Luna’s point of view Nang dumatin si Lucas sa kusina habang nag-uusap kami ni Jessica ay biglang napag-desisyonan ni Jessica na lumabas muna at iwanan muna kaming dalawa ni Lucas. “Ah—naistorbo ko ba kayong dalawa Luna? Is it okay ba na kausapin muna kita?” tanong naman bigla sa akin ni Lucas. Doon naman napaisip ako kung ano ang pag-uusapan naming dalawa kaya’t ako ay biglang kinabahan, “Ah oo naman, bakit hindi. At tsaka yung kanina, hindi ka naman nakaistorbo sa amin ni Jessica kaya wag mo masyado isipin,” tugon ko naman sa kaniya. Nag-punta siya sa isang upuan at doon ay naupo habang ako naman ay nag-pupunas pa ng mga plato. “Lucas, baka mahiya ka sa akin. Wag mo ako pakakaisipin dito, patapos na naman ito,” pahayag ko naman kaagad sa kaniya. Tumawa siya nang sabihin ko iyon sa k

