Luna’s point of view Nang sabihin ko kay Jessica muli ang tungkol sa aking braso na hindi nino man na nakikita, ay agad niyang kinuha ang aking braso at agad na tinitigan. “Ano ba naman kasing meron diyan sa braso mo at napaka-spesyal?” tanong niya sa akin habang pinag-mamasdan ang aking braso, “Hindi ko rin alam, hindi ko rin nakikita ang nandyaan. Mapapansin ko nalang kapag si Lucas na ang nakakita,” tugon ko naman sa kaniya. Agad siyang tumingin sa akin at binitawan ang aking braso, “Kakaiba pala talaga si Lucas no? hindi ba iba siya? I mean hindi siya normal na tao? Ano ba talaga ang pag-katao ni Lucas?” tanong naman niya sa akin, “Kapag sinabi ko ba sayo hindi mo sasabihin sa kahit sino?” tanong ko naman sa kaniya para makasigurado kung mapag-kakatiwalaan ba si Jessica. Tumango

