Chapter 23

2240 Words
Nang mai-baba na namin ang aming pag-kain na inorder ni Lucas sa counter ay bigla akong napansin ni Lucas na patingin-tingin sa labas. “Luna? Okay ka lang ba? Sinong tinitingnan mo sa labas?” tanong naman niya agad sa akin. “Oo nga, simula kanina nang umupo ako hindi ka na mapakali diyan na parang mahuhuli ka,” saad naman din ni Jessica. Hindi ko alam ang aking sasabihi nang sinabi ng dalawa ni Jessica at Lucas iyon kaya’t sinabi ko na lamang ang totoo para hindi ko na maisip pa. “Ah—eh, kanina kasi. Nakita ko sina Damian sa labas kasama ang kaniyang mga kaibigan. Natakot lang ako na baka kapag nakita ka nila ay away-awayin ka na naman nila, hindi lang ikaw baka tayo na lalo na at nasa public place na tayo at wala na sa school. Hindi na sila matatakot sa gusto nilang gawin sa atin, at Malaya na sila,” tugon ko naman sa kanilang mga tanong. Napatingin ang dalawa sa akin, nang sabihin ko iyon at tumigil sila sa pag-kain. “Don’t be scared, kahit nandito sila sa public lalo na at maraming tao, hindi parin nila magagawa ang gusto nila kasi takot parin sila,” pahayag muli sa akin ni Lucas nang sabihin ko iyon. “Oo nga, as if namang magawa nila in public ang kanilang lakas kagaya nang kay Lucas hindi ba?” saad naman bigla ni Jessica. Nagulat kami ni Lucas nang sabihin iyon ni Jessica, dahil hindi alam ni Lucas na alam n ani Jessica ang aming sikreto. “Alam mo?!” tanong naman bigla ni Lucas at biglang napatingin sa akin ito, “Sinabi mo Luna no?” tanong naman niya sa akin. “Ah—eh,” naputol kong mag-kakasabi nang biglang umimik si Jessica. “Hay nakoooo Lucas, wag kang magalit kay Luna. Hindi naman niya sasabihin kung hindi ko siya pinilit ng pinilit at kinulit ng kinulit kung bakit palagi mo siyang sinasamahan, gets ko naman. Sa tagal naming mag-kasama ni Luna sa dorm at mag-kaibigan, pag-kakatiwalaan ako niyan sa ganiyan,” saad naman ni Jessica. Napatingin naman muli si Lucas kay Jessica, “But please, wag na wag mong sasabihin sa iba lalo na kay Jeremy. Ayokong matakot sila sa kung ano ako, at kung ano man ako trust me hindi ako nangangain or nananakit ng kahit sino. I may be that nakakatakot pag-sapit ng gabi, pero hindi ko Gawain ang matakam sa tao unlike Damian,” saad naman ni Lucas. Napatingin kami ni Jessica kay Lucas nang banggitin ang pangalan ni Damian, at tila natakot nang sabihin iyon. “S-si Damian?” pahayag ko bigla kay Lucas “Wait paanong si Damian? Ibig sabihin yung mga nababalitaan namin sa labas, si Damian ang may gawa? Ganoon ba?” saad naman ni Jessica. “Hindi lahat si Damian, but one thing is for sure isa siya sa mga gumawa. Kaya please, wag nalang kayo maingay at sana hindi kayo mag-pagabi sa labas kasi anytime malalaman nila kung nasaan kayo,” saad naman muli ni Lucas. At bigla siyang tumingin sa akin, “Lalo na ikaw Luna, hindi ko man masabi sayo ang rason tungkol diyan sa mga simbolo na nakalagay sa braso mo, kaso kailangan kasi na mag-mula yan sa magulang mo, gusto kong malaman mo kung anong ibig sabihin niyan,” saad naman niya sa akin. “Gusto ko na nga ring malaman, pero hindi ko alam kung bakit ganoon,” tugon ko naman “Bakit? May problema ba?” tanong naman niya muli sa akin. “Noong kausap ko sina mama tungkol dito at nang itinanong ko na sa kanila kung ano ito, pakiramdam ko ba iniiwasan nila ang tanong ko. Na parang ayaw nilang sagutin at parang may iniiwasan sila na mangyari kaya hindi nila masabi sa akin,” pahayag ko naman sa mga kasama ko. “Baka hindi sila handa na posibleng malaman mo ang nasa braso mo, lalo na at hindi mo naman napapansin yan dati. Lalo na ako na hindi ko talaga mapapansin kasi hindi ko naman nakikita, I think pati narin ang ibang normal na tao,” saad naman ni Jessica. “Huh? What do you mean? Ibig sabihin ako pa lang ang nakakakita niyan?” tanong naman ni Lucas nang mag-taka sa sinabi ni Jessica na hindi niya makita ang simbolo. Napatingin naman si Jessica kay Lucas, “Oo Lucas, hindi ko makita. At siguro kaya hindi mapuna nang ibang tao kasi wala naman talagang nakakakita bukod sa kayo lang dalawa,” saad naman niya muli. “I knew it! Napansin ko rin yan habang nasa school tayo and we became classmates, ako lang tong lagging napapatingin sa braso ni Luna, but di ba kaklase natin si Elise bakit hindi niya nakikita?” pahayag naman ni Daniel At agad naman akong napasagot, “Yun ang hindi ko alam. Paano kung nakikita niya, pero nag-kunware nalang siya na hindi,” saad ko naman “Sabi ko sayo mag-longsleeves ka,” pahayag naman sa akin ni Lucas. “Ayoko nga Lucas, mukha akong tanga sa school promise. Sabihin nang iba, nilalamig ako e ang init init nang araw,” tugon ko naman kay Lucas. “Tama na yan, malamig na ang pag-kain. Mag-sikain na tayo,” pag-singit naman bigla ni Jessica sa amin ni Lucas. Nag-simula na kaming kumain at inubos narin kaagad ito. Habang nakain ay hindi ko maiwasang isipin na nasa mall din sina Damian, at kahit hindi ko maipakita na takot ako ay hindi ko parin talaga maiwasang matakot dahil sa posibleng kakayanan ni Damian lalo na kapag nakita niya si Lucas. Nang matapos kaming kumain ay lumabas na kami ng kainan at nag-lakad-lakad muli sa loob ng mall. Patungo kami sa sinehan nang bigla naming makita si Jeremy. “Huy si Jeremy oh,” pahayag ni Lucas sa amin habang tinuturo at bigla ko rin namang tinawag dahil mukhang mag-isa lang siya. “Jeremy!” pag-tawag ko sa kaniya Napalingon naman siya sa amin at lumapit nang makita kami. “Huy! Pasaan kayo?” tanong niya sa amin, at si Lucas na ang sumagot. “Manunuod sa sinehan, ikaw ba? Sinong kasama mo?” tanong naman ni Lucas “Ah—ako lang, may tinitingnan kasi ako dito sa mall na pwede bilhin na masusuot,” tugon naman niya kay lucas. “Alam ko na bro, mamaya ka na mag-hanap ng kung ano man yan. Come with us muna, manuod tayo ng sine para hindi naman ako lang ang lalaki dito samen, hahaha,” pag-aaya naman ni Lucas kay Jeremy Nagulat naman si Jessica nang sabihin iyon ni Lucas kay Jeremy, at dahil si Lucas ang nag-aya ay walang magawa si Jessica kung hindi ang sumangayon na lang sa gusto ni Lucas. “Baka magalit sa akin si Jessica niyan bro,” saad naman ni Jeremy “Hindi ka naman galit Jessica di ba?” tanong ni Lucas kay Jessica at lumingon ito sa kaniya. “H-hindi hindi Lucas, ano ka ba Jeremy bakit ako magagalit hindi ba?” tugon naman ni Jessica sa tanong ni Lucas “Hindi daw bro, kaya sumama kana sa amin hanggat hindi pa nag-babago ang isip ko,” pahayag muli ni Lucas kay Jeremy. Nag-simula na kaming mag-lakad patungo sa sinehan, at nang nandoon na kami ay nag-simula na kaming pumila. Napansin namin na ang daming tao, kaya’t agad-agad kaming pumila para makakuha ng ticket. Si Jeremy naman ay pinakiusapan ni Lucas na siya muna ang bumili ng pag-kain dahil si Lucas na ang bibili ng ticket na gagamitin namin. Ilang minuto pa lang ay nasa counter na si Lucas at napili na ng movie, at nang makasangayon kami kung ano ang aming gusto ay binili na niya ang ticket. Nang makabili na kami ay bumalik narin kaagad si Jeremy na may dala-dala ng popcorn at drinks. “Ayos na ba ito bro?” tanong ni Jeremy kay Lucas. Napalingon naman si Lucas nang mag-tanong si Jeremy, “Oo bro, okay nay an. Tara na,” tugon naman ni Lucas. Isa-isa na kaming pumasok ng sinehan nang ibigay ni Lucas ang mga ticket sa amin, habang papasok kami at nag-hahanap ng upuan ay napansin namin na madami nang tao. Nag-hanap parin kami ng apat na bakante na mag-kakadikit at nakakuha kami sa pinakataas. “Ayos lang ba sa inyo na doon tayo? Hindi rin naman masama doon at kitang-kita natin ang screen,” tanong ni Lucas sa amin. “Oo Lucas, kahit saan na lang basta mag-kakasama tayong apat,” tugon ko naman kay Lucas. Nag-tungo kami sa taas, at doon na lamang kami naupo. Mag-sisimula na ang palabas nang may grupo ng babae na nag-hahanap rin ng mga upuan. Nang pinag-masdan ko ay nagulat ako nang makita ko ang mukha ni Elise. “Si Elise oh,” pahayag ko kay Lucas at sabay turo. Napatingin naman agad si Lucas nang sabihin ko iyon nang bigla kaming nagulat na may kasama silang lalaki at yun ay sina Damian. “B-bakit sila mag-kakasama? Hindi ba mag-kaiba ang angkan niyo sa angkan nina Damian?” pag-tataka ko kay Lucas. Biglang naging masama ang tingin ni Lucas nang makita si Elise na iba ang kasama. “Traydor siya sa angkan namin, hayaan niyo na, makakarating din ito sa kinatataasan namin. Wag niyo nalang pag-masdan, dahil baka mapansin nila kayo na nakatingin sa kanila. Madali silang makaamoy lalo na nandito ako,” saad naman niya sa akin. Umupo sila sa pinakababa, at napansin naming mag-katabi si Damian at Elise. Nag-tataka parin ako kung bakit sila ang mag-kasama. Nag-simula na ang palabas at tahimik na rin ang mga tao. Ilang minuto pa lang ang nakalipas ay napansin namin ni Lucas na bumaba ang dalawa ni Damian at Elise sa kanilang kinauupuan at may kutob na kami na sa cr sila pupunta. “Pasaan sila?” tanong ko naman kay Lucas. “Hindi ko alam, tara sundan natin,” tugon naman niya sa akin. Nagulat ako ng ayain niya ako sa dalawa ni Elise at Damian, natakot rin ako dahil baka kung ano pang mangyari sa akin kapag nahuli kaming dalawa. “Wag na Lucas, mag-kakagulo lang kapag nahuli tayong dalawa doon. Ayoko naman na may mangyari sa atin na hindi maganda no,” tugon ko naman sa kaniya. “Ako na lang, diyan na lang kayo,” pahayag ni Lucas. At biglang tumayo ito at umali sa kinauupuan. Nagulat naman si Jeremy at Jessica nang makita si Lucas na bumaba, “Oh? Pasaan si Lucas?” tanong sa akin ni Jessica nang mag-taka. “Nakita namin sina Elise, e hindi ba kasamahan ni Lucas si Elise nakita namin na mag-kasama silang dalawa ni Damian. Nakakapagtaka,” tugon ko naman kay Jessica.   Lucas’s point of view Pababa ako galing sa taas kung saan kami nakaupo nina Luna, Jeremy at Jessica. Sinundan ko sina Elise patungo sa cr ng mga lalaki. Nang makapasok ako, ay naririnig ko ang dalawa na may nangyayari sa loob ng cubicle. At para marinig ko ang pinag-uusapan ng dalawa ay pumasok ako sa katabi nilang cubicle at itinaas ko ang aking paa para hindi nila ako makita. “Seryoso ka ba sa gagawin natin?” tanong ni Elise kay Damian. “Oo, wag ka nalang maingay. Masarap naman to at tayo lang dalawa ang makakaalam,” tugon naman ni Damian. Nagulat ako nang sabihin iyon ni Damian kay Elise. Mas nagulat ako nang sinimulan na nila ang kanilang sikreto. Kahit tahimik si Elise ay rinig ko ang dahan-dahan niyang pag-ungol. “Fvck Damian—” putol niyang pag-kakabulong “Wag kang maingay, baka may makarinig sa atin. Shhh” tugon naman ni Damian At dahil hindi ko na kinaya ay dahan-dahan akong lumabas ng cr. Napalakas ang aking sara ng pinto at dali-daling tumakbo sa kinauupuan ko, dahil nang papalabas ako ay narinig ko si Damian na sumigaw. Nang makaupo ako ay tinanong ako kaagad ni Luna, “Oh? Anong nangyari? May narinig ka ba?” Napatingin naman ako sa kaniya, “Oo, nakikipag-talik si Elise kay Damian,” tugon ko naman sa kaniya. Nagulat si Luna nang sabihin ko iyon sa kaniya “P-paano nangyari yun? Kailan pa naging mag-match ang dalawa?” pag-tataka ni Luna. “Yun rin ang hindi ko alam, baka dahil kilala ako ni Elise at alam niya ang mga plano sa palasyo ay kinuha ni Damian si Elise na pato,” tugon ko naman sa kaniya. “Sabagay, hindi imposible na gamitin lang ni Damian si Elise,” tugon naman ni Luna. Nang biglang nakita namin si Damian na nag-hahanap, “Sinong hinahanap niyan?” tanong muli ni Luna sa akin. “Paniguradong ako, kasi narinig nil ana may lumabas sa banyo,” tugon ko naman sa kaniya. “Hindi ko akalain na pwede palang mag-talik ang dalawang tao na mag-kaiba ang lahi,” saad din naman ni Jessica. “Kapag nanganak yan, paano yun? Half-half?” saad naman ni Jeremy sa kalagitnaan ng seryosong usapan. Sabay-sabay kaming nagtawanan ng tahimi nang sabihin iyon ni Jeremy. “Siraulo,” tugon ko naman sa kaniya.   Nang patapos na ang palabas ay kinausap ko ang mga kasama ko, “Kapag tapos na, agad tayong lumabas. Para hindi tayo makita,” pahayag ko sa kanila Tumango naman ang mga kasama ko, at nang matapos nang ang palabas ay hinawakan ko silang tatlo at isinama ko na sila sa akin para mas madali kaming makalabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD