Lucas’s point of view Nang tanungin ako nina Jeremy ay hindi ako kaagad nakapag-salita sa kanila dahil sa lalim ng aking iniisip. Napatingin naman ako kay Luna nang bigla niyang sinabi na hindi raw ako nakikinig, “Pasensya na, may bumabagabag lang sa isip ko. Pero wag niyo na isipin, okay lang naman ako. SIguro dahil sa maraming nangyayari sa buhay ko kaya hindi ko na alam kung anong uunahin,” tugon ko naman sa aking mga kasama. Dahan-dahan namang napatingin sa akin sina Jeremy, “Ano ka ba, okay lang! naiintindihan ka naman namin, ang mahalaga walang naaapektuhan sa atin no,” saad naman niya sa akin. Sa kaniyang sinabi ay hindi na ako nakaimik dahil sa nangyayari sa akin, at pati narin sa nakakasama ko si Luna ay baka idamay siya ni Damian sa pananakit. Muli akong biglang ginalaw

