Chapter 1

1360 Words
                      "Anak, mag-iingat ka sa Maynila ha? Marami raw manggagantso doon! " Habilin ng ina ni Czarina bago umalis ang anak.                       "Opo, Nay! Saka tatawagan ko po kayo agad sa cellphone 'pag dating ko doon." Magalang na sagot ng dalaga sa kanyang ina.                         "Oh sige! Kung magkita na kayo ni Tiyang Amy paki kumusta mo na lang ako kaagad ha?" Bilin pa nito.                        "Makakaasa ho kayo, Inay." Hinalikan ni Czarina ang ina at ang amang nakaratay sa higaan. Ang dahilan kung bakit kailangan niyang magtrabaho.                       "Tuloy na po ako at mag-ingat ho kayo lagi, Inay. Pagsahod ko po ay magpapadala agad ako ng pang gastos niyo at pambili ng gamot ni Itay.Pati na rin pambayad ng ilaw at tubig."  Sambit niya sa ina bago tuluyang umalis. Isang ngiti lang ang binigay nito sa anak at tinanaw lang ito sa pag-alis hanggang tuluyang mawala na sa kanyang paningin.At saka lamang kumawala ang mga  butil ng luha sa mga mata ng ina ni Czarina                     "Ngayon ka lang mawawalay sa amin anak! Sana'y palagi kang mag-iingat." Malungkot na bulong ng ina sa pagkakawalay sa kanya ng kanyang anak.  Meanwhile.....                    "Mom! I'm here! Ano po bang kailangan nyong sabihin at pinapunta nyo pa ako?" Sigaw ni Amvin pagpasok ng kanilang tahanan.                  "Ganyan ba ang pagbati mo sa amin huh Amvin?" Galit na sabi ni Devin.                  "Sorry Dad! I just got tired from something." Cold na sagot sa ama ni Amvin.                  "Saan ka napagod? Sa mga gimiks at mga babae mo? Kailan ka ba magbabago? Why don't you try to find the right girl for you, Amvin?" Malamig din na sermon ng ama sa panganay na anak.                 "Right girl? Wala ng right girl ngayon, Dad! Halos pare-parehong gold digger ang mga iyan at kung 'di ka naman maitsura ay hindi ka papapansinin. True love meron ba noon? Kayo lang yata ni mom ang huling nakaranas niyon, Dad! Kahit gumastos ako o gumimik at  kahit mambabae  pa ako eh di ko naman pinababayaan ang bussiness ko. Can't you see? I'm a millionaire by my own and almost a billionaire, kaunti na lang." Nakangising sagot ni Amvin sa ama.                  "Oo kaunti na lang! Kaunti na lang masasapak na talaga kita! Umayos ka sa akin at baka masapak ko yang mukha mong sinasabi mong goodlooking! Sa lahat ng mayaman ikaw lang ang walang bahay, nakukuntento ka na sa maliit mong unit? Why don't you bought your own house, para kapag nakahanap ka na  ng mapapangasawa mo may bahay ka na?"  Sermon ni Devin sa anak.                  "Mapapangasawa? Hahaha! I don't even have plans to have one, Dad. Kung pare-pareho lang sila ngayong mga babae ay mas mabuting wag na lang! I'm just too happy being single! Saka nandiyan naman kayo nila Mom." Natatawang dahilan ni Amvin.                  "But we won't always be here at tatanda rin kami. Pati mga kapatid mo magkakaroon na rin yan ng sariling pamilya balang -araw. Ikaw ang panganay at sa iyo ako nag-eexpect magkaroon ng unang apo pero mukhang malabo." Sermon pa rin sa anak ni Devin.                 "Anong pinag-aawayan niyong mag-ama?" Takang singit ni Marj na galing sa kusina. Taglay pa rin nito ang kagandahan na nagpabaliw at nagpatino kay Devin. Animo'y hindi ito nadadagdagan ng edad.                "Itong si Dad ay pinipilit na akong mag-asawa at magkaanak! " Nakangusong sumbong sa ina ni Amvin.                "Naku! No comment ako diyan!"  Sigaw ni Marj. Playing safe si Marj at baka madamay sa pinagtatalunan ng kanyang mag-ama.              "Bakit mo pala ako pinapunta, Mom?" Tanong sa ina ni Amvin.              "May bago kang maid. Teka! Pang ilan mo na nga ito? Jusme, Amvin! Umayos ka naman! Pakitunguhan mo itong parating na personal maid mo at apo ito ni Manang Amy sa pamangkin, kaya magkaroon ka ng kaunting hiya sa katawan. Galing pa iyong  probinsya at wala ng ibang matutuluyan kundi dito lang din sa akin 'pag pinalayas mo na naman. Maawa ka, anak! Wag mong sungitan at awayin, pakitunguhan mo anak at mabait naman daw ito. " Mahabang litanya ni Marj sa anak.            "Yah! Another w***e! Whose gonna try to flirt with me again para yumaman" Mahina at pabulong na sambit ni Amvin.              "Anong sabi mo?" Takang tanong ni Marj dahil di narinig ang binulong ng anak.             "Wala po, Mom! Sabi ko po uuwi na kong condo ko at baka papunta na iyon. Love you Mom and Dad! Bye!" Saka tumalikod paalis. Bumaling siya ulit dahil may nakalimutang sabihin sa ina pero pagtingin niya ay isang nakakalanggam na tanawin ang nakita niya. Hinahalikan ng Dad niya ang Mommy niya.             "Itong tatay ko talaga! Ang tanda na ang landi pa! " Saka tuluyan ng umalis at kinalimutan na lang ang dapat sabihin pa sa ina.            While driving...his phone rang and found out that it's Marvin calling him.           "Hello, Bro! Have you found your right girl? Bilisan mo at pakasalan mo na nang mapakasalan ko na rin itong baby ko." Nakangising sambit ni Marvin.          " Baby mo? Alin yung baby mo na iniistalk mo? Hahaha! Sa takot sa iyo niyan 'pag nalamang ikaw ang stalker ay iiwasan ka lang. Di ka niyan papansinin. Ikaw yata nagmana kay Dad sa pagiging stalker! Saka asa ka pa! 'Di ako magpapakasal at itaga mo yan sa bato! Walang right girl for me!" Saka pinatay ang tawag para di na ito magkaroon ng chance makapagsalita. Pero nagring ulit ang phone niya. Isang unknown number.           "Hello!" Cold niyang sabi sa kung sino man.          "Hello, Bro! Jaze here!" Sagot ni Jaze sa phone.          "Oh buhay ka pa pala, Bro! Akala ko wala ka na at 'di ka na nagparamdam." Cold pa rin niyang sabi.           "Pauwi na kong pinas." Malamig ding sagot ni Jaze. Grabe palamigan sila, pwede na silang gawing aircon.          "Eh 'di umuwi ka! Walang pumipigil. " Cold pa ring sabi ni Amvin.         "Siraulo! Gago! Baliw!" Sagot ni Jaze dito pero in a cold way pa rin saka pinatay ang tawag.. Kahit kailan ay wala pa rin silang kwentang mag-usap.           Natatawa lang si Amvin sa naging conversation nila. Bata pa lang ay cold na itong si Jaze kaya cold din niyang kausapin para fit daw. Gunggong talaga!           Nang makarating ng bahay ay bigla siyang nanlumo dahil wala pala siyang stock na ready to eat at ang pinakamatindi at hindi siya marunong magluto.           "Gago kasi tong mga kapatid ko eh! Tawag ng tawag sa gwapo nilang kuya! Yan tuloy nakalimutan kong bumili. Hindi bale, tatawag na lang ako sa isa sa mga chicks ko para dalhan akong food." Dadial na sana siya ng tumunog ang doorbell.            "Naku naman oh! No need to call yata at may isang nakaalala sa mga babes ko." Pagbukas niya ng pinto ay isang nakayukong dalaga na nakasuot ng mahabang bestida ang nabungaran niya. Hindi nya makita ang mukha nito dahil sa nakayuko ang babae.           "Who are you?" Takang tanong niya. Dumiretso ng tingin ang dalaga at nahihiyang ngumiting sumagot.              "Ako po si Czarina. Yung maid po na pinadala po sa inyo ni Ma'am Marj." Nahihiyang sabi nito at tila namimilipit sa kaba at nilalamutak ng kamay ang hawak na panyo, lalo na nang makita kung gaano kagwapo ang mukha ng kaharap pero mukha ring istrikto. Si Amvin ay napatanga lang ng masilayan ang maamo at magandang mukha ng kaharap.             "So you're my new maid! Hmmm...! Then you have to do anything I'm gonna ask you to do." Mahinang sambit ni Amvin pero tama lang para marinig ng kaharap. Napatango naman ang dalaga.             Bumulong si Amvin sa sarili habang pinapapasok ang dalaga sa loob ng unit niya.             "So if I told you to be mine, then you'll be mine and I think it would be fun!" Nakangising sabi ni Amvin.             "Po?" Takang tanong ni Czarina sa binubulong ng magiging boss niya.             "Nothing just prepare yourself at nagugutom na ako. Oh! I mean prepare food for me dahil nagugutom na ako." Nagulat man sa unang sinabi ng amo ay napatango na lang si Czarina.             Nakangising sinara ni Amvin ang pinto ng unit.             "Humanda ka, Czarina... 'Coz I will turn your world into mine." Mahinang sambit ni Amvin bago sinundan ang dalaga sa kusina. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- A/N : So ito na po ang umpisa ng story nila. It's a whirlwind romance so please don't be surprised!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD