NARRATOR POV Napasinghap si Jhereemae at Aldrich nang marinig ang sinabi ni Lalaine. Napatakip pa sa bibig si Jhereemae dahil sa pagkagulat. Samantalang iyak lang nang iyak si Neil habang yakap pa rin ng umiiyak na si Lalaine. Lahat ay nasasaktan sa nangyari two years ago. Ang mga nagawa nila sa nakaraan ay nagkaroon ng malaking epekto sa nangyayari ngayon. "I'm s-sorry," sambit ni Lalaine at tuluyan na rin napahagulgol. Muling nanuot sa kaniyang sistema ang sakit nang mawalan ng anak. Alaalang kahit kailan ay hindi nila magagawang kalimutan. "S-sorry... kasalanan ko. Hindi ako nag-ingat noon." Nanatili lang na umiiyak si Neil habang nakayuko. Paulit-ulit din nitong sinusuntok ang gilid ng kama, tila sa ganoong paraan ay mababawasan ang sakit. Naglakad naman palapit si Jhereemae ka

