Chapter 5

1616 Words
Nang matapos ang klase ay agad naman akong nag-paalam sa kaibigan kong si Jessica. “Jess una na ako ah? may kailangan lang akong puntahan, hahanapin ko ang phone ko,” pahayag ko sa kaniya ngunit pinigilan niya ako. Hinawakan niya ako sa aking braso, “Oh? Pasaan ka naman luna? Hindi ba kakain tayo ng sabay? Ito naman pinapaasa na naman ako,” pag-kakasabi sa akin ni Jessica nang biglang nalungkot ito. Kaya’t nang hindi ko napigilan ang naramdaman kong konsensya ay sumagot ako sa kaniya, “Sige ganito na lang, hahanapin ko muna ang phone ko tapos susunod ako sa canteen. Mukhang sasama naman sayo si Jeremy eh,” Nag-taka ang kaibigan kong si Jessica nang sabihin ko ang pangalan ni Jeremy, hindi niya kasi alam na kita ko si Jeremy na nasa likod niya at handa siyang samahan. Biglang sumama ang tingin sa akin ng kaibigan kong si Jessica, ngunit nanatili akong nakangiti at hinawakan ko ang kamay niya. “Jessica babalik din naman ako agad, hahanapin ko lang cellphone ko malay natin di ba nandoon pa sa binagsakan niya? At tsaka hindi ka naman aanuhin ni Jeremy hahahaha! Sige na, susunod ako,” pahayag ko muli sa kaibigan ko “Sige nan ga, pag-titiisan ko na lamang itong kasama ko,” pahayag naman ni Jessica Nag-paalam na siya kasama si Jeremy at umalis na rin ako. Nag-tungo ako sa lugar kung saan ako nag-tago nang makita ko ang isang lobo habang kinakain ang isang tao. Nang pag-punta ko doon sa lugar kung saan naganap ang mga nakita ko ay nagulat ako na maraming pulis ganoon na din ang mga estudyante na nandodoon. Iniimbistigahan ng mga pulis ang nangyari sa lugar na iyon, “Parang kanina lang umaga malapit sa dorm natin hindi ba may ganyan din? Pareho na pareho? Hindi kaya yung tao nay an at yung nalimot na parte ng balat doon ay iisa?” bulong ng isang estudyante sa tabihan ko. Napaisip rin ako sa sinabi ng mga iyon. Hindi ko alam kung mag-sasalita ba ako sa nakita ko dahil nag-aalala parin ako sa ibang tao ngunit naiisip ko ang sinabi ng isang lalaki na nag-ligtas sa akin kaya mas pinili ko na wag na lang. Umalis na ako doon at nag-tungo sa canteen kung saan nandoon sina Jessica at Jeremy. Habang hinahanap ko ang panyo ko sa bag dahil tumutulo na ang pawis ko sa noo ay bigla akong may nakabanggan. “Sorry sorry,” pahayag ko naman sa nabangga kong lalaki Nagulat ako nang pag-tingin ko sa lalaki ay iyon yung lalaki na nakasabay naming sa jeep na may suot na salamin sa kaniyang mata. “Next time please, tumingin ka naman sa dinadaanan mo,” saad naman niya Nagulat ako nang marinig ko yun mula sa kaniya at agad naman akong natakot, “Pasensya ka na talaga, may hinahanap kasi ako sa bag ko at nag-mamadali na ako pumunt—” naputol ang aking sinasabi nang bigla naman ulit siyang nag-salita. “It’s okay, hindi mo na kailangan mag-explain. Just go,” pahayag niyang muli sa akin. Kaya’t dahil sa hiya at takot ko na baka pahiyain pa niya ako dahil sa nangyari ay nag-madali na lamang akong pumunta kayna Jessica na nasa canteen. Habang patungo ako sa loob ay naaninag ko na sina Jessica na nasa lamesa at wala pang pag-kain. “Oh? Bakit hindi pa kayo kumuha ng pag-kain?” tanong ko sa kanila nang maibaba ko ang aking bag sa upuan at naupo, “Ano ka ba Luna? Syempre hihintayin kita, baka hindi pa ako makakain dahil sa kasama kong ito no,” tugon naman kaagad sa akin ng kaibigan kong si Jessica Nang marinig iyon ni Jeremy ay agad naman itong sumingit sa usapan namin, “Ito naman, siya na nga ang sinamahan grabe ka naman manakit,” Tumingin naman kaagad ng masama si Jessica kay Jeremy, “Eh sino bang may sabi sayo na samahan ako? Magugulat na lang kami, lalo na ako na nasa likod na kita?” pahayag naman ni Jessica kay Jeremy habang nang-gigil Samantalang ako naman ay natatawa nang makita ang dalawa na nag-kakainsultuhan at napatingin naman sa akin si Jessica. “Bakit ka naman natawa Luna? Alam mo hindi ko alam kung totoong kaibigan pa kita o sadyang isa ka parin naman nanunukso no?” saad naman sa akin ni Jessica. Nagulat ako at natakot sa sinabi sa akin ng kaibigan ko kaya’t agad ko itong sinuyo, “Ito naman, hindi naman mabiro,” saad ko naman kay Jessica at agad akong tumayo para ayain siyang mag-order ng pag-kain. “Tara na bumili ng pag-kain alam kong gutooooom na gutom ka na, hahahaha!” pahayag ko muli kay Jessica. At dahil sa hindi niya ako matiis ay agad naman din itong tumayo at sumama sa akin na kumuha ng pag-kain habang kasunod naman namin si Jeremy. Habang umoorder kami ng pag-kain ay napansin namin muli ni Jessica ang nakasabay namin sa jeep na lalaki na nakasuot ng salamin. Nang makakuha kami ng pag-kain ay kinausap ko muli si Jessica tungkol doon. “Alam mo ba Jess, nakabanggan ko yung lalaki na iyon kanina,” “Weh?! Seryoso? Oh anong nangyari?” tanong naman kaagad sa akin ni Jessica Nang makaupo kami ay agad kong kinwento ang nangyari, “Sobrang seryoso dzai. Matatakot ka, eh hindi ko naman sinasadya na makabangga siya. Pero hindi naman niya ako inano or sinaktan ganoon, pinaalis niya rin ako kaagad,” saad ko naman kay Jessica. “Ay hindi pala ayos yung guy na iyon siz, tama na yun. Sayang ka naman sa first crush mo, hayyy” pahayag naman sa akin ni Jessica. “Baliw okay lang yun no! at tsaka hindi ko naman siya crush, habang pinag-mamasdan ko siya kanina parang nakita ko na siya somewhere,” saad ko naman muli kay Jessica Habang nakain si Jessica ay nagulat ito ng sabihin ko iyon, “Saan mo naman nakita siz?” tanong naman niya kaagad sa akin. “Hindi ko alam eh, basta parang pamilyar lang siya. Pero hayaan niyo na hindi na iyon maha—” naputol ang aking sinasabi nang biglang hinawakan ng lalaking nakabanggaan ko ang isa naming upuan na walang nakaupo. “Pwede bang maki-upo o maki-join if okay lang?” tanong naman niya kaagad. Napatigil ako nang biglang sinabi iyon ng lalaki at hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya nang gawin niya yun. Kahit sina Jessica at Jeremy ay nagulat sa ginawa. “O-okay lang go, maupo ka,” tugon naman ni Jessica habang nauutal dahil hindi rin siya sigurado sa kaniyang isinagot. Nang napatingin sa akin ang lalaki ay agad naman itong umimik muli, “Oh, you’re the one na nakabanggan ko kanina sa hallway. From now on, hindi ka aalis sa tabi ko okay ba yun? Or else may mangyayari sayong hindi maganda,” Pananakot ng lalaki sa akin habang siya’y kumakain. Hinaba ni Jessica ang kaniyang kamy sa pagitan naming dalawa ng lalaki, “Oops oops! Anong sinasabi mo sa kaibigan ko? FYI, parang hindi naman ata okay na ganyanin mo si Luna lalo na at hindi naming alam kung anong name mo right? So kailangan mo munang mag-pakilala,” Pahayag ni Jessica sa lalaking naupo sa tabi ko, “Tama!” saad nama ni Jeremy nang sabihin iyon ni Jessica. Tinitigan ng lalaki ang dalawa ng sabihin ni Jessica iyon, at bumalik sa kaniyang kinakaing pag-kain. “Fine, I’ll introduce myself. I’m Lucas,” pag-papakilala ni Lucas sa amin ng mga kasama ko. Napalapit naman si Jessica nang sabihin iyon ni Lucas, “Lucas ano? Alangan namang Lucas lang di ba?” saad naman muli ni Jessica. “I’m Lucas Sylvestre, happy now? Kumain na nga kayo, and wag kayo mag-tanong ng mag-tanong I’m upset. And you Ms. Luna? Gawin mo ang sinabi ko ah, after ng pag-kakabangga mo sa akin kanina, hindi ko hahayaan na hayaan lang yun,” pahayag naman ni Lucas. Hindi ako umimik sa sinabi sa akin ni Lucas, dahil sa nakaramdam ako ng kaba na baka kung anong gawin niya sa akin. Sinipa ako ng patago ni Jessica at napatingin sa kaniya kaya agad akong sumagot sa pag-kakasabi sa akin ni Lucas. “Okay master, kung ganoon isasama ko si Jessica. Hindi ko naman hahayaan na iwan ang sarili ko sayo no lalo na at hindi kita kilala,” pahayag ko naman kay Lucas. Napatingin naman si Lucas sa akin, at umimik. “Hindi ka parin sasama sa akin eh ako yung nakakita sayo kagabi at nag-hatid sayo?” Pabulong sa akin ni Lucas at nanlaki ang mata ko. Bigla akong nasamid at agad akong binigyan ni Jessica ng tubig. Ininom ko kaagad ang tubig at naging okay na ako ay napasigaw ako kay Lucas. “Ikaw?!” sigaw ko naman. Napatingin naman sa akin sina Jessica, “Anong siya siz? Mag-kakilala na ba kayo?” pag-tataka ni Jessica sa amin Napatingin naman ako kaagad kay Jessica, “Ah—hindi hindi Jess—” putol kong pag-kakasabi sa kasama ko nang biglang umimik si Lucas. “Yes I’m with her last night,” saad naman ni Lucas sa mga kasama ko. Nagulat sina Jessica at Jeremy ng sabihin iyon ni Lucas sa kanila, habang ako naman ay hindi makaimik at agad na kinakabahan at natakot. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kayna Jessica kapag nalaman nila kung paano ako inihatid ni Lucas pauwi sa aming dorm. Habang tahimik ako ay kitang-kita ko sina Jessica na patuloy na kumakain habang pinag-mamasdan kaming dalawa ni Lucas. “Sino ba naman kasi itong tao na ito Lord?” pabulong ko naman sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD