Kabanata 4

1649 Words
"W-wala po," utal-utal kong sagot kasabay ang pag-ahon sa tubig. Lumublob na rin kasi ang hayop. At wala akong balak maligo kasabay ang hayop na lalaking 'yon. Parang magliliyab na kasi ang buong katawan ko sa init ng mga tingin niya. Sana nga kumulo na ang tubig at maluto siya. "Iwanan mo 'yan!" singhal na naman nito. Kaagad akong huminto. Napatingin sa hawak na sabon. Wala naman kasi akong ibang hawak sabon lang at damit na isusuot ko sana. Pinatong ko na lamang sa bato iyon at walang lingon na umalis. Mabuti na lang at hinayaan niya akong umalis. Hindi na kasi ito nagsalita matapos kong ilapag ang sabon. Mabilis ang mga hakbang ko na bumalik sa kubo, at agad nagbihis. Muli naman akong nalungkot dahil sa pintong sinira na walang hiya. Talagang walang hiya. Hayop! Hindi ko na nagawang magsuklay at agad nang umalis ng kubo bago pa ako maabutan ng walang hiya. Hindi matigil ang pagpatak ng mga luha ko habang hila-hila ang alaga ko. Patakbo kong nilisan ang kubo na naging tahanan ko sa loob ng mahabang panahon. Wala si Cambelle sa palayan nang dumating ako. Pinastol ko na ang alaga ko malapit pa rin sa palaisdaan, bago ko naman tinungo ang bahay nila Mang Eban. "Aya!" singhal ang salubong sa akin ng matanda. "Bakit ngayon ka lang, e tanghali na?" hawak niya ang tali ng mga alaga. "Pasens'ya na po, Mang Eban, tinanghali po ako ng gising," sagot ko kasabay ang pag-abot sa mga tali ng mga ipapastol kong baka. "Ngayon ka lang yata tinanghali ng gising. Masama ba ang pakiramdam mo?" mahinahon na ang boses niya at sumulyap pa sa mukha ko. "Opo," sagot ko. "Kaya mo pa bang magtrabaho? Masama naman pala ang pakiramdam mo." May pag-aalala na sa boses nito. Ang galit sa boses kanina ay napalitan ng pag-aalala. " 'Kaya ko po," sagot ko. "O siya, umalis ka na, ngunit kung hindi mo na kaya at mas sumama pa ang pakiramdam mo, magsabi ka agad," bilin nito. "Opo, Mang Eban, salamat po," sagot ko, bago tinalikuran ang matanda. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya ang tungkol sa kubo pero hindi ko magawa. Ayokong malaman niya na nagdala ako ng taong asal hayop sa kubo niya. Natatakot ako na baka magalit siya at tuluyan ng ipagiba ang kubo. Ayokong mangyari iyon. Ayokong mawalan ng tirahan. Ayoko ko rin na makitira uli sa bahay nila Cambelle. Nakakahiya na, matagal na panahon nila akong kinupkop at naging pabigat. Pero ngayon, wala akong ibang choice. Ayoko nang bumalik sa kubo hangga't hindi umalis ang tarantaong hayop. Kakapalan ko na muna ang mukha ko at doon na muna sa kanila ni Cambelle titira. Grabe, nagpakahirap akong alagaan ang walang utang na loob na lalaking iyon. Hinawakan ko ang hindi dapat hawakan. Tapos ito lang pala ang ganti niya. Matamlay kong tinungo ang bakanteng lote na maraming cogon na tumubo, doon kasi ako magpapastol ng mga baka. Hindi ko akalain na sa loob ng mahigit dalawang taon. Iiyak na naman ako ng ganito. Matatakot na naman ako ng ganito. Walang tigil ang pagpatak ng mga luha ko. Ganito ako noon nang dumating sa lugar na ito, laging malungkot at laging umiiyak. Nagngitngit ang kalooban ko sa tuwing maisip na nasa kubo ko pa rin ang hayop na lalaki. Nagpapalaki ng itlog. Pero kahit anong galit pa ang gawin ko, wala akong magawa kung hindi ang umiyak. Ano ba ang laban ko? Hindi ko nga pwedeng sabihin kay Mang Eban na may ibang tao sa kubo. Pabalik na ako sa palayan nang makasalubong ko Cambelle. Patakbo akong lumapit sa kaniya at agad yumakap. Napahagulgol na rin siya ng iyak kahit hindi niya pa alam ang nangyari. Haplos niya ang likod at sumabay sa pag-iyak ko. "Aya, ano bang nangyari? Bakit ka ba umiiyak?" nag-aalang tanong ni Cambelle kasabay ang pagtapik sa likod at paulit-ulit na pagsambit ng pangalan ko. Giniya niya ako paupo sa papag, doon ko kinuwento sa kaniya lahat. Ramdam ko rin ang takot niya. "Sabi ko naman sa'yo, masamang tao nga 'yon. Ayaw mo kasing makinig," paninisi niya. "Sa bahay ka na muna hangga't hindi tayo sigurado kung umalis na nga ang hayop na 'yon. Tumahan ka na, Aya." Yakap pa rin niya ako at panay pa rin ang tapik sa likod ko. Hindi na ako tumanggi sa alok niya. Iyon naman talaga ang plano ko kanina pa, sa kanila na muna mamamalagi. Ang problema hindi ko nadala ang backpack ko. Nandoon lahat ang importanteng gamit ko. "Aya, tumahan ka na," patuloy sa pag-alo sa akin ng kaibigan ko. Pinahid ko ang mga luha at matamlay na tumingin kay Cambelle. Pinahid niya pa ang natitirang luha ko. "Belle, paano kung magtanong si Nanay? Ano ang sasabihin ko? Ayoko kasi na malaman nila Mang Eban na may ibang tao kubo." "Sabihin mo, nakakita ng hayop na nagkatawang tao. Sigurado, wala ng ibang tanong na mangyari," suhestiyon ng kaibigan ko. *** Hindi nga ako umuwi sa kubo. Pero hindi naman mapanatag ang loob ko; ang isipan ko. Naiisip ko iyong mga importante kong gamit na nasa loob ng backpack. Tinago ko na iyon maigi. Pero paano kung maisipan na namang maghalungkat ang lalaking iyon at nakawin ang mga gamit ko? Pinagpala na talaga siya kawalang-hiyaan kung sakilang nakawin niya pa ang mga gamit ko. *** Mahigit isang Linggo na rin akong hindi umuwi sa kubo, at kahit man lang ang tanawin iyon mula sa malayo hindi ko ginawa. Kumalat rin agad ang kalokohang suhestiyon ni Cambelle sa buong baryo. Dahil nga sa kalat ang bali-balita sa lugar na ito ang kababalaghan. Naging laman ako sa mga usap-usapan sa baryo. Kesyo daw masama ang ugali ko kaya pinalayas ako ng mga engkanto sa kubo. Mga tao talaga. Ako pa ang masama ang ugali. Porke't hindi ako nakikisali sa kumpulan nila ay masama na ang ugali ko. Alam ko naman na ayaw ng ibang kababaihan sa akin dito. Dahil nga dayo ako. At agaw pansin nga ang hitsura ko. Hindi ko naman kasalanan na maging maganda ako at maging pantasya ng mga lalaki nila na hindi naman kaguwapohan. Pabalik na ako sa palayan. Kahahatid ko lang kasi ng mga pinastol kong hayop sa kanila ni Mang Eban. Pati ang kambing na kasa-kasama ko, binalik ko na rin muna sa kanila. Malapit na ako sa palayan at kita ko na rin ang pagkaway ni Cambelle. "Tara na Belle," pag-anyaya ko sa kaibigan na ang tamis ng ngiti, ewan ko kung bakit. " Agad naman itong pumulupot sa braso ko, at hindi pa rin nawala ang matamis na ngiti. Parang naglalanding pusa. "Hoy, Belle! Ano ba ang nasinghot mo at ganyan ka makangiti?" puna ko. "Aya, mas matindi pa sa singhot ang nangyari sa akin!" patili nitong sabi. Naloka na. "Matindi? Na engkanto ka?" tinapik ko pa ang noo niya. Hindi pa rin kasi matigil sa kaka-ngiti. "Aba'y ewan, kung engkanto nga 'yong nakita ko. Pero ayos lang kahit lagi siyang magpakita sa akin, ang guwapo kasi. Muntik na ngang malaglag ang salungkiki ko," kilig na wika nito. "Loka-loka! Malamang engkanto nga 'yong nakita mo. Mahigit dalawang taon na kasi ako rito pero wala naman akong makita, maski isa na makapigtas-salungkiki," na-iiling kong sabi. "Grabe ka naman. Ang taas ng standards mo talaga! Kahit naman amoy pawis at madungis ang mga lalaki rito may mga itsura pa rin naman." "Lahat naman ng tao, Belle, may hitsura. Alanganin nga lang 'yong iba." " Tsssk... Aya, tatanda ka talagang dalaga!" Ngiti na lamang ang tugon ko sa kaibigan kong parang nangangarap pa rin ng gising. Hinila ko na lamang siya sa tabi nang makita ang paparating na motor. Motor lang ang madalas na transportasyon sa lugar na ito. May mangilan-ngilan din na tricycle. Kaya nga ganoon na lamang ang takot namin ni Belle noong may pumasok na kotse rito. "Hi, girls..." preskong saad ng lalaking naka-motor na huminto sa tapat namin. Hindi kami tumugon ni Belle at nagpatuloy sa paglalakad. "Aya, Belle," tawag nito sa amin. "Suplada n'yo naman!" Nagkatinginan kami ni Belle, kilala kami ng lalaking mahangin. May pa hi, girls pa kasi at hindi man lang inalis ang helmet. Ngayon sasabihin niyang suplada kami? "Miguel..." na sambit ni Belle. Kaya naman pala mahangin. Si Miguel pala. Bunsong anak nina Mang Eban at Aling Mina. "Hatid ko na kayo, Aya, " tinapik nito ang upuan ng motor niya. "Masubukan niyo man lang makasakay ng magarang motor na may guwapong driver." Ang hangin talaga nito. Kaya nga hindi ko magawang magtagal sa bahay nila. Katakot. Ayokong liparin ng hangin. "Ay, 'wag na, Miguel, ang lakas kasi ng hangin. Katakot kung liparin kami!" irita kong sabi. "Aya, kung mahangin man ako dahil may ibubuga naman. I am different from other guys here. You know what I mean," himas niya ang baba niya na ang sarap sapakin. "Yeah, you are really different from the other guys around here. Puro ka lang kasi, gala at paguwapo. "You know what I mean, right?" "Ano ka ngayon? Supalpal! Ang hangin kasi, wala namang binatbat!" si Cambelle na gumatong pa sa sinabi ko. "Shut up, taba!" "Mataba nga, makatulo laway naman! Kay sa naman ikaw na puro pagyayabang sa mga luhong hindi mo naman pinaghihirapan," dagdag pa ni Belle. Sa lahat kasi ng naninirahan dito ay ang pamilya nila Mang Eban ang medyo angat ang pamumuhay. Nakapag-asawa kasi ng ibang lahi ang panganay nitong anak na babae, at ito ang nag-ahon sa kanila sa kahirapan. "Tumigil na nga kayo," saway ko sa dalawa. Baka kung saan na naman umabot ang asaran nila. Madalas nagkaka-personalan kasi sila. "Ano pa ang hinihintay mo? Umalis ka na! Panira ka ng view," taboy ni Cambelle kay Miguel, saka umayos ito sa pagtayo at sinuklay ang buhok gamit ang daliri. "Aya... ang guwapong engkanto!" bulong ni Cambelle. Kung kilig ang naramdaman ni Cambelle. Nginig naman ang naramdaman ko habang tanaw ang papalapit na lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD