Kabanata 45

1629 Words

Napahigpit ang paghawak ko sa kamay ni Angie. Hindi ako pwedeng magkamali. Alam ko, si Camille ang babae na nakatitig na rin sa akin ngayon. Kahit puno pa ng kolorete ang mukha niya; kahit iba na ang pananamit niya at ayos ng buhok niya; alam ko si Camille siya. Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong magtanong kung paano siya napunta rito—kung paano siya napasama sa mga babae ni Jax. “Cahaya, teka lang. Bakit ka ba nagmamadali? Kita mo nga na kausap pa ni Jax ang mga babae,” pabulong na sabi ni Angie. Hawak-hawak na rin niya ang braso ko para pigilan ako na lumapit sa kanila ni Jax. Maging si Camille ay bahagyang umiling, tanda na ‘wag akong lumapit. “Angie… kaibigan ko ‘yong babae na katabi ni Jax,” mangiyak-ngiyak kong sabi habang nakatingin pa rin kay Cami

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD