"Manang nakauwi na po ba sina Mama at Papa?" tanong ko kay Manang Imelda na isa sa mga katulong dito sa mansiyon.
"Nako Esmae hindi pa, eh," tugon niya.
"Ganoon po ba, sige Manang, salamat." Yumuko pa ito sa akin bago umalis. Pumunta na muna ako sa sala at umupo.
Sa ngayon ay mas pinili ko munang mag-leave sa aking work. Sa flower shop pala ako nagtatrabaho na pagmamay-ari ko rin. Mula pagkabata ko kasi ay kinahiligan ko na ang pag-aalaga ng mga halaman. Kaya napagdesisyunan ng aking mga magulang na bigyan ako ng flower shop. Sa totoo lang ito ang naging magandang birthday gift nila sa akin nang ako'y dalawampung taong gulang pa lamang. Kahit na ang nais nila sa akin ay ako ang mamahala sa kompanya o ang maging isang doctor ngunit mas ninais pa rin nila ang pagbigyan ako sa gusto ko. Si Mama ay isang doctor sa hospital na ipinamana sa kaniya at si Papa naman ay nagtatrabaho sa isang kompanya na ipinagkatiwala ni lolo sa kaniya bago ito pumanaw.
Teka, anong oras na ba? Napatingin ako sa aking cellphone at 4:21 na ng hapon pero bakit hanggang ngayon ay wala pa sina Mama at Papa. Dapat sa ganitong oras ay nandito na sila at nasundo na nila si Zuri sa school nito. Napatayo na ako mula sa pagkakaupo at tumungo sa labas. Palakad-lakad lang ako dito sa labas habang inaabangan ang pagdating nila pero lumipas na ang isang oras ay wala pa ang mga ito. Hindi na ako nakatiis pa at tinawagan ang isa sa kilala ko sa kompanya.
"Hello, Esmae may kailangan ka ba?" untag ni Victoria sa kabilang linya.
"Ahh, gusto ko lang malaman kung nakaalis na ba sina Mama at Papa sa kompanya?" tanong ko.
"Sa pagkakaalam ko, umalis na sila kanina pa," tugon niya.
"Ahh, okay" pinutol ko na ang tawag at tumungo sa aking kotse. Siguro nandoon palang sila sa school ni Zuri kaya ngayon ay pupuntahan ko sila. Bago pa ako makapasok sa aking kotse ay nag-ring ang aking cellphone at natuwa naman ako nang ang pangalan ni Mama ang nakita kong tumatawag kaya agad ko itong sinagot.
"Mama, mabuti at tumawag ka. Nasaan na ba kayo?" nagmamadali kong tanong. Mukha yatang may pinuntahan sila kaya sila natagalan.
"Ito ba si Esmae Rose Bell?" Napakunot-noo ako nang boses lalake ang sumagot. Ang aking ngiti sa labi ay napalitan ng pagkabahala.
"Sino ito? Bakit nasa iyo ang cellphone ni Mama?" takhang tanong ko dito.
"I'm sorry po pero patay na po ang mga magulang niyo. Namatay po sila dahil sa isang car accident." Tila isang bombang sumabog ang sinabi nito. A—ano? Hindi ito totoo. Alam kong ginagago lang ako nitong kausap ko.
"Sino ka ba, ha?! Sino ka para sabihin mong patay na ang mga magulang ko!" todo ang sigaw ko sa lalakeng kausap ko sa kabilang linya. Wala siyang karapatang sabihing ang mga katagang iyun. Umiling-iling ako at mahigpit na hinawakan ang cellphone.
"Is that Esmae?" rinig kong tanong ng isang babae sa katawag ko.
"Opo," sambit ng lalakeng kausap ko.
"Akin na, ako na ang kakausap sa kaniya." Hindi ko na maiwasang kabahan dahil sa sinabi ng lalakeng kausap ko kanina at ang aking mga luha ay nagsibagsakan na mula sa aking mga mata. Ayoko...ayokong marinig mula sa kaniya na tama ang sinabi ng babae sa akin.
"Esmae, ako ito, si Ellen."
"Ellen, please sabihin mong hindi totoo ang sinabi ng babae kanina!" sigaw ko sa kaniya at nagdadasal na sana sabihin niyang hindi.
"I'm sorry pero totoo—"
"No! You're lying! Hindi totoong patay na sila. Please I need to talk to them. Please!" pagsusumamo ko. Bakit? Bakit kailangang mangyari ito sa akin? Huwag niyo naman sanang kunin sa akin ang mga magulang ko, nakikiusap ako.
"Alam kong mahirap paniwalaan pero kailangan mong pumunta dito," sabi nito bago patayin ang tawag. Ako ay napasandag na lamang sa kotse habang humahagulhol na sa iyak. Kahit na nanghihina na ako sa nalaman ay pinilit ko pa rin ang katawan kong mag-drive papunta sa hospital. Si Ellen ang kausap ko kanina so ibig sabihin nito ay kailangan kong pumunta sa hospital na pagmamay-ari namin kung saan nagtatrabaho si Ellen bilang isang doctor.
Tuloy-tuloy lang ang pagbagsak ng aking luha na para bang ayaw nitong tumigil. Panay ang pahid ko sa luha ko at ramdam kong hinang hina na ako. This is only a dream, right? Tulog pa rin ako hanggang ngayon at alam kong mamaya ay makikita kong muli ang nakangiting mukha ni Mama at mapagbirong si Papa. Panaginip lang ba ito? s**t, kung panaginip lang ito bakit sobrang sakit? Bakit parang mamamatay ako sa sobrang sakit at bigat ng puso ko.
Nang nakarating na ako sa hospital ay dali-dali na akong tumakbo at tinanong kung saan sina Mama at Papa. Sinabi ng nurse na nasa morgue na ang katawan nila na mas lalo ko pang ikinapanlumo. Kahit na nanghihina ang aking mga paa ay pinilit ko paring tumakbo para makita sila. Napapatingin naman sa akin ang mga tao dito pero hindi ko na sila pinagtuunan pa ng pansin dahil ang mahalaga ngayon ay ang makita ang mga magulang ko.
Kahit na malinaw na sa akin na hindi ito isang panaginip ay pilit ko pa ring pinapaniwala ang sarili ko na hindi ito totoo dahil kahit na anong gawin ko ay hindi tanggap ng aking kalooban na may nangyaring masama sa mga magulang ko.
Huminto ako sa pagtakbo nang makita ko si Ellen na naghihintay sa labas ng morgue. Napalingon naman ito sa aking direksyon. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap. Kayap na nagpapahiwatig ng pakikiramay.
"Condelence, Esmae," malungkot na sabi niya.
"Bakit? Bakit ang mga magulang ko pa, Ellen? Anong nagawa nilang kasalan para parusahan sila nang ganito?" Mahinang-mahina na ang boses ko na pilit hinaharangan ng mga hikbi ko. "Puwede ko ba silang makita." Hindi ko na napigilan ang pagpiyok ng boses ko dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
"Nasa loob sila," sabi niya at nagpatiuna itong pumasok bago ako sumunod. Lumapit siya palapit sa dalawang katawan na natatakpan ng kumot. Habang papalapit ako ay siya namang paninikip ng aking dibdib at napahawak ako dito.
Sumagi sa aking isipan ang mga ngiti nilang kay tamis at puno ng saya subalit ngayon ay hindi ko na iyon makikita pang muli sa kanila. Naging masaya pa kami kanina pero iyon na pala ang huling makikita ko silang buhay.
Dahan-dahan kong inalis ang kumot upang masilayan ko ang mga mukha nila. Napakagat ako sa sarili kong labi at agad silang niyakap.
"Tandaan mo, nasa tabi mo lang kami kapag kailangan mo ng tulong. Mahal na mahal ka namin."
"Tama ang Mama mo. Nandito lang kami para sa iyo at hindi kami magsasawang intindihin at alalahanin ka dahil kami ang mga magulang mo na tunay na nagmamahal sa iyo."
Mga salitang huli nilang sinabi sa akin na nagbigay ng saya sa aking puso.
"Ma, Pa, diba nangako kayo sa akin na hindi niyo ako iiwan? Bakit naman ganito? Paano na ang mga pangako niyong sasamahan niyo ako sa panahon na nalulungkot ako? Ma, Pa! Please sabihin niyong isang malaking biro lang ito! Pakiusap huwag niyo akong iwan! Sige na, oh. Gumising na na kayo! Mama, Papa." Napaupo ako dahil sa hindi na kinaya ng aking mga tuhod. Namamanhid ang buo kong katawan.
"Mama, Papa." patuloy ko pa ring sambit habang nakatakip ang aking mga palad sa mukha ko. Hinihiling na sana...sana nga isang malaking panaginip na lang ang lahat ng ito dahil ngayon ay hindi na nakakaya ng aking katawan na tanggapin ang katotohanang mas masakit pa sa pang-iiwan ng aking bridegroom sa araw ng aking kasal dahil doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ano bang nagawa kong mali? Bakit sa lahat ng puwedeng mawala ay ang mga magulang ko pa.
"Tahan na. Alam kong may dahilan ang lahat kung bakit ito nangyari," pagpapatahan ni Ellen sa akin habang kayap-kayap ako nito sa likuran. Pati siya ay umiiyak na rin dahil wala na ang taong tumulong at nagpaaral sa kaniya, si Mama. Kahit na sa umpisa'y hindi kilala ni Mama si Ellen ay tinulungan pa rin niya ito kaya ngayon ay napagtagumpayan niyang maging isang doctor. Isa siyang mabait na ina kahit na sa taong hindi nito kilala pero bakit ito ang nangyari sa kanila?
Lumayo ako mula sa pagkakayap niya nang may sumagi sa aking isipan. Napatakip ako sa aking bibig at tumingin sa kaniya ng maigi.
"Si...si Zuri, nasaan siya?" nahihirapan kong sabi.
Huminga siya ng malalim at hinawakan ako sa balikat. "Huwag kang mag-alala ligtas na siya pero hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising," paliwanag niya. Kahit papaano ay napaluwag nito ang aking paghinga.
Pagsapit ng alas siyete ng gabi ay nandito pa rin ako sa hospital at binabantayan si Zuri. Hawak-hawak ko ang kamay nito at nagpapasalamat na nakaligtas siya. Awang-awa ako sa kapatid ko dahil sa mga sugat na natamo nito. Hindi niya deserve na mangyari ito sa kaniya. Napakabata pa niya para marasan ang ganitong hirap ng buhay. Bakit hindi na lang ako ang nakaranas ng ganito? Sana ako na lang ang namatay dahil ang hirap mawalan...mahirap ang mawalan ng mahal sa buhay. Lalo pa't ang mga taong iyon ang tanging nagmamahal sayo.
Paglipas ng dalawang linggo. Tamad akong bumangon sa aking kama at halos pandirihan ko ang aking sarili nang makita ang sarili ko sa full body mirror. Ang dating maaliwalas kong mukha ay napalitan na lamang ng lungkot. Halata na rin ang eye bags sa ibaba ng aking mga mata dahil sa kulang ang tulog ko. Hindi ko na naaayos ang sarili ko at para bang nawalan na ako ng pake sa paligid ko.
Hanggang ngayon ay hindi pa nagigising si Zuri at walang kasiguraduhan kung kailan siya magigising. Matapos na mailibing sina Mama at Papa ay nagbago na ang lahat sa akin. Parati na lang akong natutulala at gabi-gabing umiiyak.
Sa tuwing nais namang pumunta dito ng mga kaibigan ko ay parati ko na lang silang itinataboy dahil ayaw kong makita nila akong ganito ang sitwasyon ko. Halata rin sa akin na nangangayayat na ako dahil sa araw-araw na wala akong ganang kumain. Tinatamad din naman akong magluto at wala rin naman akong mapapag-utasan na ipagluto ako ng pagkain dahil simula ng mailibing sina Mama at Papa ay pinaalis ko na ang mga katulong.
Hinang-hina ang katawan kong pumasok sa banyo. Tulala akong nakatapat sa shower habang hawak-hawak ang isang kutsilyo. Mas nanaisin ko pang mamatay na lang para matapos na ang paghihirap ko.