Kabanata 6

1710 Words
Matinding takot ang naramdaman ko nang umupo siya sa tabi ko. Talagang animal ang lalaking ito. "What do you expect? Matutulog ako sahig?!" arogante nitong tanong. Hindi ko mapigil ang mapahagulgol. Paano kung gawan niya ako ng kahayupan habang tulog ako? "Shut up! Will you?" sikmat niya. Bwesit siya. Kaya ako umiiyak ng ganito dahil sa kaniya. Kung umalis siya, hindi niya sana maririnig ang iyak ko, at hindi ako iiyak ng ganito. Gusto ko na ngang tumigil sa pag-iyak pero paano? Nasa tabi ko siya. Hayop! "Stop crying, sakit na sa tainga ang mga iyak mo. Kung sa tingin mo ay papatusin kita. Hell no, hindi ka kagandahan at hindi sexy para patusin ko," dada niya. Peste talagang manok 'to, kung makaputak wagas. "Tumahimik ka na at matulog kung ayaw mong busalan ko iyang bibig mo," sikmat niya pa. Naglagay ako ng unan sa pagitan namin. Takip na rin ang palad ko sa bibig. Ayaw pa rin kasi talaga tumigil ang paghikbi ko. "Gumising ka ng maaga bukas. Magluto ka ng ibang ulam. Nakakasawa na ang itlog." Matutulog na nga lang, may pahabol pang utos. Walang hiya talaga. "Opo," pabulong kong tugon. Buwesit. Lahat nasa kaniya na. Kapal ng mukha. Kung maka-request parang may ambag na pambili ng ulam. Itlog nga ng mga manok ko halos maubos na. Maya maya lang ay rinig ko na ang paghilik niya. talagang nagawa niyang matulog kahit katabi ako. *** Hindi pa sikat ang araw ay dilat na ang mga mata ko. Hindi talaga ako nakatulog ng maayos. Wala akong ginawa kung hindi ang pakiramdaman itong katabi ko na hanggang ngayon ay humihilik pa. Mas malakas pa ang hilik niya sa tilaok ng mga manok. Sarap tapalan ang bibig. Maingat akong tumayo sa ibabaw ng kama. Nasa gilid kasi siya nakabukaka. Hirap ako makadaan. At wala rin akong balak na gisingin siya. Sana nga hindi na talaga siya magising para matapos na ang paghihirap ko. Ingat na ingat ako sa ginawang kilos. Dahan-dahan akong humakbang sa pagitan ng nakabubuka niyang mga hita, saka dahan-dahang inilapag sana ang isang paa ko sa sahig. Siya namang paggalaw niya na ikinatumba ko. "Aww! Damn it! sigaw niya. Tumama kasi ang tuhod ko sa umbok niya. Sapol! Scrambled egg with hotdog ang labas. Kaagad akong tumayo, at napatakip sa bibig. Hindi magkamayaw ang mga alaga kong manok sa pagputak nang umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Ancel na ngayon ay namamaluktot at bakat ang ugat sa leeg. "Sorry po. Bakit po kasi bigla kayong gumalaw?" paninisi ko pa. Bigla siyang humarap sa akin na parang anumang oras ay handa na akong lapain. "S-sorry, sorry po talaga," paulit-ulit ang paghingi ko ng sorry habang siya hindi pa rin makapagsalita. Hawak niya pa ang na pisat na itlog. Namumula at pawisan ang mukha. Sa totoo lang nakaka-awa ang hitsura niya. Nagmistulang hinog na kamatis. Dahan-dahan akong umatras at yumuko ng bahagya bago tuluyang lumabas ng silid. "Buti nga! Nakaganti rin ako sa hayop na 'yon," pabulong kong sabi. Nasa labas na ako, nanghuhuli ng manok. May pa request nga siya kagabi ng ibang ulam. Magkakatay ako ng kalahi niya at gawing tinola. Pasikat na ang araw at tapos na akong magluto. Nauna na rin akong kumain. Pero si Ancel hindi pa rin bumangon. Nahimatay yata o natuluyan na. Takot man pero naglakas loob ako na silipin siya para alamin na rin kung buhay pa. Halos mabilaukan ako nang makita ang nakatayong si Ancel. Sakto naman kasi na siyang pagtayo niya. Suot niya ang panty ko. Buwesit! Iilan nga lang ang panty ko. Nakiki-panty pa ang hayop! Muli akong sumilip. Galit ako at gustong hubarin ang panty na suot niya. "Bakit mo suot 'yan?" turo ko sa suot niya. Siya naman ang nagulat sa inasta ko. Panty nga lang ang suot niya. Pero hindi ako nangingiming tingnan iyon. Siya na ang nahiya at tinakpan ang bukol niya sa harap. Saglit nawala ang takot ko sa kaniya dahil sa panty ko na suot niya. Favorite ko kasi 'yon. Iyon pa talaga ang napili. "Aware ka naman na wala akong ibang masuot hindi ba?" sarkastiko niyang tugon. " Tumalikod ka nga! Kababae mong tao, hindi ka man lang nahihiyang tingnan ang lalaking hubad." "Hiya? Ilang beses ko nang nakita at nahawakan iyang kulubot mong itlog!" Napatakip ako ng bibig matapos sabihin 'yon. "Anong sabi mo?!" pasigaw niyang tanong. Umalingaw ang boses niya na sinabayan ng putak ng mga manok. Umatras ako. Bumalik ang takot ko dahil sa pagsigaw at paggalaw ng panga niya. "Po, luto na po iyong tinulang manok. Kumain na po, kayo," nginig kong sabi. Dinampot niya ang mga damit niya na nagkalat sa sahig at binalibag iyon sa akin. "Labhan mo!" pasigaw niyang utos. Sekretong napabuga na lamang ako ng hangin. Kinuha ko ang sabon at nagpunta sa batis. Confirmed. Alila nga ang gusto niya. Panay ang pang-uuyam ko habang kinukusot ang mga damit niya. Sa mga iyon ko binuhos lahat ng galit ko. Matapos maglaba at maisampay ang nilabhan ko. Naligo na rin ako. Umupo muna ako sa malaking bato. Tanaw ko ang kubo. Napabuntong hininga ako. Akala ko mamumuhay ako ng tahimik sa baryo na ito. Hindi man masaya. Pero malayo naman sa mga tao na gusto lang akong ipahamak. Maya maya ay tumayo na ako at matamlay na nagtungo sa kubo. Susubukan kong magpaalam. May trabaho nga ako at hindi pwede na tumunganga lang ako rito kasama siya. Matalim na tingin ang agad na salubong nito sa akin. Siya na nga ang nakikigamit ng panty, pati tuwalya ko. Siya pa ang galit. Bakit ba ganito ka baliktad ang utak ng hayop na ito? Kumapit ako sa hamba ng pinto. Doon ako humugot ng lakas para magpaalam dito sa boss kung hilaw. Pero walang salita na lumabas mula sa bibig ko. Nanatili lamang akong nakatayo sa bungad ng pinto. Ni ang tumingin sa kaniya ay hindi ko magawa. "Lumakad ka na." "Po?" parang tangang nasabi ko. "Bingi ka ba?" Umalis ka na at magtrabaho. Siguraduhin mo lang na uuwi ka mamayang hapon, kung ayaw mo na pati iyong kaibigan mo gagawin kong alalay." "Opo... opo... uuwi ako." Nakaramdam ako ng tuwa dahil sa pagpayag niya na magtrabaho ako, ngunit nandoon pa rin ang takot dahil sa banta niya. Ayokong madamay si Belle sa kamalasan ko. Kahit sino, ayokong danasin nila ang hirap na naranasan ko. Dali-dali akong naghanda ng baon. Walang paalam na lumabas ako ng bahay. Para akong manok na nakawala sa hawla. Patakbo na binaybay ang daan papunta sa palayan. Kaagad sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Belle. Parang maiiyak pa nga. "Kumusta, Aya? Hindi ka ba sinaktan ng hayop na 'yon? Guwapong hayop. Kainis akala ko mabait na engkanto." "Hindi niya ako sinaktan, Belle, pero ginawa akong utusan," pahikbi kong sabi. "Tahan na," pinahid niya ang namuong luha sa mga mata ko. "Mabuti nga at nakatakas ka na naman–" "Hindi ako tumakas, Belle. Hinayaan niya akong umalis para magtrabaho. Kaya lang pinagbantaan ako. Kailangan kong umuwi mamayang hapon," sagot ko kasabay ang paghakbang. "Ano? Susundin mo ang utos no'n? Aya, 'wag ka na lang umuwi sa kubo. Sa bahay ka na lang. Itatago ka namin. Sasabihin natin sa lahat ang totoo. Ipapakulong natin ang lalaking iyon." Matapang na sabi ng kaibigan ko. Pwede ko naman talagang gawin ang sinabi niya. Pero ang ikinatatakot ko, baka magkakagulo nga dito sa baryo, at magiging dahilan pa na matunton ako ng mga magulang ko. Ako kasi ang involved. Kung sakaling tatawag kami ng mga pulis, ako ang haharap. Pangalan ko ang lalabas. Kaya napaka-risky na magsumbong at humingi ng tulong sa mga pulis. Mag-iisip ako ng ibang paraan. Iyong walang ibang madadamay. "Aya!" nakangiting tawag sa akin ng mga babae na taga-baryo. Katatapos ko lang magpastol. Babalikan ko na sana si Belle. Ang malas at nasalubong ko pa itong mga ingitirang babae. "Dumating raw ang Tiyohin mo?" curious na tanong ni Telay. Ang pinaka-maganda raw sa baryo na 'to. Siya kasi ang Miss El Canto. Pero ang totoo, feeling maganda lang at sobrang mahangin. Girl version siya ni Miguel. Kasama niya ang dalawa niyang amiga na sina Mica at Ason. "Ang bilis talaga kumalat ng balita," nasabi ko na lang. "Pakilala mo naman ako," landing sabi ni Mica na may hampas pang kasama. "Hoy, feeling mo naman, papatulan ka ng Tito ni Aya? Ganda ka?" maarting sabi ni Telay. "Punta kami sa kubo mo mamaya, Aya, ha," sabi pa nito. Hindi na ako nagsalita pero tumango naman. Naisip ko rin kasi na mas okay na may mga taong pupunta sa kubo para hindi palaging ako ang nakikita ng hayop na iyon. Mahilig naman siyang pumutak, e 'di, magtiis siya na kausapin ang mga malanding babae 'yon. Tahimik kaming nakaupo ni Belle sa papag. Tanaw ang maliwanag na kalangitan. "Talaga bang uuwi ka, Aya?" tanong ulit nito. Malungkot akong sumulyap sa kaniya at tumango. " 'Wag kang mag-alala. Bibisita sila Telay at mga alalay niya mamaya sa kubo. Mabuti na rin 'yon para may pagkaabalahan ang hayop, at hindi ako ang laging napupuna. "Basta, mag-iingat ka ha!" 'Wag mong hayaan na saktan ka." Tumago na lamang ako. Ang tamlay ng buong araw namin. Nabago ang lahat dahil sa pagsulpot ni Ancel. Dati ang saya ko kapag sumapit na ang hapon. Dahil tapos na ang trabaho at makapagpahinga na ako. Pero ngayon, gusto kong bumagal ang takbo ng oras para hindi muna makauwi. "Aya, hatid na kita." Hambog na mukha ni Miguel ang bumungad sa akin paglingon ko. Tatanggi sana ako. Pero mas mabuti na rin kung ihatid nga niya ako. Para may kasama ako at mapipilitan ang instant Tito ko na kausapin ako ng maayos. "Gusto ko rin makilala iyong Tito mo na guwapo raw. Kailangan makita ng sarili kong mga mata kung totoong guwapo siya." Yabang talaga nito. "Talagang guwapo nga iyon Miguel. Wala kang panama." Matalim na tingin ang agad na bati sa amin ni Ancel. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin ni Miguel. Hinagod naman siya ng tingin ni Miguel. Mabuti na lamang at may damit na siya. "Sino 'yan?" tanong niya habang duro si Miguel. "Miguel po, Tito," nakangiting sabi nito at naglahad ng kamay. Salubong na kilay ang tugon ni Ancel. Rinig ko rin ang pangitngit ng mga ngipin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD