Damian’s point of view Ako ay nasa isang field kung saan wala ng katao-tao ng ganitong oras, habang nag-hihintay kay Elise ay naisipan kong maupo muna sa isang upuan. Hindi rin nag-tagal ay agad siyang nakarating at tumatakbo papalapit sa akin. “Damian!” sigaw niya sa akin habang siya ay natakbo, Napatingin naman ako kaagad, at nag-iba ang t***k ng puso ko nang siya ay papalapit sa akin. “So ano na? sabi mo sa akin may balita ka about kay Lucas? May I know kung saan siya natigil? Para tapos na itong problema na ito,” pahayag niya kaagad sa akin, Napatayo naman ako nang sabihin niya iyon sa akin, “Ha? Kukunin mo agad? Walang pa thankyou? Or kahit pamalit man lang sa ibibigay ko sayo?” saad ko naman sa kaniya. “Anong gusto mo? Tell me, nang maibigay ko na kaagad sayo,” tugon naman niy

