LALAINE FRANCISCO-LEVISTE Kinabukasan ay maaga akong nagising. Dumiretso agad ako sa kusina pagkatapos ko maghilamos sa sariling comfort room ng kwarto. Pagdating ko roon ay nadatnan ko si manang na nagluluto. "Good morning, manang!" Masayang bati ko. Nagulat pa siya sa biglaang sigaw ko, pero tumawa rin siya kalaunan. "Mukhang good mood ka, ah," saad niya kaya napasimangot ako. Ako in a good mood? Umupo ako sa isang bangko at pinatong ang kanang siko sa mesa, habang ipinangsalo ko iyon sa ulo ko. "Manang, anong oras po umuwi si Neil kagabi?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin lang sa kawalan. Patuloy lang naman siya sa ginagawa niyang pagluluto. "Hindi umuwi si Neil, hija. Baka nag-overtime sa trabaho," sagot niya. Natigilan ako roon at napatingin kay manang dahil sa sinabi niya

