Nang ako'y tuluyan nang nakaalis sa lugar na iyun ay para naman akong nakahinga nang maluwag. Hindi ko inaasahan na dito ko pa sila makikita. Na halata sa kanilang mga mukha na sila'y masaya sa isa't isa.
Dahan-dahan akong umupo sa upuang nakita ko dito sa park na malapit lamang sa hospital. Napakagat ako sa sarili kong labi upang pigilan ang bumabadyang pagbagsak ng aking mga luha. Ngunit hindi pa rin nito napigilan ang sakit na aking nadarama dahilan upang magsibagsakan ang mga luhang kanina'y gusto nang bumigay.
Kahit na anong pilit kong magpakatatag at maging manhid kanina ay bibigay at bibigay pa rin ako. Isa sa mga napagtanto ko sa aking sarili ay iyung hindi madaling mag-move on sa lalakeng minahal ko ng totoo ngunit mas pinili akong iwan.
Ipinangako kong hindi na muli ako iiyak ng dahil sa kaniya ngunit
mas lalo lamang ikinadurog ng aking puso ay ang makitang masaya sila sa isa't isa at sa pinili nilang landas. At ako ay nanatili paring nagdurusa sa lahat ng sakit na pasan ko.
Minsan sinisisi ko ang aking sarili kung bakit nangyayari ito sa akin, kung bakit ako labis na nasaktan at kung bakit pati ang aking mga magulang ay nawala sa akin.
"Here, wipe your tears."
Agad akong napatingin sa lalakeng nagsalita sa aking tabi na hindi ko man lang namalayan na may katabi na pala ako. Nagtataka ko itong tinignan na siyang ikingangiti niya.
"Baka matunaw ako niyan," natatawang sambit niya.
"I don't know you, so it's better to leave me alone," aking sumbat sa kaniya dahilan upang sumeryoso ang mukha nito pero saglitan lamang iyun dahil ngumiti rin ito ng nakakaloko. Inilapit nito ang kaniyang mukha sa akin.
"Hindi mo ba tatanggapin?"
"And why should I accept?"
"Ang sungit mo naman miss. What have I done wrong to you? Nandito lang ako para makipagkaibigan—"
"Leave," may diin kong sambit. Wala akong oras upang makipag kuwentuhan sa taong hindi ko kilala.
"Can you let me finish what I want to say first? But before that tanggapin mo na ito. Mukha ka ng uhuging bata sa itsura mo," sabi nito na siyang ikinaasar ko.
"What did you say? Uhuging bata?"
"Nakakahiya sa ibang tao kaya ito gamitin mo. Huwag ka ng mag pakipot pa."
"Stop pestering me." I said instead.
"Tatanggapin mo o hindi," he said. At dahil sa kakulitan ng lalaking ito ay kinuha ko na rin ang inaabot niyang panyo at pinunasan ang aking mga luha. Ang lakas ng loob ng lalakeng ito na lumapit sa akin at tawagin pa akong uhuging bata.
"Narinig ko ang pag-uusap niyo ng ex-boyfriend mo kasama ang bago niya." Napalingon ako sa kaniya.
"Really? Hindi ka lang pala isang papansin, isa ka rin pa lang dakilang tsismoso," sabi ko.
"Malay ko ba na sa malapit na pwesto ko kayo mag-aaway ng ex-boyfriend mo," sagot niya. Nagpapalusot pa. Ang sabihin niya talagang sinadya niyang makinig.
"Gusto mong bugbugin ko para sa iyo?" He asked.
"What?" takhang tanong ko.
"Ang boyfriend mo or should I say ex. Gusto mong bugbugin ko sa panloloko niya sa iyo?" tanong niyang muli dahilan upang mawirduhan ako sa kaniya. Seryoso itong nakatingin sa akin at para akong hinihigop nito. Ngunit pinilit ko pa rin ang sarili kong umiwas.
"At bakit mo naman iyun gagawin? Sino ka ba?" diretsyahan kong sabi. Kesa sa sagutin ako ay ngumiti lamang ito sa akin.
"Esmae!" Napalingon ako sa aking likuran ng may tumawag sa aking pangalan. Lumapit si Karina sa aking puwesto bago huminto at napahawak pa ito sa kaniyang tuhod.
"Finally I find you," sambit niya.
Tumayo ako. "Why? May nangyari ba?" tanong ko. Umiling-iling naman siya.
"Nakita mo na ba? Magkasama sina Nico at Lyra," sagot niya. Akala ko naman may nangyari nang masama. Iyun lang pala ang ibabalita niya.
"Yup, I have met them earlier."
"Ano? Kung ganoon anong nangyari? Sinabunutan mo ba si Lyra, silang dalawa?" nagmamadali niyang tanong. "Oh, may kasama ka pala."
Lumingon ako sa lalake at sa aking pagtingin sa kaniya ay kumindat ito. "I gonna go. Its nice meeting you, Esmae," sabi nito bago naglakad papaalis. Sinundan ko lang siya ng tingin sa kaniyang paglalakad.
"Sino 'yon, ha?" tanong ni Karina habang sinusundot ang aking bewang.
"Stop it, Karina."
"Sagutin mo muna ang tanong ko. Sino siya? Bagong manliligaw mo?" ngingiti-ngiti nitong sabi.
"Hindi. Hindi ko siya kilala. Kaya huwag mo nga akong kulitin tungkol sa lalakeng iyun. I dont really know him, okay."
"Sabi mo, eh."
Bumalik na muli kami sa Hospital kung nasaan naroroon si Zuri. Pagkapasok namin sa loob ng silid ni Zuri ay laking gulat ko ng makita sina Nico at Lyra.
"Anong ginagawa niyo dito?" salubong kong tanong sa kanilang dalawa habang pinagmamasdan nila ang kapatid ko. Napalingon naman sila sa amin.
"Talaga nga naman ang lakas din ng loob niyong pumasok dito eh, noh," sabi naman ni Karina.
"Gusto lang namin kamustahin si Zuri. Matapos mong sabihin sa amin kanina ang tungkol sa nangyari hindi kami nagdalawang isip na dumaan dito," paliwanag ni Nico.
"Wow ha—" hinawakan ko sa braso si Karina upang siya'y pigilan.
"Ako ng bahala sa kanila," sabi ko bago muling ibinaling sa kanila ang aking tingin.
"Kung ayaw niyong magkaroon ng away. Umalis na kayo. I didn't allow the both of you to visit my sister. Now, leave. Habang nakakapagtimpi pa ako," galit kong sabi.
"Fern, please," nagsusumamong pakiusap ni Lyra.
"Kung hindi dahil sa sinabi ni Karina maybe you're not here. Maybe you're happy to see how miserable my life is now."
"That is not true, Esmae," sumbat ni Nico. "We still care about you," madiin niyang sabi.
"Really? If you have a care about me but why did you leave me. Why the hell did you choose to hurt me?! You, the both of you. Hindi niyo alam kung gaano kasakit ang iwan at ang mawalan ng minamahal. Then now, sasabihin niyong may pake pa rin kayo sa akin. Simula ng niloko niyo ako nagka gulo-gulo na ang lahat. How I wish na sana hindi na lang kita nakilala at minahal baka kung sakaling buhay pa ngayon ang mga magulang ko."
"I'm so sorry, Esmae. We didn't intension to hurt you," humihikbing sabi ni Lyra.
"Tama na. Kahit na anong gawin niyo hindi na mababagong ako'y nasaktan niyo na."
"Esame, alam kong—"
"Umalis na kayo. I don't need anymore your explanation," pagpuputol ko sa sasabihin ni Nico.
"Pero—"
"I said leave! Bingi ba kayo, ha! Sinabi ko nang umalis kayo!" sigaw ko na siyang ikinagulat nila.
"Narinig niyo ng malinaw ang kaibigan ko kaya ano pang ginagawa niyo? Alis." pagtataboy ni Karina. Hindi naman na nagtagal ay lumabas na rin sila ng kuwarto.
Laking pasasalamat ko at hindi na muling tumulo ang aking mga luha. Napatingin ako kay Zuri at umupo sa katabing upuan kaniyang kama. Hinaplos-haplos ko ang buhok nito at huminga ng malalim.
Malalim ang iniwan nilang sugat sa aking puso kaya hindi nila ako masisi kung ganoon na lamang ako magalit. Hindi madaling maka move on lalo pa ngayon doble ang hirap na aking kinahaharap.
"Ang sakit ng ulo ng dalawang iyun. They are really insane. How come na nakakayanan pa nilang magpakita?" Karina said.
"Can we stop talking about them?" pakiusap ko sa kaniya.
"Okay, kung iyan ang gusto mo," sagot niya. "By the way, may plano ka na ba?"
"For what?" takhang tanong ko.
"I knew it, nakalimutan mo nga talaga. Tomorrow is your birthday!" masaya niyang sabi. Pormal lamang akong nakatingin sa kaniya.
"Hindi. Hindi ko makakalimutan ang araw ng aking kaarawan. Sadyang ayaw ko lang ipagdiwang ito," paliwanag ko.
"But still, we need to celebrate. Sa ayaw mo man o gusto," pagpupumilit niya. Pilit akong ngumiti sa kaniya. Pinabayaan ko na lamang siya sa kaniyang kagustuhan.
Napaka sayang balikan ang mga araw na ipinagdiriwang pa namin ng sabay-sabay ang aking kaarawan. Pero kung aking iisipin ngayon ay napaka imposible na muling ibalik sa dati.
Napatingin ako kay Karina ng hawakan nito ang aking balikat. "Don't worry. Magiging maayos din ang lahat. Tiwala lang."
Tumango ako. "Thank you."
Ngumiti siya sa akin ng totoo na nagbigay ng pag-asang magiging maayos ang lahat matapos ang pighati nadarama.
Kinabukasan, nag decide akong umuwi na muna upang magpalit ng damit habang si Karina ang siyang nagbabantay kay Zuri. Sinabi ko rin sa kaniya na kung maaari ay sa hospital na lang namin ipagdiwang ang kaarawan ko. Kahit na hindi kami kumpleto ay nais ko pa ring makasama si Zuri para sa ganoon ay maramdaman kong kasama ko pa rin sina Mama at Papa.
Matapos kong maligo ay agad akong tumungo sa aking sling bag nang marinig kong tumutunog ang aking cellphone na agaran ko ring sinagot.
"Hello, Karina,"
"Everything is ready. Ikaw na lang ang hinihintay. Nasaan ka na ba?"
"Sorry, dinalaw ko pa kasi sila Mama at Papa kaya ako matatagalan sa pagpunta diyan," paliwanag ko.
"Sige, pumunta ka na dito."
"Yeah, I'll be there in 15 minutes."
"Okay, take care," huli niyang sabi bago patayin ang tawag. Bago pa ako makalabas ng kuwarto ay may napansin akong isang bagay sa aking kama. Lumapit ako dito at umupo sa kama.
Ito iyung panyo na ibinigay ng lalake kahapon na hindi ko man lang nalaman ang kaniyang pangalan. Wala sa sarili akong napangiti ng maalala ang mukha nito. Umiling-iling ako. Why I'm thinking about him? Nababaliw na yata ako.
Napatingin naman ako sa aking relo at nanlaki ang aking mata nang malamang lumipas na pala ang sampung minuto. Kaya nagmadali akong lumabas ng kuwarto at tumungo sa parking lot. Mabilis kong pinaharurot ang aking kotse.
Nasa kalagitnaan na ako ng aking pagda-drive ng maalalang naiwan ko ang aking cellphone. Nakalimutan kong ilagay sa aking sling bag.
Nakakainis, paano na kapag tumawag si Karina? Mag-aalala pa naman iyon sa tuwing hindi ko nasasagot ang kaniyang tawag. Bahala na, ang kailangan ko na lang ay magmadaling pumunta sa hospital dahil ayaw ko namang paghintayin sila ng matagal. Napatingin ako sa aking relo habang nagda-drive and its already ten am in the morning.
Nang dahil sa aking iniisip ay hindi ko na napansin pa ang isang kotseng paparating sa akin. Huli na upang iliko pa ang aking sasakyan dahil tumama na ito sa aking kotse. Ramdam ko ang lakas ng impak ng pagkakabangga nito at unti-unti na ring nanlalabo ang aking paningin hanggang sa tuluyan ng dumilim ang lahat.