Chapter 2

1156 Words
Jeanne’s Pov Pagkalabas ko ng banyo ay guminhawa ang aking pakiramdam nang mapagtanto kong wala na ang lalaking kaninang nangbabastos sa akin. Dalawa pa sila at parehas rin may itsura pero mas gwapo pa rin yung una, yung naka itim na mask kaso masyadong mayabang. Hindi porket gwapo siya pag naka mask, pwede niya na ako pagsalitaan ng bastos. Siguro pangit talaga siya pag walang mask kaya ganun na lang kalala pag mayroong mask. Nagpasya na akong bumalik sa aking upuan at sakto naman pagdating ko rito ay inihain naman ng waiter ang aking mga pagkain. Napatakam ako sa mabango at bagong-lutong amoy ng bifstik. Paboritong paborito ko talaga ang baka ngunit isang beses lang sa isang buwan ako pwedeng kumain nito dahil masyado kong dedikado sa aking striktong diyeta. Naghiwa ako ng maliit na piraso ng steak gamit ang aking tinidor at maliit na kutsilyo at ito’y aking tinikman. “Mmmmh!” Hindi ko napigilan ang aking sarili mapa ungol ng bahagya sa sarap. Simula nung lumipat ako dito, hindi pa ko kumakain ng ganito kamahal na pagkain sapagkat limitado lamang ang aking budget dito. Tuloy ay masyado kong namiss ang buhay ko dati na laging kumakain nito lalo na pag nilalagyan ng melted cheese. Sandali akong napalingon sa harapan at namataan ko ang lalaking naka itim na mask, aliw na aliw sa panonood sa akin. Kanina pa ba ito nakatingin? Kawawa naman yung girlfriend niya, ayaw niya pansinin. Nasa ibang babae kasi ang atensyon. Hays! mga lalaki nga naman ngayon. Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa paglalasap ng masarap na steak na inihain nitong restaurant na ito. “Miss, here is your receipt!” I startled by the sudden announcement of the waiter. I glance beside me and saw the waiter holding a black clipboard with the receipt fastened which led me into confusion. I’m not even done eating. “But i’m not done yet? My dessert still haven’t arrived yet.” Ani ko ng may pagtataka sa aking mukha. “Oh! Someone already paid for all of your orders.” Sagot naman ng waiter. Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ng waiter. Wala pa rin naman akong gaanong kilala rito. There must be some kind of mistake. “Who? I mean, there must be some kind of mistake.” Ani ko. Hindi pa rin maalis ang pagtataka. “He’s over there.” Sabi niya at tumuro sa kung saan. “He asked for your bill and paid it. Lumingon ako kung saan nakaturo ang waiter at tumama ang paningin ko sa pamilyar na mga mata na kulay asul. Nakatitig siya sakin na may nakakalokong ngisi. Wala na siyang mask at ang gwapo niya. Mayabang nga lang saka may girlfriend na siya. Bakit niya pa ako nilalandi harap-harapan sa girlfriend niya? Binigyan ko na lamang ang waiter ng $20 bilang tip at tiningnan ang receipt. Hindi ba dapat kung sino ang nagbayad siya ang magpipirma ng resibo? “What am I supposed to do with this?” Deretso ko naman tanong. “He said he will not sign it unless you put your number there”sagot naman nito na may pag-aalinlangan sa kanyang mukha. “He is a very impatient man.”i heard him mumble. I looked at him and i noticed him sweating and starting to get nervous. That bastard must’ve threat him so that he would do his orders quickly. Para sa kapakanan ng waiter nito, sinulat ko na lang ang number ko at iniabot sa kanya. Agad naman siyang nagpasalamat at nilisan ang aking lamesa. Pag-abot niya ng receipt sa lalaking yon, nagpatuloy naman siya sa counter upang dalhin sa akin yung aking inorder na dessert, ang creme brulee. Nung pagkadating naman ng aking dessert, narining namin tumunog ang pintuan. Sinilip ko kung sino ang pumasok at agad ko naman itong namukhaan ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Natinag naman ako ng magpunta ito sa aking harapan. “Hey! You’re the foreign student! Mind if i sit here?” Pagbati nito sa akin ng may malaking ngiti sa kanyang mga labi. Umiling nalang ako bilang tugon at hinila naman niya ang upuan na katapat ko at naupo. Nagpatuloy muna siya sa paghahayag ng kanyang mga orders sa waiter at nung ito’y makaalis, bumaling naman siya sa akin. “Hey, you might not notice but my name’s Colton from Math class” sabi niya ng may ngiti pa rin sa kanyang mukha at inilahad and kamay. Tumango na lamang ako at tinanggap ang kanyang kamay bilang tugon tapos nagpatuloy sa paglasap sa aking dessert. “May i know yours?” Nahihiya niyang tanong. “Jeanne” tipid kong sagot. Nginitian ko na lamang siya at sinubukan lumingon sa paligid ngunit namataan ng aking mata ang lalaking kulay asul ang mga mata na nakatitig sa akin. Ang kanyang mata ay hindi tulad kanina na maliwanag na maliwanag dahil ngayon ay nandidilim na ang mga ito. Masamang-masama at matatalim ang titig nito habang nakatitig sa lalaking nasa harap ko. Binalewala ko na lamang ito at nagpatuloy sa pagkain sa aking dessert. Malapit ko naman na ito maubos, ilang kagat na lang. “So how do you like this place so far?” Tanong naman ni Colton. “Well, it’s easy and always been a dream to me but there’s a lot of creeps.” Sagot ko naman at narinig ko siyang tumawa nang marahan “That’s what they all say.” Sabi niya “Who?” Inosente ko naman tanong. “People like you.” Sagot naman niya “What kind of people am i?” Nalilito kong tanong. “Foreigners or newbie in New York” sagot naman niya at agad ko naman naintindihan kaya tumango na lamang ako. Tumigil siya sa pagkain at tumitig sa akin. “Do you have anything to do on the weekend?” Tanong niya. Ano nga ba gagawin ko sa weekend? Ayun! Sightseeing nga pala. “Yes!” Tumango na lamang ako dahil tama naman yung sumagot para sa akin pero teka...Pano niya nalaman na yun yung sagot ko? Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nagulat ako sa lalaking may asul na mga mata at nanlilisik na ngayong ang kanyang tingin habang nakatayo sa tabi ko. Lumingon ako sa lamesa nila kung nasaan ang girlfriend niya, masyado naman itong titig sa aking kausap na si Colton. May itsura naman din kasi ito. Napansin ko na rin na pinagtitinginan na kami ng mga tao. “Oh, Colton, right? I’ll go ahead. I’ll see you at math class!” Pagpaalam ko kay Colton at lumingon sa lalaking asul ang mata. “Thank you for paying my meals!” Sabi ko ng walang ekspresyon at nagpatuloy na umalis sa restaurant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD