Chapter 3

1491 Words
Chapter 3 Pagkatapos papasukin ang mga di inaasahang bisita ay hinanap ni Amvin si Czarina dahil wala na ito sa sala. Sinilip niya ito sa kusina ngunit wala rin ito doon. Tumuloy siya sa kwarto nito. Naabutan niya ito nakasalampak sa isang sulok ng kwarto at nakayuko habang yakap ng mga braso ang nakatuping mga hita. Nilapitan niya ito at narinig ang mahina nitong mga hikbi. Nag-aalala kung lalapitan ba ito at baka lalo lamang umiyak. "Czarina! Why are you crying?" iling lang ang naging tugon ng dalagang kahit nakayuko pa rin. "Yung...yu-yung..nangyari ba kanina? Pasensiya na nadala lang ako. Pipilitin kong 'di na maulit, basta wag ka lang umiyak." Mahinang sambit ni Amvin saka niyakap ng mahigpit ang dalaga. At sa pagyakap na ginawa niya dito ay lalo itong umiyak. "Tahan na baby! Sorry na! Tara na doon na tayo." Alo ni Amvin dito. Umiling ulit si Czarina habang nakatago ang mukha sa balikat ni Amvin. "May mga bisita at bawal akong lumabas." Mahinang sabi ni Czarina kasabay ang isang hikbi. " No! Sila Mommy lang 'yun at gusto ka niyang makita at makilala." Mahinang sambit ni amvin. "Ok lang ba itong suot ko." Tukoy ni Czarina sa kanyang suot na short at pinahid ni Amvin ang mga luha niya. "Yes they are! Let's go!" inalalayan siyang tumayo ni Amvin. Saktong pagtayo nila at lalabas na sana ng kwarto nang biglang bumukas ang pinto. "The heck, Amvin! Bakit siya umiyak? Anong ginawa mo sa kanya?! Wala ka na talagang pinagbago!" Bulyaw ni Marj sa panganay na anak . " Mom! Listen first please! " nag-aalala at natatarantang sabi ni Amvin lalo na ng makita ang masamang tingin ng ama sa likuran ng mommy niya. "Anong paliwanag? Kay bago-bago lang niya at kararating lang ay kung ano na namang kababalaghan ang ginagawa mo! May iba pa bang magpapaiyak sa kanya? Ano? Ikaw dahilan ng pag-iyak niya 'di ba?" Sabay agaw ni Marj sa braso ni Czarina na hawak-hawak ni Amvin. "No! Yes! I mean no!" nalilitong sagot ni Amvin. "Yes" dahil siya ang dahilan at "No" sa pag-agaw ng ina sa braso ni Czarina. "Tingnan mo! Di ka makasagot ng maayos!" Galit na sabi ni Marj saka binalingan si Czarina. "Are you ok, Ija? Don't worry hindi ka na magtatagal dito 'coz you're going to stay at my house. Ikukuha ko na lang siya ng ibang maid." Malambing na sabi ni Marj kay Czarina. "What?! No mom!" Nagpapanic na sabi ni Amvin at kinalaki rin ng mata ni Czarina. "Anong no? Czarina! Pack your things at i-aalis na kita rito ngayon din! Baka kung anong mangyari sa iyo at mag-alala pa si Manang Amy." Sambit ni Marj sa dalaga. " P-pero po.." tanggi sana ni Czarina dito kaya lang nahihiya siyang sumagot. "Don't worry, Ija! Tinakot ka ba niya? Wag kang mag-alala, nandito kami at gagabayan ka namin. He can't harm you in anyway." may lambing na sambit ni Marj dito. "O-ok po.." Nakayukong sabi ni Czarina at saka nilapitan ang mga gamit. Saktong di pa niya nailalabas mula sa bag ang mga gamit niya ng dumating siya dito, kaya naman sandali lang at naayos na ito. Habang si Amvin at nanlalaki lang ang mata sa nangyayari. " What?! Wait! Stop this nonsense argument! Hindi siya aalis!" Awat ni Amvin at inagaw ang bag na hawak ni Czarina. " Umayos ka, Amvin Craige!" Galit na sigaw ni Devin at sadyang galit na ito dahil tinawag na ang buong pangalan niya at tila nababaliw na si Amvin sa kaganapang iyon. "But Dad!!" Mangangatwiran na sanang sabi ni Amvin. "No buts! Ako nga di nakakatanggi sa utos ng nanay mo! Ikaw pa kaya?" Matiim na sabi ni Devin sabay akbay sa asawa. "Di ba, My Amber?" malambing na sabi ni Devin sa asawa na sinagot lang ng siko ni Marj sa tagiliran nito. "Aray naman!" reklamo ni Devin. "Umayos ka, Devin! Sa iyo talaga nagmana 'yang anak mo eh." naiinis na sabi ni Marj. "Naglalambing lang eh." Mahinang reklamo ni Devin. "May sinasabi ka?" Tanong ni Marj kay Devin. Ngisi lang ang sagot ni Devin saka napakamot sa ulo. Kahit kailan 'di na siya nanalo dito. "Tama na! Baka langgamin na tayo dito! Tara i-uwi na natin si Czarina sa bahay." Awat ni Marvin habang nakangisi ng nakakaasar sa kuya niya. Pinanlakihan ito ng mata ni Amvin. "Let's go, Czarina!" Sabay hinatak na ni Marj si Czarina at papalabas na sana sila nang biglang humarang si Amvin sa pintuan. "No! She's not going anywhere! Dito lang siya sa akin. Pinadala niyo siya sa akin dito pagkatapos babawiin niyo lang Mom! Walang ganoon!" Reklamo ni Amvin. "Move aside, Amvin! Padaanin mo kami! Kung ayaw mong pabagsakin ko lahat ng negosyo mo! " banta ni Devin dito at alam niyang kaya iyong gawin ng ama. Nanlaki lalo ang mata ni Amvin sa narinig. "But... Please! " Tila gusto nang magsumamong sambit ni Amvin. " Ok! Bigyan mo kami ng matinding dahilan kung bakit siya dapat siya  mag-stay dito sa iyo. You have only five minutes to do that." mariing sambit ni Devin. "Because I don't have a maid...?" Tila may alanganing ngiting sagot ni Amvin. "Yung lang? Ipadadala ko sa iyo ang isa sa katulong sa bahay o kaya gusto mo si ninang yaya Cora mo na lang." Nakangising sambit ni Marj. "No! I want her!" Tila nag-aalalang sabi ni Amvin. "Three minutes left.." Banta ni Devin sa time na palugit ni Amvin. "Be-because.." Tila di mapakaling sabi ni Amvin. Habang lahat ay nag-aabang sa sasabihin ni Amvin lalo na si Czarina. "Sh*t! Sasabihin ko bang mahal ko siya? Di naman sila maniniwala kasi ngayon lang kami nagkakilala..saka di ako sigurado. Basta gusto ko lang lagi siyang kasama, di ko nga alam ang salitang mahal eh. Baka physical attraction lang ito" Bulong ni Amvin sa sarili kaya wala siyang nagawa kundi umusog na lamang para bigyan ng daan ang mga ito at nakayukong hayaan na lang itong mawala sa bahay niya. Lahat naman ay napanganga sa ginawa niya.Surprise sila dahil first time na sumuko ni Amvin sa isang pagkakataon at si Czarina naman nang oras na iyon at parang gustong maiyak dahil sadyang hahayaan lang talaga siya ng among umalis,hindi niya alam pero na-disappoint siya sa sinabi at ginawa nito. Tila may inaabangan siyang sabihin nito at nabigo lang siya, ano bang aasahan niya dito eh mukha naman itong babaero. Sino nga ba siya para dito? Isang walang kwentang babaeng galing probinsya. Malungkot na lang na lumabas si Czarina habang nakayuko dahil ayaw niyang makita ang mukha ng amo at baka masaktan lang siya. "Are you ok, Ija?" Nag-aalalang tanong ni Marj. Sinagot lang ito ng isang malungkot na tango ng dalaga at di na binalak na lumingon pa pagkalabas ng unit na iyon. Habang lumalabas ay kasunod nila Marj si Marvin at nang-aasar na nagparinig ito sa kuya niya. "Nice! Magkakaroon ng magandang chicks sa bahay, tigilan ko na siguro pang-iistalk ko tutal naman may magandang dalaga na kaming kasama sa bahay. Naku! Mukhang lagi na akong mag-stay talaga nito sa bahay." nakangising sabi ni Marvin. Nagulat siya ng kwelyuhan siya ng walang sabi ng kuya niya. "Subukan mo lang hawakan kahit dulo ng daliri niya at may paglalagyan ka sa akin kahit kapatid pa kita." Nanggigil na bulong ni Amvin sa nakababatang kapatid na lalaki. "Dad, oh! Si Kuya mananakit!" Nang-aasar na sumbong ni Marvin. "Stop it! Umayos kayong dalawa! Para kayong mga bata!" Bulyaw ni Devin kaya binitiwan na agad ni Amvin si Marvin. Nang pagkalabas ng mga ito ay tulala lang na naiwan si Amvin sa kanyang unit. Nang marealize ang nangyari ay nagsisigaw ito at binalibag ang mahawakan. " How can I let her go like that?..." " How can I let her go like that?..." " How can I let her go like that?..." " How can I let her go like that?..." Paulit ulit na tanong ni Amvin sa sarili. Sinuntok pa niya ang pader at binalibag ang mahawakan. Biglang tumunog ang phone. Ang daddy niya ang tumatawag at nanggigigil na ini-accept ang tawag ng ama. "I just also want to remind you na bahay mo pa rin ang bahay ko, ikaw lang naman ang tamad umuwi eh. Pero ngayo, sa tingin ko ay may dahilan ka na kung bakit palagi ka nang uuwi ng bahay! Hahaha!" Natatawang sabi ni Devin saka pinatay ang tawag. Napalaki ang mata ni Amvin saka lamang narealize na bahay nga rin pala niya ang bahay ng magulang, anong bang pinagwawala niya. Tumingin siya sa paligid at nakita ang lahat ng sinira niya. Bigla siyang napatawa ng malakas. "Ang gago ko talaga bakit di ko naisip yo? Hahaha!" tila baliw na tawa ni Amvin. "Wait for me my Czarina. 'Coz this possessive devil is coming home and will do everything to have you"nakangising sabi ni Amvin. ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Author's Note: Ayyyttt! sinabawang update po kayo jan sa wala pang ulam! Hahaha! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD