MARGARETTE POV Hindi mawala ang ngiti ko habang nakaupo at naghihintay sa upuan ng hospital. Hindi mapaglagyan ang saya ko dahil sa wakas mapapasakin na ulit si Neil. Wala nang balakid sa pagmamahalan naming dalawa. "Kasalanan ko 'to, pero huli na para magsisisi nangyari na. Ngunit sana maging maayos siya at maging ligtas ang anak niya," narinig kong sambit ni mommy sa tabi ko kaya nilingon ko siya dahil sa sinabi niya. "No! Hindi p'wedeng mabuhay ang anak ng babaeng 'yon. Hindi p'wedeng mapunta ng tuluyan si Neil sa kanya. Neil is mine!" saad ko ngunit umiling siya sa akin. "Marg, walang kasalanan ang bata kaya huwag mo siya idamay,” wika niya sa akin pero hindi ako nakinig. “Damay siya, dahil siya ang magiging dahilan para hindi ako balikan ni Neil kaya hindi ako papayag. You're my

