Chapter 11 Montero Mansion Nagsasawa na si Alejandro sa pakikipagplastikan sa kanyang kapatid na si Allen at sa iba pang tao sa kanyang paligid. Bored na bored na siya sa loob ng bahay na wala pang isang linggo. Mas lalong nakaka bored dahil naka wheelchair siya! Takot na siyang magtiwala pa. Ang tanging pinagkakatiwalaan niya sa ngayon ay ang kanyang Daddy at si Angelo lamang. "Angelo, I'm bored. Let's go somewhere else and play," mahiwagang turan ni Alejandro. "Sure, Kuya. Just wait for me and I will prepare everything." Si Angelo na agad tumakbo palabas. Siya namang pagdating ni Allen. Kahit alam niya na may kakaiba at nagbago kay Alejandro ay hindi parin siya tumitigil na bantayan ito. Kahit medyo awkward na ang kanilang usapan ay sige parin siya. Basta't nasa malapit lang s

