Chapter 36

1630 Words
Damian’s point of view Habang nasa covered court ako ng aming school ay nakaupo ako sa isang upuan at nag-iisip ng kung ano-ano dahil ni Elise. Nang biglang dumating sina Raver sa aking harapan kasama si Leo. “Oh bro? anong ginagawa mo diyan? Alam mo bang kanina ka pa namin hinahanap ni Leo, kung saan-saan ka na namin hinanap, nandito ka lang pala,” pahayag niya sa akin. Ngunit hindi ko siya inimikan ng sinabi niya iyon sa akin at nanatiling tahimik. Napansin nila na hindi ako okay kaya’t naisipan nilang umupo sa aking tabi. Nang biglang umimik naman si Leo, “I’m sure hindi na naman okay si boss Damian, halata oh,” Napatingin naman sa akin si Raver, at nang pinagmasdan niya ako ay bigla niyang hinawakan ang aking mag-kabilang balikat. “Hindi ka nga okay, ano na naman bang nangyari sayo? Si Elise na naman yun no?” tanong naman sa akin ni Raver nang mapansin niyang hindi ako okay. Napatingin naman ako sa kaniya ng masama ng mapansin niyang hindi ako okay, “Wag mo na ako tanungin, ayoko ng puro tanong,” tugon ko naman sa kaniya. Napaupo naman siya sa kaniyang kinauupuan nang sabihin ko iyon sa kaniya at nanahimik na lang dahil alam niyang ayoko ng kinukulit dahil ako ay nagagalit. Nang bigla naman muling umimik si Leo, “Oo nga pala bro, next week na ang exam when kayo mag-rereview?” tanong niya naman “Hindi ko alam bro, baka next week nalang din siguro,” tugon ko naman sa kaniya. “Kung ano man yang sa inyo ni Elise, ayusin niyo na. Ang hirap na nagkakaganyan ka Damian dahil lang sa babae,” saad naman muli ni Raver. “Oo nga bro, ilang araw ka ng pa-skip-skip ng klase, baka sa susunod ma-drop ka na niyan,” pahayag naman muli ni Leo. Habang ako naman ay napaisip sa kanilang sinabi ngunit nanatiling tahimik. Luna’s point of view. Nang makatapos kaming kumain kayna Jeremy at nag-ligpit ng aming pinag-kainan, ay agad naman kaming nag-ayos at umalis sa condo niya upang mag-libot panandali sa city kasama sila. Habang nasa sasakyan ay pinag-mamasdan ko ang paligid, dahil ang tagal na noong huli kong punta ng City. Ngunit sa pag-mamasid ko ay napansin bigla akong napansin ni Jessica, “Ang ganda naman ng iningi-ngiti mo diyan Luna ah,” pahayag naman niya. Nang marinig ko iyon ay mas lalo akong napangiti, “Ang tagal na kasi Jess noong huli kong punta dito, malay ko bang makakabalik ako,” tugon ko naman sa kaniya. “Hayaan mo Luna, kahit palagi ka pa naming dalhin dito nina Lucas at Jess as long as hindi tayo busy pareho ay tutungo tayo dito,” saad naman pasingit ni Jeremy sa usapan namin ni Jessica. Napatingin naman ako sa kaniya, “Luh! Nakakahiya ah, baka naman kung anong sabihin niyo sa akin,” tugon ko naman sa sinabi ni Jeremy sa akin. “Luna wag ka na mahiya, alam niyo kung ayos lang sana sa inyong dalawa na sa akin na kayo tumigil sa condo para may kasama ako, kahit ikaw Lucas. Para tayo-tayo na ang mag-kakasama, kung okay lang sa inyo,” pahayag niya bigla sa amin. Nagulat kami at napatingin sa kaniya nang sabihin niya iyon sa amin, “Seryoso ka ba sa sinasabi mo Jeremy? Baka naman nalilito ka lang, haha,” saad naman bigla ni Jessica kay Jeremy. “Oo nga Jeremy!” pahayag ko naman. “Ako okay lang na hindi ako, kahit kayo nalang dalawa Jessica at Luna,” pahayag naman din ni Lucas sa amin. “Oo nga, seryoso ako. Lalo na at nag-iisa ako, at tsaka hindi naman ako bastos no kahit babae pa kayo, baka naman pag-isipan niyo pa ako ng masama,” saad naman niya muli sa amin. “Hindi naman, hindi ka namin pinag-iisipan ng masama. Ang ano lang isa nakakahiya sayo, syempre condo mo yun tapos patitirahin mo kami,” pahayag ko naman muli sa kaniya. “Okay lang naman kasi sa akin guys, lalo na at wala namang natigil sa kwarto ko doon. At tsaka wag niyo isipin ang bayad, hindi naman ako mag-papabayad kung kayo ang patitirahin ko doon eh, kahit siguro sa pag-kain nalang? Hahaha,” saad naman niya sa amin. “Sige Jeremy, sabi mo eh! Makakatanggi pa ba kami?” pahayag naman ni Jessica ng sabihin iyon sa amin ni Jeremy. “At tsaka para makatipid nadin kayo, imbis na pang-baon niyo na ang ang ibinabayad niyo diba,” Saad naman muli ni Jeremy sa amin. “Pero nakakahiy—” naputol ang pag-kakasabi ni Jessica nang biglan sumiingit si Jeremy, “Okay nga lang, kayo naman paulit-ulit,” pahayag muli ni Jeremy. At doon ay nag-tawanan kami nang sabihin iyon ni Jeremy sa amin, hindi namin namamalayan ay nasa tapat na pala kami ng isang mall at papasok na kami patungo sa parking lot. “Nandito na pala tayo, muntik na tayong makalampas,” saad naman ni Jeremy. “Si Jessica at Luna kasi ang daldal,” pahayag naman bigla ni Lucas. “Hindi ah!” tugon naman namin ni Jessica. Nang makaparada na kami sa parking lot ay sabay-sabay na kaming bumaba ng sasakyan, nang bigla naming mapansin ang samahan nina Elise. “Lucas, nandiyan sina Elise oh,” pabulong ko sa kaniya habang tinuturo kung nasaan sina Elise. “Oo nga bro, bigla akong kinutuban sa posibleng mangyari ah kapag nag-kita na naman kayo,” saad naman bigla ni Jeremy. At habang nag-lalakad kami ay bigla kaming napaisip sa sinabi ni Jeremy, “Na naman?” tanong naman bigla ni Jessica nang sabihin iyon ni Jeremy. “Oo guys, akalain niyo yun nasa library kasi kami noon ni Lucas nang bigla kaming nilapitan ni Elise kasama ang kaniyang mga kaibigan. Hanggang sa bigla namang dumating si Damian bay un? At kinausap si Elise, parang habulan segment ba,” tugon naman agad ni Jeremy “Ang haba naman pala ng hair ng ating kuya Lucas,” saad ko naman sa kaniya. “Tigilan niyo nga ako, ewan ko ba diyan kay Elise kung kailan tapos na at tsaka siya nag-hahabol, at hindi noong pwede pa,” saad naman ni Lucas. “Sabay may point naman si Lucas, bakit kasi kung kailan huli na saka gagawa ng paraan at gagawin lahat para bumalik yung tao,” pahayag naman bigla ni Jessica. Nang bigla kong tinakpan ang bibig ni Jessica nang sabihin niya iyon, “Wag mo na buksan ang bibig niyan, mag-dradrama lang yan at hindi na titigil hanggang sa pupuntahan natin,” saad naman ni Jeremy nang mag-simulang umimik si Jessica ng kung ano-ano. Habang nag-titingin kami ng gamit ay bigla kaming kinausap ni Lucas, “Guys, okay lang bang mag-cr muna? Just wait me here, please,” pag-papaalam niya sa amin. “Sira ka Lucas, nag-please pa e pwede naman talagang mag-cr at tsaka hindi mo mapipigilan yan no, sige na, pumunta ka na doon,” tugon ko naman sa kaniya. At agad na nag-tungo si Lucas sa Cr kung saan malapit lang naman sa aming tinitingnan ng gamit. “Guys, samahan ko na si Lucas para ako rin kasi eh,” pahayag naman niya. “Okay hintayin ka namin dito,” tugon ni Jessica sa kaniya. Lucas’s point of view Nag-tungo ako sa CR kasama si Jeremy, at nang matapos kami doon ay pag-labas namin ng pinto ay saktong lumabas din sina Elise. At sa hindi inaasahan ay bigla na naman niyang naisipan na lumapit sa amin ngunit papalapit palang siya ay iniwasan na namin agad ito. Habang nag-lalakad na kami patungo sa kung saan nandoon sina Jessica at Luna, at papasok na sana kami ng stall ay bigla akong hinawakan sa braso ni Elise. “Ano ba ang kailangan mo? Hindi ba sabi ko ayaw ko na?” pahayag ko bigla sa kaniya. “Pero Lucas, bakit kasi?! Dahil nandiyan na si Luna? Ano mo ba siya ha?” tanong naman niya sa akin. “Oo girlfriend ko nga siya, hindi ka ba nakakaintindi?” tugon ko naman sa kaniya. At hindi ko alam ay nasa likod ko na pala si Luna, “Elise, anong problema mo sa boyfriend ko? Ano bang kailangan mo kay Lucas?” tanong bigla ni Luna. Hindi ko inaasahan na ganoon ang sasabihin niya kay Elise, hindi ko rin inaasahan na sasakyan niya ang mga sinabi ko. “Siya! Siya ang kailangan ko, bakit? Anong gagawin mo?” tugon naman ni Elise kay Luna. Hinila ako palikod ni Luna, “Sorry Elise, kung may balak kang balikan si Lucas imposible nay un. Kung ginawa mo yang noon baka pag-bigyan ka niya, pero iba na kasi ngayon. Alam mo ba yun?” saad naman bigla ni Luna sa kaniya. “Ano ba kasi kayo ni Lucas?! Gusto ko yung mag-mumula sayo at totoo!” sigaw ni Elise kay Luna. “Wag kang sumigaw, wala ka sa lugar para sumigaw. At sa tanong mo, gusto mo talaga malaman no? kami ni Lucas, boyfriend ko siya. At kung ako sayo, tigilan mo na siya kasi boyfriend ko ang gusto mong balikan, hindi ba parang nakakabastos yun na binabastos mo ng harap-harapan ang girlfriend niya ngayon?” saad naman muli ni Luna kay Elise. Hindi nakaimik si Elise sa sinabi ni Luna, “Tapos ka na ba? Wala ka ng sasabihin? Kasi kung wala na aalis na kami ng mga kasama ko,” tanong naman ni Luna kay Elise “Lucas? Jess? Jeremy, tara na. Wag tayong mag-asaya ng oras sa taong walang-wala na ata,” pag-aaya sa amin ni Luna. Doon ay nagulat parin ako sa ipinakita ni Luna dahil hindi naman siya ganoon makipagusap sa ibang tao at hindi ko pa siya nakikitang palaban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD