Chapter 15

1710 Words
Makalipas ang isang taon. "Samantha, ano naman ito? Bakit kailangan niyo pang takpan ng panyo ang aking mga mata? May okasyon ba, huh?" taka kong tanong. Papalabas pa lamang sana ako sa silid tulugan ko ng biglang sumalubong si Samantha at agad na tinakpan ang aking mga mata gamit ang tinuping panyo. "Basta hayaan mo lang kami. Ang araw na ito ay napaka espesyal para sayo," sagot niya. Hinayaan ko na lamang siya sa kung saan niya ako dadalhin. Huwag lang talaga niya akong bibitawan at iiwang mag isa. "Nasaan na ba tayo?" "Nandito na tayo." Napahinto kami sa paglalakad. Nasaan ba kami ngayon? Bakit parang ang tahimik ng paligid? Pumunta siya sa aking likuran at tinanggal ang pagkakatali ng panyo sa akin. Pagbukas ko ng aking mata ay sumalubong sa akin sina Tito, Tita, Chloe at lahat ng mga katulong. Nakangiti silang lahat sa akin habang sila ay nakatayo sa aking harapan. Nalilito kong nilibot ang aking tingin sa paligid. May mga pagkaing nakahanda sa isang mahabang lamesa at ang paligid ay puno ng dekorasyon. Anong meron sa araw na ito? "Tita, Tito, anong ibig sabihin nito? May okasyon ba sa araw na ito?" Lumapit sa akin si Tito at hinawakan ako sa balikat. "Ito ay isang pagdiriwang para sa iyong kaarawan," sagot niya. Napaisip naman agad ako sa kanyang sinabi. Huh? Kaarawan ko? Pero hindi pa naman ito ang mismong birthday ko. "Tito sa susunod na araw pa ang birthday ko pero bakit kayo naghanda ng ganitong kagarbong celebration para sa akin?" sabi ko. "Para rin ito sa matagumpay mong pagtanggap sa iyong nakaraan at heto ka na ngayon, bumalik na muli ang saya sa iyong pagkatao at ang dati naming kilalang Esmae," tugon ni Tita. Lumapit sa akin naman sa akin si Samantha at kumapit sa aking braso. "At hindi lamang iyun dahil ngayong araw ay ipagdiriwang din natin ang magaganap na kasal ninyo ni Zephyr. Kaya maraming dahilan para mag celebrate tayo. Halika na at tayo ay mag saya!" Kasabay ng kanyang pagsigaw ay siya ding pagtugtug ng isang masiglang kanta. Hindi ko na sila kinontra pa at nagpakasaya na lang din. Sa isang araw na pala gaganapin ang kasal namin ni Zephyr kasabay nito ang aking birthday. Sa pagdaan ng araw ay hindi tumigil si Zephyr na tulungan akong maka move on sa aking nakaraan. Ipinaramdam niya sa akin ang totoo niyang pagmamahal. Hindi rin naman nagatagal ay sinagot ko din siya marahil ay napagtanto ko sa sarili na siya ang makakatulong sa akin upang bumangon muli at mabuhay ng masaya. Hindi na rin ako makapaghintay pa na makasama na ng tuluyan si Zephyr at maikasal kami. Ngayon hindi na ako takot na subukan muli. "Nasaan na pala si Zephyr, Samantha?" tanong ko. Pansin ko kasi na wala siya dito. Hindi rin niya kasi nasabi o nai-text man lang sa akin kung may pupuntahan siya. "Hindi ba niya nasabi sayo?" balik tanong niya sa akin. "Ang alin?" "Ang akala ko nasabi niya sayo na aalis siya. Tsaka nakita ko siyang pumasok sa room mo," sagot niya. "Nakatulog pala ako kanina kaya siguro hindi na niya ako ginising pa." "Huwag ka ng mag isip ng kung ano-ano. Maniwala ka nandiyan na 'yan mamaya. Alam din naman niya ang tungkol dito." Napatango na lang ako at kumuha ng maiinom sa lamesa. Tumayo ako sa pagkaka upo at tumungo sa kusina para kumuha ng maiinom na tubig. Juice at alak lang kasi ang mayroon sa party. Binuksan ko ang refrigerator at inabot ang isang pitchel na may lamang tubig. Nag salin ako nito sa sa baso at ininom ito. Muntikan ko nang mabitawan ang hawak kong baso nang may yumakap sa aking likuran. Napangiti naman ako ng mapatanto kung sino ang lalakeng nakayap sa akin. Amoy palang niya ay alam ko na. "Miss me," bulong niya sa aking tenga na nagdulot sa akin ng kiliti. Mahina ko siyang siniko sa kaniyang tagiliran dahilan upang mapabitaw siya sa pagkakayakap sa akin. Natawa siya ng bahagya. Humarap ako sa kanya. "Saan ka galing?" mataray kong tanong. Natatawa naman niya akong tiningnan. "Anong nakakatawa sa sinabi ko? Meron ba huh?" Seryoso lang akong nakatingin sa kaniya pero ang loko nakangiti pa rin. Pinaikot niya ang dalawa niyang kamay sa aking bewang at nilapit niya ako sa kanya. Hanggang ngayon ay parang naiilang pa rin ako pagiging sweet niya sa akin. Ang lakas pa rin ng epekto niya sa akin. "Ang cute cute talaga ng future wife ko. Pa kiss nga ako," sabi niya. Hinarang ko naman ang kanyang labi gamit ang palad ko. Hindi pa kaya niya nasasagot ang tanong ko. "Huwag mo ngang ibahin ang usapan. Nasaan ka nga galing?" Napasimangot siya. Gusto kong matawa sa itsura niya pero pinigilan ko ang sarili ko at nanatili pa ring seryoso. "Ang sungit naman ng wife ko. Sige na sasabihin ko na. Mom called me and they finally agreed to our wedding day," paliwanag niya. Sumilay sa aking labi ang isang ngiti. "Totoo ba 'yang sinabi mo," hindi ko makapaniwalang sambit. Napatango naman siya habang hindi rin mawala sa kanya ang matamis niyang ngiti. Napayakap ako sa kanya dahil sa wakas ay pumayag ang Mommy at Daddy niya sa pagpapakasal namin ni Zephyr. Tsaka lang kasi nasabi ni Zephyr noong nalalapit na ang kasal sa kadahilanang busy ang mga ito sa kanilang mga trabaho sa ibang bansa. Sa una ay talagang nagulat sila sa ibinalita ni Zephyr at hindi sila pumayag pero ngayon ay ang sayang malamang payag na sila. "So, are you happy now, huh?" "Syempre naman noh. Masaya ako dahil ikakasal ako sa isang guwapong lalakeng tulad mo at hindi lang iyun, mapagmahal at maalagahing tulad mo," sabi ko sabay kiss sa kanyang labi. "Bitin naman," sabi niya. Bago pa ako makapagsalita muli ay sinakop na niya ang aking labi. Tumugon nman ako sa kanya. Magaan lang 'yun sa umpisa hanggang sa unti-unti na 'yung lumalim. Mayamaya ay humihingal kaming humiwalay. Ipinangdikit niya nag aming noo. "I love you," sambit niya nang humilay ang aming mga labi. "I love you too," tugon ko. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi ko at kiniss ang aking noo. Niyakap namin ang isa't isa bago kami naglakad papunta sa ginaganap na celebration. Umupo kami sa isang mahabang sofa. Nanonood lamang kami sa masayang sayawang nagaganap sa gitna. Nakasandal ako sa dibdib ni Zephyr at naka yakap naman siya sa akin. "Zephyr." "Hmm?" "Mapapangako mo ba sa akin na hindi mo ako iiwan sa araw ng kasal natin?" tanong ko. "Ano bang klaseng tanong 'yan?" pabalik niyang tanong sa akin. Tingnan mo ang lalakeng ito tinatanong ko siya tapos tanong din ang ang sasabihin. "Sagutin mo na lang ako," inis kong sabi. Gusto ko lang talaga makasiguro. Ayaw ko na muling maranasan pa ang nangyari sa akin sa nakaraan. "Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin kumbinsido na seryoso ako sayo?" nakakunot-noo niyang tanong. Napayuko naman ako. Hinawakan niya ang chin ko at itinangala ang aking mukha. "Ito ang tatandaan mo. Ikaw lang ang babaeng gusto kong pakasalan at wala ng iba. Bakit ko naman tatakbuhan ang babaeng mahal ko? Matagal kong hinintay ang pagkakataon na ikaw ay mapa sa akin kaya hindi ko hahayaang mawala ka sa akin," mahaba niyang sabi. Dahil sa knyang sinabi ay medyo nakampante ang aking kalooban na hindi niya ako kayang iwan. Kahit na parang ang bilis lang ng lahat para sa amin. Pero nasisiguro ko at nararamdaman ko na siya na talaga ang para sa akin. Hindi ko rin hahayaan na mawala siya sa akin dahil sa kanya ko lang naramdaman ang ganitong pagmamahal. Nakaranas man akong umibig noong una pero masasabi kong iba ang naramdaman kong pag ibig kay Zephyr. Siya ang bumuo muli sa akin at nagbigay ng pagkakataon para sa akin na bumangon sa isang bangungot. Kinabukasan "Wow naman, ang sarap yata ng niluluto mo. Amoy pa lang mukhang masarap na," sabi ni Samantha. "Naisip ko lang na ipagluto kayo ng pagkain. Parati na lang kasi kayo ang nagluluto para sa ating lahat kaya heto sinarapan ko talaga ang pagluto ng makakain natin ngayon," nakangiti kong sabi. Sawakas ay tapos na rin ako sa pagluto. "Nakarating na ba si Zephyr?" tanong ko. "Yes, nasa sala na siya kasama si Chloe," sagot niya. "Tulungan na kita diyan." Lumapit siya sa akin at tinulungan ako sa paghahanda ng almusal. Dinala na namin sa dining ang pagkain. Sinalubong naman ako ni Zephyr at mabilis akong hinalikan sa pisngi. Kinuha naman niya sa akin ang hawak-hawak ko. "Ang sweet para akong lalanggamin. Kailan naman kaya ako magkakaroon ng isang lalakeng kasing bait ni Zephyr," nanunuksong sambit ni Samantha. Ibinaba na niya ang dala-dala niya tsaka kami umupo. "Nako ikaw anak, maghanap hanap ka na kaya ng mapapang asawa mo. Para sa ganoon ay masundan na si Chloe," sabi ni Tita na siyang ikinasimangot ni Samantha. "Mommy naman, paano? Eh wala kayang nanliligaw sa akin," tugon niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa niya nahahanap ang lalakeng para sa kanya. Pero hindi pa naman huli para sa kanya na umibig muli. "Si Gabriel, payag ako kung kayong dalawa ang magkatuluyan," singit ni Tito. Natawa naman ako sa sinabi ni Tito at sa naging reaksyon ni Samantha. "Pati ba naman kayo Daddy. Alam niyo namang magkaibigan lang kami," angal niya. Konti na lang ay uusok na ang ilong ng babaeng ito. "Why not? I think he is good for you." Tiningnan ng masama ni Samantha si Zephyr. Hindi ko namang mapigilang hindi mapatawa at ganoon din sina Tita at Tito. Binaling naman niya ang tingin sa akin. "Huwag ka ng mag salita. Pinag tutulungan na ninyo ako eh," sabi niya sa akin. Kaya natahimik na lang ako at hindi na humirit pa sa kanilang pag uusap. "Mommy I want baby brother!" sigaw ni Chloe dahilan upang lahat kami ay mapatawa maliban nga lang kay Samantha. "Maam, Sir, nandito na po siya," sambit ng isang katulong. Napatingin ako sa aking likuran at nakita si Gabriel na ang lawak ng ngiti. "Good morning po, Tito, Tita," bati niya. Nabaling muli ang aking tingin kay Samantha at talagang natahimik siya habang nakatingin kay Gabriel. Halata pa sa kanyang mukha na namumula ang kanyang pisngi. Kaibigan lang huh? Pero bakit ganito ang reaksiyon niya? Hahaha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD