Prologue

849 Words
[Jeanne’s pov] Nakangiti kong pinagmasdan ang lalaking nasa harapan ko. Napansin kong ilang pulgada ang inilayo ng kanyang taas sa akin kumpara nung kami ay nasa elementarya.Nakatalikod man ngunit nasisigurado ko na siya ang dating Frederick na nakilala ko at minahal ko ng todo-todo. “Uy,si Frederick oh!” bulong sa akin ng matagal ko ng kaibigan na si Joy. Lumingon ako sa gawi niya at tumango lamang bilang tugon at nagpatuloy sa paglalakad sa likod niya. “Siya yon?” tanong naman ni Jade. Huminga ako ng malalim at kinagat ang labi saka lumingon sa gawi niya upang tumango rin bilang tugon. Nanlaki ang mga mata niya at bakas sa kanyang mukha ang gulat at saya na may bagong nakalap na impormasyon. “Hindi ka pa ba nagsasawa dyan?” inis na singit ni Joy. “Bakit naman ako magsasawa?” inosente ko naman tanong. “Eh kasi...” Lumingon siya sa gawi ni Frederick na medyo malayo na sa amin at nasa tapat ng SM store. Kasama na niya ang kanyang mga kaibigan na lalaki.Halos magkakasing-pantay lang sila ngunit talagang masasabi mo na hindi siya ang pinaka-gwapo sa kanilang magkakaibigan kaya’t kataka-taka rin na iba-iba babae niya kada taon. “Sa dinami-dami ng mga naging girlfriend niya nung sampung taon na magkakilala kayo, wala ka pa roon.” singhal nito. Nabigla naman kami ni Jade sa iniasta niya sapagkat sa sampung-taon na yun ay lagi niya akong sinusuportahan ngunit patuloy pa rin kaming nabibigo. May jowa na ang dalawa kong kaibigan, ako nalang talaga wala pa. Hinihintay ko pa kasi itong nasa harap ko kanina. “Eh bakit ba?! Malay mo kami talaga sa isa’t isa!” asik ko naman sa kanya. Napasapo na lang siya sa noo at ilang beses na umiling. Naiintindihan ko naman ang kanyang nais na ipahiwatig ngunit hindi na ba talaga pwede at baka ako naman ang piliin niya? Pumasok kami sa isang shop upang mamili ng mga damit na aking isusuot sa States. Natanggap kasi ako sa scholarship na aking inaplyan sa New York University. Mas pinili ko nalang na dito mamili ng mga damit para mas makamura,makarami, at magaganda pa ang mga mabili ko. Ilang oras kaming naniningin ng mga damit na aking isusuot at ang aking balak ay mga damit na sakto pang-isang linggo. Ang mga kaibigan ko naman ay tinutulungan rin ako sa pamimili ng aking mga kakailanganin. Abala ako sa pamimili ng isusuot na bikini nang may narinig ako na pamilyar na mga boses. “Baby, may napili ka na ba?” “Wala pa eh, ikaw?” “Eto, napili ko para sa iyo” “Ang ganda naman, baby!” “Syempre! Maganda ka eh kaya maganda rin dapat mga para sa iyo.” “Ano ba? Kinikilig ako!” “Cute mo!” Mula sa hilera ng mga damit na nakapagitan sa amin ay sinubukan kong sumilip at parang may bumuhos sa akin ng malamig na tubig o pinagsuklaban ako ng langit sa aking nakita. Ang lalaking aking hinintay at minahal ng walong taon kahit na marami silang sinasabi na hindi maganda sa kanya ngunit sinabi ko pa rin sa sarili ko na tanggap ko siya kahit sino siya, si Frederick, na may kasamang ibang babae. Kakahiwalay lang nila ng girlfriend niya nung isang linggo kaya’t nagkaroon ako ng pag-asa ngunit hinintay ko muna siyang makamove-on pero eto siya ngayon sa harapan ko na may bagong kasamang babae at hindi ako yun. Ang tagal kong naghintay. Ginawa ko na din ang lahay para mapasakanya ngunit patuloy pa rin nabigo. Isa din sa mga pumukaw ng aking atensyon ay ang magkamukhang singsing na nasa daliri nila. Andaming pumapasok na tanong sa isip ko at nagsimula na rin mangilid ang mga luha ko. Buti nalang at nasanay ako magpigil ng luha kaya napagtagumpayan ko naman ngunit naramdaman ko ang pintig ng aking puso mula sa dibdib. Siguro nga, tama ang aking mga kaibigan. ‘First love is not always the true love’ Eto na siguro talaga ang oras na kalimutan ka at magpatuloy sa agos ng aking buhay. Dumiretso na ako sa cashier, dala-dala ang isang shopping cart na puro damit. Ang mga kaibigan ko naman ay nakatambay malapit sa exit habang hinihintay ako. Nang makarating ako sa cashier, inilabas ko ang cellphone ko at tinanaw ko sila mula sa gawi ko at naabutan ko silang magkahawak ang kamay at nakatingin sa isa’t isa. Nanginginig man ang aking kamay, napagtagumpayan kong buksan ang messenger ko at itype ang aking mensahe sa kanya. ‘It’s been 8 years and we may not see each other again so here is this year’s confession and my last one. As you can see, i never stopped loving you. I always ask my friends about you and how are you but now, i see you’re happy with your new girl now. I will not interfere in your relationships. Be happy and congratulations! As for my daily reminder, crush kita for 8 years! Goodbye.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD