*After 2 Months*
Jediael's P.O.V.
"Kuya Jed let's eat na!" Sigaw ng nakababata kong kapatid ko na si Erie tawag namin sakanya at Jed rin tawag nila sakin dito sa bahay.
"Sige bababa na"
Pagkababa ko dumeretso muna ako sa Balcony namin. Binibisita ko si Kenzo, ang kauna-unahang aso na ako ang nagpapalaki.
"Ma, is kuya having a girlfriend na? since lumipat kami ng school at house?" rinig kong tanong ni Erie kay mommy
"Ahhh, Ask your kuya about that." Sagot naman ni mama. Sasabihin ko bang may natitipuhan ako sa bago kong school? Baka pagtripan lang ako ng mga to e.
"Ahm I dont have a girlfriend yet." Erie was stunned to see me at the entrance leading to our kitchen because she hadn't expecting it.
"Ahhh edi you like someone?" Tanong na ni Erie saakin.
"Ang bata-bata mo pa ganyan na nasa isip mo" sabi ko kay Erie para maiba na yung topic baka madulas ako. Hinila ko ang upuan sa may harapan niya tsaka ako umupo.
"Eh kuya, Wala ka pang pinapakilala sakin." Sabi nito habang sumasandok ng kanin. "Wait! Don't freaking hell tell me---you're a gay?" Nabuga ko yung iniinom ko, at sa hindi inaasahan ay nasinghot ako kaya napunta sa ilong ko.
"Erie don't curse! napaka bata mo pa, san mo natutunan mag mura and I'm not gay. I like Someone, pero hindi ko muna siya ipapakilala sayo" At ayun na nga, nadulas na ako hays. Natabig ni mama ang kanyang kutsara na gumawa ng ingay kaya napatingin ako sakanya.
"Naku anak, totoo ba yan?" Maka react naman tong si mommy parang first time maka encounter. "Kung totoo yan I'm happy for you, tsaka akala talaga namin ni Erie you're gay, pero okay lang naman kung ganun. I'm still proud of you"
Napa iling nalang ako sa mga kalokohang naiisip ng mga kasama ko sa bahay tsaka ko nalang itinuloy ang pag sandok ng ulam dahil naka tingin parin sila saakin. Nagsimula na kaming kumain kaya wala nang umimik saamin, tatatlo lang kami ngayon kase nasa trabaho si Daddy.
"I want right know." After we finished eating, Erie lingered with me. After our meal, I got up so she wouldn't tease me any longer, but knowing Erie, she followed me all the way to my room.
"Fine, I'll tell you a secret, Pero satin lang to ha?? Don't you dare to tell mom about this." pagbabanta ko sakanya, pero alam ko naman 'tong si Erie pag sinabi mong secret hindi niya talaga ipagsasabi sa iba.
"Remember nung Kumain tayo sa VMK Restaurant? Remember yung girl ng kumuha ng order natin nung mag tatake-out tayo. Diba you said you like her? kase she's beautiful?" Napatango siya sa mga pinagsasabi ko.
"She is my classmate sa bago kong school. And I kinda like her" naka ngiti kong saad sakanya. Bigla niya akong niyakap at pinaghahalik sa pisngi.
"Kuya what if dun tayo mag lunch mamaya para makita ko ulit siya, tapos ipakilala mo ako. Pretty please?" Sabi nito.
"May mga paper works ako Erie wag ngayon, tsaka may game ang kuya mo mamaya, may practice siya ng volleyball." Nagulat kaming dalawa ni Erie nang biglang magsalita si Mommy, hindi pala namin nasar yung pinto at panigurado narinig niya kaming dalawa. "at ikaw Jed ha, nakaka tampo ka na! bat ayaw mong sabihin kay mommy yan?" napa iling nalang ako sa kakulitan ng dalawang to. Ngayon naiintindihan ko na yung nararamdaman ni Dad.
"No! Walang mag pra-practice! Ayaw! I want to see herrrrrrr" sigaw nito kaya napa sapo nalang ako sa aking noo at tsaka tumayo.
"Hmm bahala kana jan Jed" sabi naman ni mama tsaka siya umalis at siguro bumalik siya sa sala.
Wala kaming magagawa pag kagustohan ni Erie minsan under kami ni mama sakanya pero alam naman ni Erie yung limit niya at hindi naman siya yung brat na brat.
Nag online ako para tignan kung online ba si Ali sa sss, pero parang hindi kaya tinext ko nalang siya.
To: Aria
'Hi, I'm not sure how to express it, but my younger sister is interested in knowing more about you, Aria. Nakwento kase kita sakanya, I promise magpapaliwanag ako kung bat gusto ka niyang makilala. Dont worry about my sister she's only 8 years old. Meet tayo? Kahit sa resto niyo nalang. Is it all right with you? mga 12 siguro'
after ko siyang itext ay binitawan ko na kaagad ang aking cellphone at agarang lumayo atsaka suminghap ng fresh air and actually trying to get away from that kahihiyan. Bawiin ko nalang kaya? Baka busy siya.
*TING*
Napa ayos ako ng tayo at naestatwa saaking kinaroroonan ng marinig na magnotif ang aking cellphone. Dahan-dahan akong lumapit saaking cellphone tsaka dahan-dahan ring kinuha. I don't know why i'm nervous. wtf
Tinakpan ko muna ang aking lockscreen tsaka dahan-dahang sinilip ito.
From: Aria
'Sure, I'm in our restaurant right now. See you then, ingattt'
Nakahinga naman ako ng malalim ng makita ang reply niya. Nag thank you nalang ako, napabuga naman ako ng hangin ng kumalma na ako.
After that gumawa muna ako ng mga paperworks ko at after nun ay pinagbihis ko na si Erie tsaka naligo na rin ako kase magi-11 na rin. Medyo malayo kase yung resto dito sa house namin kaya mas okay na yung mas maaga.
"Kuya im excited!!"Nagsisitalon pa siya sa kama ko.
Aria's P.O.V.
Nung mabasa ko message ni Jed medyo kinabahan ako kasi kasama niya sister niya. Sana mabait yung sister niya, hindi ko alam na may sister siya ha, wala pa nga siyang nababanggit saakin.
*Time check: 11:55 AM*
Dali dali na akong pumunta sa Cr para makapag ayos, nakaka hiya naman kung mukha akong manang na haharap sa sister niya no.
Nang malabas ako ng Cr, saktong papasok narin sina Kyle at siguro eto na yung kapatid niya. Hindi ko pinahalata na kinakabahan ako ha.
"Aria" tawag ni Jed nang siguro'y makita ako. Nilibot ko ang aking paningin para maghanap ng pwedeng mau-upuan naming tatlo.
"Jed, Dito" turo ko sakanya yung lamesang pang apat at saktong para saamin lang at medyo tago yung part na yun. Nauna na akong maglakad patungo doon at hinintay sila, ang cute nilang tignan, yung kapatid niya naka hawak pa sa laylayan ng kanyang shirt kahit hawak na ng kuya niya yung kamay niya at nakangiti itong naka ngiti saakin.
Nang maka rating sila sa table namin ay kumuha na muna kami ng pagkain tsaka nagpakilala yung kapatid ni Jed. Magkatabi sila ni Jed kase hindi pa daw siya masyadong marunong na kumain mag isa, tsaka hindi niya daw inuubos yung pagkain pag hindi sinusubohan.
"Hello po, I'm Erie" sabi nito tsaka magkusang umupo sa upuan kahit na hindi naman niya masyadong abot, hirap na hirap nga niyang iangat yung pwetan niya para lang maka upo siya. Nang tignan ko si Jed ay nakatingin lang siya dito tsaka niya tinatawanan.
"Hoy Jed, tulongan mo naman yang kapatid mo, grabe ka ha. Kawawa oh" turo ko sa kapatid niya, natawa nalang ulit siya tsaka niya lang ito tinulongan. Binuhat niya ito tsaka inayos yung dress niya.
Hindi naman nagtagal ay dumating na yung order namin kaya kumain na kami, maraming kwentohan ang naganap at tawanan. Hinug pa ako ng kapatid niya kase kahit friend lang daw kami ng kuya niya, she'll treat me like a sister na daw, oh diba ang cute.
Jediael's P.O.V.
Sa sobrang kulit ng kapatid ko inaya pa kaming mag amusement park kahit makulimlim at malamig ang ihip ng hangin. Si Aria naman hindi maka hindi sa kapatid ko, puro go silang dalawa, kaya minsan silang dalawa nalang sumasakay sa mga rides, tinatawag pa akong kj.
7 p.m. na nang maka uwi kami sa bahay. Kumain muna kami nina Aria sa labas bago umuwi at hinatid narin namin siya sa bahay nila, nagpaalam naman siya kay Tita so okay lang daw.
*Kinabukasan*
Maghapong wala si Aria ngayon, hindi rin siya nagrereply sa mga text ko. Pero kaninang maka usap ko si Matthew sabi niya nilalagnat daw pinsan niya, kaya napagdesisyonan namin nina Yvo na puntahan siya sa bahay nila.
After class ay dumeretso na kami sa bahay nila Aria.
"Lagay niyo nalang yung sapatos niyo sa gilid, tignan ko lang kung pwede siyang puntahan sa kwarto niya" bilin ni Matthew saamin kaya naman nag behave lang kami, ako lang pala, dahil si Yvo at Vince Napaka ingay nila, naghahampasan pa sila ng unan. Nilibot ko ang aking paningin sa bahay nila, ang ganda nga e, napaka linis. Kahit iilan lang sila dito pero hindi mo mararamdaman na malungkot yung bahay nila.
"Pwede niyo daw siyang puntahan, Yvo alam mo na naman kwarto niya diba? Kuha nalang kayo ng mask dito baka kase daw mahawaan kayo inuubo pa naman siya" isa isa kaming kumuha ng mask tsaka isinuot.
"Ang oa naman kuya Matthew, bat kailangan pa ng mask?" reklamo ni Yvo.
"Bingi, kaya nga para hindi daw mahawaan diba? bungol?" nag make face nalang si Yvo tsaka hinarap si Vince. Nauna na siyang umakyat sa taas at si Matthew naman ay parang pumuntang kusina.
Tinoktok muna ni Yvo yung pinto tsaka inopen yung pintuan.
"Hay naku, nilalagnat na lahat-lahat naka electric fan parin! Paano ka gagaling niyan?" panenermon ni Yvo kay Aria nang maka pasok siya sa kwarto niya.
"Ibalik mo mainit" reklamo naman ni Aria ng patayin ni Yvo yung fan.
"He, Kailangan mo yan"
Nag-usap-usap muna kami bago kami yayain ni Matthew mag merienda sa baba, Hahatiran nalang daw nila si Aria sa itaas.
Aria's P.O.V.
*yownn* Ahh sakit ng katawan ko, Hindi ako maka tayo at hindi rin ako maka galaw parang may mabigat.
Teka May paa sa tiyan ko? Maaaaa
Napabangon ako at nakitang paa pala ni Jed yun. Nakatulog kase ako kaninang nagmerienda sila kaya siguro mag-isa nalang siya ngayon.
"Jed Gising, Napaka bigat ng paa mo" binuhat ko na yung paa niya para matanggal sa tiyan ko.
"Oh gising kana pala. Sorry nakatulog ako"bumangon kaagd siya tsaka hinawakan at pinakiramdaman ang noo ko.
"Bakit mag-isa ka nalang na nandito?" Tanong ko.
"Umuwi na sina Yvo at Vince kase mag gagabi na rin tsaka pinabantay ka sakin ni Matthew kase sinundo siya kanina" baka sinundo ng papa niya, napapadalas na ang pagsundo niya kay Matthew, kinda suspicious.
"Nga pala anong oras na?" tanong ko sakanay ng maka ramdam ako ng gutom.
"It's already seven thirty" grabe naman, natulog at kumain lang ginawa ko magdamag.
"Eh bat di ka pa umuuwi?" Naka hoodie siya tapos pants na uniform sa school namin, naka mask din siya. Simula nung nagtransfer siya may dala-dala siyang hoodie, minsan nasa bag niya lang, minsan naman ginagamit niya.
"Nagpaalam ako kay mama na dito ako pupunta, Pumayag naman sila."
Tumango nalang ako bilang sang-ayon sa sinabi niya. Tumayo naman agad ako at mag ha-half bath narin ako, sa cr nalang ako magpapalit ng damit.
Jediael's P.O.V.
Habang naliligo si Aria, nilibot ko na muna paningin ko sa kwarto niya. Actually parang di pang babae kase gray and white pero parang okay lang rin naman. Napako paningin ko sa isang picture na nakalagay sa divider niya, dalawang batang babae siguro si Aria isa sakanila. Ang cute nga niya eh, bungi pa siya dito.
Lumipat naman ako sa isang wall decor niya na pag pumasok ka dito sa room niya eto bubungad sayo, photography chuchu. Basta nandito lahat.
Yung mga pictures naka naka ipit sa wall. Cameras tapos Films at Instax. Nagamit na niya pala yung BT21 na bigay kong films sakanya. Nakaka inggit din tong si Aria eh, dami niyang tropa kaso puro lalake nga lang, tong mga nakikita ko kasing mga picture dito puro lalake kasama niya. Pero okay lang yun, pwede namag maging friend ang isang babae at isang lalake na walang malisya.
Matanong nga kung sino tong mga to mamaya, naglibot libot pa ako dito sa room niya at oo malaki ito. Pang dalawang room na to eh, sabagay nga naman tatlo lang naman sila dito pwera mga maids. Hindi ko alam ilan mga maids nila, asan kaya papa niya?
Naka pajama na si Aria nang makalabas siya galing banyo tsaka nagpapatuyo narin ng buhok.
"Baba muna tayo, nagugutom kase ako e. Ikaw ba? Kanina pa kayong 5 dito at hindi pa ka pa naka kain"Napa sige nalang ako sa sinabi niya. Habang pababa kami curios ako kung sino yung mga yung nasa picture, ewan parang may malalim na pinagdadaanan yung picture e.
"Ahm Aria" Tawag ko at panimula ko sa topic na iyon
"Hmm?"
"Sino yung mga batang babae na nasa picture sa kwarto mo? Yung sa may display?"
"HAHAHAHAHA huy gago nakita mo yun? Si Yvo yun, childhood friend ko siya at pinsan ko. Nursery kami nun." Si parrot pala yun kaya pala Medyo familiar.
"Eh yung mga lalake na kasama mo? Yung mga films kase na picture mo nakita ko doon" napakamot nalang ako ng batok dahil biglang tumigil siya sa kakatawa at nawala ang expresiyon niya sa mukha.
"Yung mga yun? Tropa ko" sabi na eh tropa niya. "DATI" dugtong nito
"Dati? Bakit?" yes, opo, hindi ako makaka tulog nang hindi nalalaman ang lahat ng nangyayari doon.
"Well lintik na pag-ibig nga naman. Mas pinili ko yung boyfriend ko kesa sakanila. And end nun, nawala rin siya. Pati tropa wala narin ako, ngayon gusto kong ayusin lahat pero ayaw na nila eh, na guguilty ako. Kaya nga di na ako masaksaktan pag pati ikaw lumayo rin." ganun ba kalala pinagdaanan niya kaya ganun nalang siya magbitaw ng salita?
Napatingin ako sa mga mata niya, palihim niyang pinunasan mga luha niyang papatak na tsaka siya tumalikod, siguro masakit din sa side ng mga tropa niya kaya ganun.
"Tara na kain na tayo nagugutom na talaga ako eh" nagbalik wisyo na kami at tumuloy na sa kusina nila.
Hindi rin nagtagal na natapos siyang kumain at umuwi narin ako. Medyo gabi na nga lang ulit kaya nakatulog na kaagad ako.