya. Kung pwede lang naman at magtaxi ka na lang pauwi" Pakisuyo ni Marj dito.             "Ok lang po syempre kaya lang... baka maligaw po ako at di ko po kabisado ang pasikot sikot dito po sa kamaynilaan." Magalang paliwanag nito.             "Ito ang address nitong bahay, bigay mo sa driver ng taxi para idiretso ka niya dito pag pabalik ka na. Sabay abot ni Marj sa isang pirasong papel.             Tumango lang si Czarina at ilang saglit ay dumating na si Marvin mula rin sa sariling unit nito.            "Where's Devine mom?" tanong nito sabay halik sa ina.            "She's still sleeping at napagod siguro sa biyahe niya kahapon." Nakangiting sabi ng ina dito.           "So paano Czarina? Lets go?!" Nakangiting sabi ni Marvin sa dalaga. Tumango lang ang dalaga at binitbit ang pagkain at wallet na ihahatid kay Amvin.           Habang nasa biyahe at nahihiyang tinanong ni Czarina si Marvin.          "Pwedeng magtanong?" Nahihiyang sabi ni Czarina.             "Oo naman! Sampung piso lang kada tanong! Murang mura na iyon! Hahaha!" Natatawang biro ni Marvin sa dalaga. Napatanga si Czarina sa sinagot ng binata sa kanya.             "Ganuon ba dito sa Maynila? May bayad kada tanong? Wala pa naman akong dalang barya dito at isang libo lang itong pinadala ni Ma'am Marj." Napatanga naman si Marvin sa sinagot ng dalaga sa kanya. Hindi niya alam na maniniwala ito sa sinabi niya.           "Hoy! Joke lang yun! Di ka naman mabiro! Hahaha!" Natatawang sabi ni Marvin.            "Akala ko totoo na! Hahaha! Sorry!" Nahihiyang sagot ni ng dalaga.          "Sige na itanong mo na yung gusto mong itanong kanina. Wag ka ng mahiya." Pangungumbinsi ni Marvin dito.          " Yung magandang babaeng kasama mo kahapon? Sino siya? " Tila namumulang sabi nito.           "Wow! Thanks sa pagpuri sa kanya but yeah she's really indeed beautiful!" Sambit ni Marvin at bigla rin natigil ng may naisip at tinanong ang dalaga.          "Yung kumandong ba kahapon kay kuya Amvin ang tinutukoy mo?" Pagconfirm ni Marvin dito. Namumulang tumango si Czarina dito.           "Hahaha! Uy! Selos siya! Wag ka ng magselos kasi wala ka naman dapat ikaselos! Hahaha!" Tila tuwang tuwang sabi nito at nagtatakang napatingin si Czarina dito.           "Huh? Hindi ako nagseselos! Bakit naman ako magseselos?" Namumula ang tenga niya sa sinasabi nito sa kanya.          "Ehh? Bakit namumula tainga mo? Hahaha!" Napahawak si Czarina sa magkabilang tenga niya.          "Hindi naman eh." Pagisisnungaling niya at biglang napayuko dahil di makatingin dito.           "Ok sige! Gusto kong sabihin sa iyo na wala kang dapat ipagselos kasi...she's our baby sister! And yap!  You heard it right! Siya ang aming mahal na bunso." Nakangising sabi ni Marvin at dahil nakastop pa ang traffic lights ay nakatingin ito sa dalaga sa tabi niya. Kita niya kung paanong nanlaki ang mata nito sa narinig.          "Ahmm ahh..Ganun ba? Maganda siya." Nakangiting alanganing sabi ni Czarina para pagtakpan ang hiyang nararamdaman. Nahihiya siya dahil sa wala naman pala siyang dapat ipagselos dito. "Anong sabi ko? Nagseselos ako?" Sa isip ay sabi ni Czarina at napalaki ang mata.           Ilang saglit pa ay narating nila ang isang maganda at mataas na building. Sinabi ni Marvin kung saan matatagpuan si Amvin at nagpaalam na sa kanya dahil kailangan na rin ni Marvin pumasok sa sariling opisina. Meanwhile at Amvin's Office.....                 Biglang bumukas ang pinto ng office ni Amvin at pumasok ang isang maganda at flirt na babae.                   "Hi baby Amvin!" Malandi at malakas nitong pagkakasabi. Si Amvin na nang oras na iyon ay nakayuko na abalang tinitingnan ang mga papeles sa ibabaw ng table ay napatingala at tumingin sa direksiyon ng pintuan.          "What the f*ck are you doing here?! Do I even call you?" Galit na sabi ni Amvin dito.          "Eh baka kasi miss mo na ako eh.." Malanding sabi nito at dahan dahang lumapit kay Amvin habang kumekembot. Dati ay madaling madala sa mga ganito si Amvin pero ngayon ay nagtataka siya kung bakit walang epekto ang ginagawa nitong panghaharot sa kanya bagkus ay parang nandidiri siya sa inaakto ng babae sa kanyang harapan.          "You know that I have lots of girls that I can call besides you. Bakit mo naman iisiping tatawagan kita at kailangan kita? Kaya pwedeng umalis ka na? Busy ako kaya umalis ka na bago ako tumawag ng security O ako mismo ang kakaladkad sa iyo palabas dito." Galit talagang sabi ni Amvin dahil naiistorbo nito ang kayang ginagawa. Nagulat ang flirt na babae sa inakto ng binata pero di ito nagpaawat at kumandong bigla kay Amvin na kinabigla naman ng binata. Agad dinaklot ng babae ang parteng pants ni Amvin kung nasaan ang p*********i nito.Pero nanlaki ang mata ng babae dahil ang dating ngiti pa lang niya ay ramdam niya na ang kahandaan nito pero ngayon ay kumandong na siya lahat lahat at  halos idikit na dito ang katawan ay tila isang jelly lamang ang nahawakan nito sa kalambutan.         "What the hell? What happen?" Sigaw ng babae sa bigla.         "See? You don't have any effect on me anymore! So you better stop it." Walang emosyong sabi ni Amvin dito.        "No!" Kinakabahang sabi ng babae dahil isipin pa lang nito ay parang nalugi na at dahil sa nangyari ay mukhang hindi na ito magkakaroon ng malaking halaga mula sa pagpapaligaya rito.        "Aalis ka ba o kakaladkarin kita?" Banta ni Amvin dito.         "No! Let's try again.." Pagmamakaawa ng babae kay Amvin.         "So ayaw mo talaga? Ok sige!" Biglang tayo si Amvin at hinatak palabas ang babaeng makulit.  Halos manggalaiti si Amvin dahil inaaksaya ng babaeng hawak hawak ang oras niya.         Pagkabukas ng pinto ay halos itulak ito at sinigawan.        "Wag ka ng babalik dito! I don't need a slut anyway! Pare-pareho lang kayo! Mga mukhang pera!" Sigaw nito at tumingin ng masama sa secretary.            "And you! Anong bilin ko? Di ba ang sabi ko wag kang magpapasok ng kahit sino at wag akong istorbohin? Huh?! Do you wanna get fired from this company? Galit na galit na sabi nito.          Agad na nagtatakbo paalis ang babaeng flirt at nabunggo pa ng mahina sa balikat ang  nakasalubong at nahihintakutang si Czarina na narinig ang lahat at ngayo ay nahihintakutan mula sa kanyang kinatatayuan.        Tila naman na binuhusan ng malamig na tubig si Amvin ng makita ang tulalang dalaga at parang maiiyak pa dahil sa takot sa nakitang ginawa niya.        "Czarina.." Mahinang anas ni Amvin pero sapat para marinig ni Czarina.        "A-ahm! P-pinahatid lang po ito ni Ma'm Marj..P-pero aalis na rin po ako agad.! Promise po!" Nahihintakutang nilapag sa table ng secretary niya ang mga bitbit nito. Agad itong tumalikod sa kanya at mabilis na lumakad para tumungong elevator.           "Czarina wait.." Tila nagising si  Amvin sa pagakakagulat at hinabol ang dalaga. Agad niya itong niyakap ng mahabol.             "Aalis na rin po ako! Baka magalit din kayo sa akin!" Natatakot na sabi ng dalaga dito.            "No! I'm not!  Let us get inside and don't be scared." Alo ni Amvin dito at nagpatiaanod lang ang dalaga. Ang mga tao sa paligid ay tila namalikmata dahil ang kaninang boss na galit na galit ngayon ay kalmado at ngiting-ngiti. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- A/N: Ehem! Ahahaha! I know korni ng update..hayaan nyo po. Please don't forget to follow your author. Maraming salamat! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD