Chapter 15

1206 Words
Galit na galit si Jessica nang sabihan niya ang babaeng nakabangga sa akin na minsan ay hindi ko pa nakikita sa aming paaralan. At dahil sa takot ko na baka kung ano pang mangyari ay humarang na ako sa dalawa at hinawakan ko ang kamay ni Jessica. “Tama na Jess, okay lang. Okay lang ako,” pahayag ko naman sa kaniya ng pabulong. “Eh kasi Luna, gina-gag* ka nito eh!” saad naman niya ng sabihin ko sa kaniya iyon. Humarap naman ako sa babaeng nakabangga sa akin at aking kinausap, “Pasensya na, kasalanan ko talaga ang nangyari. Mag-iingat na lang ako sa pag-lalakad sa susunod, pasensya na ulit,” pahayag ko naman sa babae. “Dapat lang talaga na alam mo kung anong mali mo, hindi yung iimikan ako nitong kasama mo na hindi naman ganoong kagandahan kung makaasta akala mo kung sino,” saad naman niya. Nagulat si Jessica nang sabihan siya noon ng babae na aming kaharap, “ANONG SABI MOOOO?!!!!” sigaw niya nang biglang sinubukan ni Jessica na kunin ang buhok ng babae ngunit hindi niya iyon nakuha nang biglang dumating si Lucas at bigla siyang humarang. “Enough! Enough!” sigaw naman niya. Nang biglang tumigil ang babae sa kaniyang ginagawa nang dumating si Lucas. “Ano bang nangyayari?” tanong niya samin ni Jessica nang pabulong. “Sabihan mo yang babae nayan! Kung laiitin si Luna akala mo kung sinong KAGANDAHAN!” saad naman bigla ni Jessica. Lumingon si Lucas sa babae na aming kaaway, nang biglang nag-iba ang kaniyang pag-sasalita sa babae. “And bakit ka nandito? Hindi ba at nasa ibang university ka?” tanong naman ng seryoso ni Lucas sa babaeng kaharap namin. Nagulat ako nang biglang dahan-dahang lumapit ang babae kay Lucas na tila parang kilalang-kilala niya. “Hindi mo ba ako namiss Lucas?” tanong niya. Nanlaki ang mata naming ni Jessica nang marinig naming iyon mula sa babae. Umakto naman si Jessica na parang nauudwa sa pag-kakatanong ng babae kay Lucas at nang makita nito si Jessica ay biglang sinamaan kami ng tingin. Nang gawin ng babae iyon kay Lucas ay biglang inalis ni Lucas ang kamay ng babae. “You know what Elise? Tapos na tayo okay? Hindi ma-ibabalik ang dating tayo. Kasi may girlfriend na ako ngayon, and siya si Luna,” pahayag bigla ni Lucas kay Elise habang itinuro ako kay Elise. Nagulat kaming lahat nina Jessica at Jeremy sa sinabi ni Lucas kay Elise, ganoon din ang ibang estudyante na nakapaligid sa amin ganoon din si Elise. “What?! What do you mean? Itong babae na ito na bumangga sa akin ng sinasadya ay girlfriend mo? Hindi ako papayag Lucas!” sigaw ni Elise kay Lucas. “Wala ka ng magagawa Elise, at kapag sinaktan mo si Luna o alit-alitin may kahahantungan ka sa akin. Nasa sayo na ang desisyon kung sasaktan mo pa si Luna,” saad naman ni Lucas habang iniinsulto si Elise. Hindi nakaimik si Elise kaya’t hinila na ako ni Lucas papalayo doon kasunod sina Jessica at Jeremy. Nang makarating kami sa lobby, ay binitawan na ni Lucas ang aking kamay at biglang humarap sa akin. “Next time, wag niyo hahayaang saktan kayo ng babaeng yun okay?” pahayag sa amin ni Lucas. “And you Luna, let’s talk. May kailangan kang malaman,” saad naman niya sa akin habang siya ay nakatingin sa akin. Hindi agad ako nakaimik sa kaniya kaya’t agad akong sumunod sa kaniya patungo sa sulok kung saan kami mag-uusap. “Ano yun Lucas?” tanong ko naman agad sa kaniya. “Mag-iingat ka kay Elise, hindi siya normal na tao katulad niyo and she’s one of us. Anytime kaya ka niyang saktan, pero hindi ibig sabihin noon ay kailangan mong pumayag na alit-alitin ka. Kapag sasaktan ka nila lalo na at alam nila ay girlfriend kita, tawagan moko agad. Kahit mag-missed call ka lang okay na. Hindi ko hahayaang makita na lang kitang nakahilata diyan sa sahig at puno ng dugo,” tugon naman niya sa akin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa kaniyang pag-kakasabi. Bigla akong natakot na kinabahan dahil isa rin pala sa Elise na hindi normal na tao. Hindi ako nakaimik sa sinabi niya kaya tumango na lamang ako. “Sige na, bumalik ka na sa kanila. Tutal mukhang wala ka na namang sasabihin, aalis na rin ako at marami pa akong kailangan gawin. Baka nakakalimutan mo, hindi ka na pwedeng gabihin sa kahit saan, anytime may pwedeng dumampot sayo dahil dyan sa nasa sa braso mo,” saad naman niya muli sa akin. “Sige sige, uuwi na rin ako agad pag-katapos kong samahan sina Jessica. Salamat,” tugon ko naman sa sinabi niya. “Sige,” pahayag niyang muli at umalis na paabas ng school. Habang ako naman ay bumalik na sa kung saan nandoon sina Jessica at Jeremy, at nang nandoon na ako ay bigla ko silang tinitigan at agad naman iyong napansin ni Jessica. “Oh? Anong tinitingin-tingin mo?” tanong niya kaagad sa akin. “Ah—eh, akala ko ba tayo lang dalawa eh bakit parang may kasama parin tayong isa no?” tanong ko naman kay Jessica habang tumitingin rin kay Jeremy. At nang tumingin si Jessica kay Jeremy ay agad niya itong tinulak. “Ano ba Jeremy, hindi ka pa ba uuwi? Bakit kasama ka parin namin?” tanong naman ni Jessica kay Jeremy. “Syempre, gusto ko lang naman kayo na makasama lalo na ikaw Jessica,” tugon naman agad ni Jeremy kay Jessica. “Yuuuuuck, ewan ko sayo. Dami mong alam!” pahayag naman muli ni Jessica kay Jeremy at hinila na niya ako palayo doon ngunit kasunod parin naming si Jeremy kaya’t hinayaan na lang namin. Nag-tungo kami sa canteen at bumili ng shake para habang nag-lalakad at nasa byahe ay meron kaming iniinom ni Jessica nang bigla niya akong tinanong. “Ni minsan ba hindi ka naaattract kay Lucas? Eh gwapo naman siya, hindi rin naman ata masama ang ugali. Kasi tingnan mo, kahit ganoon siya lagi ka niyang inaalala,” tanong niya naman sa akin. Napaisip ako sa kaniyang sinabi ngunit agad ko rin naman iyong sinagot, “Hindi, kaibigan lang talaga ang turing ko sa kaniya. Imposibleng mag-kagusto ako sa kaniya, hindi ko ma-imagine,” tugon ko naman sa kaniya. “Maniwala sayo Luna!” pag-singit naman ni Jeremy sa pinag-uusapan namin ni Jessica. “Sayang naman, ang tagal-tagal mo ng jowa simula noong nag-hiwalay kayo ng ex mo,” saad naman muli ni Jessica sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya, “Wala namang kaso sa akin yun, alam mo kung para sayo, para sayo. Hindi mo naman mapipilit ang sarili mong gustuhin mo ang tao eh. Kasi kapag gusto mo na siya, magugulat ka nalang na gusto mo nga talaga siya, gets mo point ko?” saad ko naman muli sa kaniya. “Eh ikaw Jessica? Kailan mo ba ako sasagutin?” pag-singit namang tanong ni Jeremy sa amin ni Jessica. Nang biglang napatigil kami sa pag-lalakad at lumingin si Jessica sa likod at tiningnan ng masama si Jeremy. “Hindi ka titigil Jeremy? Pag ako nain-sulto baka akala mo,” saad naman ni Jessica.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD