Jeanne’s pov
Pagkagaling ko sa restaurant ay bumalik na ako sa aking apartment na tinutuluyan upang maligo at mag-aral para kinabukasan sapagkat half-day lang naman ang klase namin ngayon. Laging ganito ang aking araw. Isang araw na lang bago ang weekend at makaka gala na ulit ako.
Naupo ako sa aking upuan sa study table at nagsimula nang magbasa habang ang aking kaibigan ay natutulog sa kwarto niya. Sinet ko ang aking timer at kinuha ang aking textbook. Binasa ko ito hanggang sa matapos ang aking timer at ako’y nag pahinga muli. Effective talaga ang Pomodoro technique.
Napagdesisyunan ko na lang na magpalit na lang ng pantulog. Habang nagpapalit, hindi ko maiwasang maisip ang nangyari kanina sa restaurant.
Tatlong gwapong lalaki ang lumapit sa akin kanina. As in, grabe talaga ang gwapo nila, pang-model. Mas gwapo pa kay Frederick lalo na yung kulay asul yung mga mata. Speaking of Frederick, kamusta na kaya iyon? Ano ba yan? Huwag ko na nga iyon isipin at matagal na kong move on dun basta ang ganda ko ngayon.
Nakangiti kong pinagmasdan ang sarili ko habang suot-suot ang aking lace na bralette at short. Kami lang naman ng kaibigan ko ang nakatita dito kaya malaya na akong matulog na ganito ang suot.
Matagal kong pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin hanggang sa may sunod sunod na katok sa pinto akong narinig. Sa sobrang ingay nito, hindi ko na naisip ang aking suot at dali-daling binuksan ang pinto.
Nagulat ako nung tumambad sa akin ang lalaking may asul na mata kanina ngunit lasing siya at naka tanggal ang tatlong butones niya na nagpapakita ng kanyang dibdib at malapad na balikat. Paano niya ako napuntahan dito?
“What are you doing here?” Tanong ko.
Laking gulat ko nung yumakaap siya sa akin.
“Oh, queen of hearts, i missed you so much!” Ani naman nito habang nakayakap sa akin.
Sinubukan ko siyang imuwestra sa sofa at nung nasa tapat na kami ng sofa, binaba ko siya at dahan-dahan na umalis sa bisig niya at naupo sa isang maliit na sofa.
“Now, tell me, Why are you here and how did you find me?” Seryoso kong tanong
“Why are you w-wearing that outfiit? Who are you waiting for dressed like that?!” Asik niya
“You haven’t even answered my question.” ani ko
Ipinagkrus niya ang kanyang mga braso at ngumuso.
“Sit on my lap.” Utos nito.
Napanganga na lamang ako at tiningnan siya ng masama.
“Please kindly tell me how you got here and why!” Asik ko.
“Ok, ok, i was having a hard time since you left the restaurant, i don’t know where am i going to find you and catch you so i ordered a bucket of beer and started drinking. After a few hours, my lunch got scared at me so she left. After she left, i made a decision to fled then it suddenly rains and i made a stop infront of your apartment, didn’t know it was yours, so it’s destiny. You were meant to be mine.” Paliwanag niya habang nakahilata sa sofa.
Parang ako ata ang malalasing sa pinagsasabi nito. Nakakahilo!
Tumayo ako at naglakad para kumuha ng bimbo at malamig na tubig.
“Don’t change your clothes yet! You’re already set for my dinner but since my lunch left me, you’re gonna have to be my lunch, we’ll do 2 rounds!” Sigaw niya at nung lumingon ako sa kanya, kumindat naman siya.
Nanginig naman ang aking binti sa sinabi niya.
Padabog akong naglakad papunta sa aking kwarto upang maghanap ng bimpo at sa kitchen para kumuha ng mangkok na may malamig na tubig.
Pagbalik ko sa kanya, nakatulog na siya kaya tumabi ako sa kanya at nagsimula na siyang punasan ng malamig na tubig upang siya ay mahimasmasan.
Inalis ko din ang pagkabutones ng kanyang damit upang punasan ang katawan niya at ipalaba ang kanyang polo na natamunan ng alak na kulay lila.
“Ugh....Jeanne, stooooppp teeeaaasing mee” mahinahon at nakangisi niyang sabi.
Napabitaw naman ako sa aking pagkahawak sa panghuli niyang butones na nasa ibaba at namataan ko ang pagbakat ng kanyang espada. Napalunok naman ako dahil sa sabi niya at sa laki ng bakat ng espada niya. Sandali lang, paano niya nalaman ang pangalan ko? Ay! siguro dahil nakikinig siya kanina o baka tinanong niya kay Colton nung pagkaalis ko? Hayaan ko na nga.
Tinuloy ko ang pagpunas sa kanya habang siya ay nakatulog na kaya naging madali na sa akin ang pagpunas sa kanya at kung nagtatanong kayo, Oo, may six pack siya. Ang tigas nga eh. Pagkatapos ko siya punasan ay tumayo ako habang dala-dala ang kanyang polo at nagpunta sa banyo at manual na linabhan ang kanyang damit at isinampay na rin sa aming balkonahe.
Pagkasampay ko sa damit ay bumalik ako sa sala upang tingnan ang kanyang kalagayan. Naanutan ko siyang dumadaing kaya agad naman akong lumapit.
“Is there something wrong? How are you feeling?” Nag-aalala kong tanong sa kanya.
“Ahhhh! Can you hmmm lay beside ughh me?” Daing nito
Ano daw? Hihiga ako sa tabi niya? Tanga ba to? Baka mamaya kung ano nalang gawin nito pag nakatulog ako, lasing kase eh! Ano ba naman kasi to?! Bakit sa akin pa ito napadpad?! Andami naman ibang bahay diyan! Ako pa na ayaw na ayaw pag nag-aalaga ng lasing! Kainis naman!
Huminga muna ako ng malalim at kahit may pag-aalinlangan, nahiga pa rin ako sa tabi niya na kala mong hihiga ako sa ospital. Tumagilid naman ako dahil mahuhulog ako kung didiretso ako at nasa sofa lamang kami.
“Goodnight, wife” malambing nitong sabi habang nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking sentido at iniyakap niya ang kanyang bisig sa aking bewang upang hindi ako mahulog at makawala dahil ang higpit ng pagkakapit niya pero marahan. Naramdaman kong dampian niya ng halik ang aking sentido at siya’y nakatulog na. Wala na akong nagawa at natulog na lang din.
Ano ba naman to? Hindi pa nga ako nagkakaroon ng first kiss tas may first cuddle na agad?! hay jusko! Kung alam lang ng lalaki na ito...