My grip on Ancel's nape tightened as he nearly toppled. I yelled out of fear. The path we were walking on was covered with rocks, making walking extremely difficult. Fortunately, he kept his balance, and we didn't tumble. "Ang likot mo kasi," paninisi niya. "Kumapit ka nga lang ng mabuti at 'wag nang dumadal" dagdag niya pa. Tarandado talaga. Kumulo ang dugo ko. Ang sarap pagtatampalin ang mukha. "Ikaw ang nagdala sa akin dito, kaya 'wag kang magreklamo kung nahirapan ka," irita kong sabi. "Sabi na ngang tumahimik ka na lang." Tumiin ang labi niya matapos sabihin 'yon at sandaling sumulyap sa akin. Nakagat ko rin ang labi ko dahil sa inis. Nagmistulang kuko ng pusa ang mga kuko ko na bumaon sa batok niya. Gusto ko pa nga sanang katagatin ang leeg niya. Sira-ulo siya. Dinala-dala a

