THIRD PERSON POV PANAY ang iyak ni Lalaine sa loob ng sasakyan habang bumabyahe sila. Sobrang sakit para sa kanya ang nangyari, dahil sa pagmamahal niya ay nawala ang anak niya. Sa kagustuhan niyang mahalin at sa pakiusap ni Irish sa kanya, mas naging malungkot ang buhay niya. Panay rin ang sulyap ng lalaking kasama niya pero hindi niya ito pinapansin. Dahil walang paglagyan ang nararamdaman niyang sakit. “Bakit ka ba umiiyak, girl? Ano ang problema mo?” tanong ng kasama niya na nag-aalala sa kanya. “Bakit ang baby ko pa? Bakit nadamay siya? K-kung alam ko lang na mangyayari ’to, s-sana nakipaghiwalay na ako…d-dapat nung nalaman kong b-buntis ako u-umalis na ako,” bulong ni Lalaine. Napabuntonghininga ang lalaki at malungkot na iniiwas ang tingin sa kanya. Hindi sila personal na magk

