LALAINE FRANCISCO LEVISTE NAG-COMMUTE na lang ako pauwi at hindi na nang-abala sa bahay para magpasundo dahil nagpapahinga na si Mang Karding. Pagdating ko roon, pagod kong kinatok ang pinto ng bahay. May ilaw pa naman sa sala kaya siguro ay gising pa si manang. Napabuntonghininga ako habang hinihintay na magbukas ang pinto. Ngunit natigil yata ang paghinga ko nang makitang si Neil ang nasa b****a ng pintuan. Naka-cross arms siya habang nakasuot ng black t-shirt at simple short at bakas pa ang gulat sa kanya nang makita ako. "Laine, nakauwi ka na pala? Bakit hindi ka man lang nagsabi na ngayon ang uwi mo? Sana nasundo kita," bungad niya sa akin. Natigilan ako pero agad ko rin inayos ang sarili ko para sumagot. "A-ah, ano kasi…biglaan lang at okay lang naman dahil nakauwi na rin naman—N

