CHAPTER 11 .Pero parang may mali. Adam Levine at mukha ng sikat na singer rin ang nandoon? Poser! Nakakainis. “Wait, baka sa message. Tama, baka nga nag-message ito.” Mabilis niyang pinindot ang icon ng messenger niya. Sa inbox niya, puro mga messages ng mga di niya kilala at nangungulit na i-accept ang kanilang mga friend request. Napailing siya. Sinubukan niyang i-search ang "Adam". Ano ba 'yan! Napakaraming Adam. Ano na ba kasing apilyido nito? Salvador? Salviejo? Saavedra? Tama. Saavedra nga yata. May mga lumabas sa Adam Saavedra ngunit wala ni isa doon ang hinahanap niya. Huminga siya nang malalim. Ang hirap naman neto! Kinagabihan nang matutulog na sila ay kinuha niya at inilagay niya sa tabi niya ang kanilang Radio CD Player. Magagamit na niya ang binili niya kaninang CD. Katab

