CHAPTER 22

838 Words

2 MONTHS LATER… “Dahlia, anak… bakit napapansin ko na madalas kang pagod o nakahiga? May sakit ka ba?” nag-aalalang tanong ni Nanay sa akin. Nakaupo ako sa maliit naming balkonahe, nakatanaw sa malayo habang tulala sa kawalan. Tahimik ang paligid, tanging hangin lang ang maririnig at ang mahihinang ingay mula sa kapitbahay. Nagulat pa ako sa tanong niya. “Po, Nay?” ulit ko, na para bang hindi ko agad naintindihan ang sinabi niya. “Kako, madalas kang pagod… o kaya naman nakahiga kapag wala kang pasok. Hindi ka naman dating ganyan. May nararamdaman ka ba?” dagdag niya, mas lalong puno ng pag-aalala ang boses. Napakurap ako. Talaga bang nagbago ako? Napaisip ako. Dati, kahit wala akong pasok, nasa labas ako naghahanap ng extra raket, kung saan-saan pumupunta para lang may maidagdag sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD