Chapter 24

2470 Words
Chapter 24: Third Person's POV After 2 weeks... Lahat ay naghahanda na sa darating na event. Lahat ng mga tauhan at kailangan nilang kagamitan ay nakahanda ma para sa siguridad ng kanilang mga Leader. Handa na rin ang kanilang sasakyan para pumunta sa pagdiriwang, at ganun na rin ang kanilang susuotin. Every leader knows that this is not just a simple event because everyone has a hidden plan. Plans that can elimenate a group in the organization. Maaari ring nilang kausapin ang Leader ng bawat grupo o mga Mafia Boss na ibigay sa kanila ang boto para maging panibagong mamumuno sa organisasyon. The party will be held on an Island owned by the Mafia Assassin Organization. All groups in the organization can include their family and some members for their safety. * * * * * * Twilight Sky's POV Magkaharap kami nila Tatay at Nanay sa hapag kainan. Grabe ang daming cupcakes! "Are you ready to know everything about us, about the Mafia Bosses and the organization?" napatingin ako kay Tatay. "Yes po!" nakangiting sagot ko. Handa na akong harapin si Alvert Harwell. Ang taong may kasalanan kung bakit muntikan nang mawala si Nanay sa amin. "Mag ingat kayo ha?, sweetie. Lagi ka sa tabi nang tatay" hawak ni Nanay sa kamay ko. Nagdesisyon kami na hindi na isama si Nanay sa gathering dahil baka mapahamak lang siyang kung may mangyari man doon. Hindi ko pa rin alam kung ligtas ba ang pumunta doon. Kaya pinaiwan ni Tatay si Tita Sunshine para may kasama si Nanay at meron rin magbabantay sa kanila para sa siguredad nila. "Opo" nangiting sabi ko. I lied, dahil sinisigurado ko kapag nandoon na ako sa event, hahanapin ko si Alvert Harwell. Dahil kapag nagkita kami, gusto ko siyang bigyan sugat at magiging peklat na hindi niya malilimutan habang nabubuhay pa siya. Gusto kong gumanti dahi sa ginawa ng tauhan niya kay Nanay. "Hi! Tito Ninong, Tita Ninang, Cous!" kaway ni Zhynly. "Boss, Lady Sunlight and Young Lady" yuko ni Kelly. Nasa labas na po ang lahat kakailanganin niyo at mga susuotin ninyo. Naibigay na rin po ang mga kailangan ng tauhan para sa siguridad." "Tignan natin" sabi ni Nanay. Tayo ni Nanay kaya sumunod kami sa kanya. Lumapit siya sa box ng damit na susuotin namin. Binuksan naman ni Zhynly ang box na mayroong black gown sa loob. "Ito na isusuot mo mamaya" hawak ni Nanay sa gown. "At ito!.." taas ni Zhynly sa isa boots. Ni-request ko talaga na boots ang gagamitin ko at hindi killer high heels. "Thanks, Zhynly" sabi ko sa kanya. Siya kasi ang nag-asikaso sa isusuot ko dahil wala naman akong alam sa mga ganun. "Your welcome, hindi basta-basta yan" tumango lang ako. Halos dalawang linggo ako nagsanay sa paggamit ng baril. At ang una kong pinag-aralan kung paano magbuo at magkalas ng baril sa iba't-ibang klase ng baril. Madali naman akong natuto, madali akong matuto sa lahat ng bagay. Pero natatakot pa rin akong pumatay ng tao gamit ang mga nalalaman ko. Alam kong gusto kong gumanti pero hindi ko alam kung kaya ko bang kumitil ng buhay ng isang tao o pumatay para iligtas ang mga mahal ko sa buhay. Hindi ko alam kung handa na ba ako, dahil may takot pa rin akong nararamdaman. "Boss, handa na rin po ang mga armas" sabi ni Mr. Cruz na Daddy ni Jacob. "I want to see" lakad ni Tatay pasunod kay Mr. Cruz. Sumunod ako sa kanila at nakita ko ang malaking lagyan ng mga baril. Pagkabukas ng box ng isa sa mga tauhan ni Tatay, nakita ko ang iba't-ibang klase ng mga baril at ilang patalim. "Boss, ito na po ang pinahanda ninyong armas para sa Young lady" nanlaki yung mata ko. Meron akong gagamitin armas? "Tatay, patingin ako" lapit ko agad. Tinignan niya ako. "Later" abot uli niya sa box na para sa akin "Pero tatay, para sa akin yan eh!" "Yes I know. But when I said later, later. Do you understand, Twilight Sky?" "Opo" I nodded. "Cous, may sasabihin ako sa'yo" hila sa akin ni Zhynly palayo kanila Tatay. "Ano ba yun?" tanong ko sa kanya ng makahinto na kami. "You know Lora, right?" Napaisip tuloy ako kung sino si Lora, o dora ba? "Yung batang gala ba?" Idol ko yun eh, daming napupuntahang lugar at mahilig mag adventure. "Lora, hindi Dora. Yung leader nang gossip girls" "O? Ano meron sa kanya?" kunot noo ko. Pati ba naman sya gossip girls na rin?. "May kakambal pala sya na sobrang hot, sexy, attractive at handsome, ang sarap papakin" kinikilig ba siya? Nakahawak pa kasi yung dalawang kamay niya sa dalawang pisngi niya. "Tao ba yan o Lechon?" hot, sexy at attractive diba pwede namang lechon? Tapos papapakin niya pa. "Hay! nako! Tao sya, Cous" disapointment ang mukhang tingin niya sa akin. "Ayun lang ba yung sasabihin mo?" "Gusto ka nyang makilala" "A-Ako?!" turo ko sa sarili ko. Hindi naman ako artista ha? o sikat sa kung saan. "Yes, at na love at first sight daw sya sa'yo" napa-ngiwi ako dahil sa sinabi niya. Love at first sight? "Kaso hindi ko muna sinabi sa'yo kasi alam ko naman nag mo-move on ka pa kay Cloude" "Move on ka dyan?" tingin ko sa kanya. "Hindi pa ba?" tanong niya. "Hindi ako nag mo-move on kay Hollis no?. Pinatawad ko na sya sa isip ko. Tyka like nya lang naman ako, yung Sky an yun ang love nya" Hindi ako pumasok simula nakita ko sila ng Sky niya. Hindi rin ako nagreply sa mga text niya dahil nagpopokus ako sa training naming ni Tatay at pagkuha ko ng rin sa impormasyon tungkol kay Alvert Harwell. "Hindi pa nga nakakamove on" rinig kong sabi nya. Kaya napatingin ako sa kanya habang tinitignan nya ang kuko niya. "Naririnig kaya kita" "Ayy! Basta, cous. Kapag pumasok tayo sa monday, ipapakilala kita sa kanya" sabi ni Zhynly. "Close kayo?" "Medyo.." sagot niya. "Kung sino mang yang lechon? I don't care. Kailangan kong maghanda para mamaya, at Ikaw din" naglakad na ako paalis. "Owkey!" Pumunta na ako sa kwarto ko at pagkapasok ko nakita ko na yung box nang susuotin ko at ang boots an gagamitin ko. Napahiga ako sa kama ko dahil gusto ko munang magrelax kahit sandali. Sa matagal naming hindi pagkikita nang lalaking mukhang babaeng na yun, nakakamiss rin pala. Nakakamiss siyang asarin, lalo na kapag naiinis na siya para gusto na niya akong patayin sa tingin niya. Pero mas nakakamiss ang paminsan-minsan na ngiti niya na nakakahawa. "Hays!" "Cous, tama na ang pag-iisip kay Superhero mo" napatingin ako kay Zhynly na nasa loob na pala. Naglakad siya papalapit sa akin at naupo sa kama ko. Nahiga na rin siya at tumabi sa akin. "Ano bang nararamdaman mo kay Cloude kapag kasama mo sya?" napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang sya sa may kisame kaya dun na rin ako tumingin. "Kay Hollis? masaya ako kapag kasama sya, masarap kasi syang asarin. Hehe" "Ano nararamdaman mo nang makita mo may kasama siyang ibang babae? Nang makita mong kasama niya yung Skyler?" "Wala naman" "Yung totoo?" "Parang naiinis? parang naasar?. At iniisip ko rin na para niya akong ginawang tanga. Sinabi niyang he likes me, pero sinabi niya rin na mahal niya ang girlfriend niya, na akala niya patay na pero buhay pa pala. Tapos sasabihin niya sa akin, trust him because his confuse?. Ano ba yun?!" Kaya ang sakit lang, at inaamin kong nagmukha akong tanga. "Nagseselos ka?" "Wala akong karapatang magselos" "Galit ka sa kanya?" "Galit sa kanya? oo, kasi para niya akong ginawang tanga sa mga sinabi niya sa akin. Pero tapos na yun, napatawad ko na siya. I realized that I should be angry with myself dahil masyado kong sineryoso yung sinabi niyang gusto niya ako" may kirot akong nararamdaman sa dibdib ko. Masakit pa rin palang umasa. Napaupo ako sa kama ko at pasimpleng pinunasan ang luha ko. "May gagawin pa pala ako Zhynly. A-Ano--" pumunta ako sa may banyo at nilock ko ang pinto. "Like niya lang ako pero siya napamahal na siya sa akin" tingin ko sa sarili ko sa salamin. It's hard to love someone who loves others even when he or she wants you to. * * * * * * Amber Ice's POV Kanina ko pa tinitignan si Cloude, ginugulo niya yung buhok niya. "Cupcakes?" lapit ko sa mukha nya pero tinitigan niya lang at hindi niya alam na maaari akong mangalay. "Twilight!" malakas na sabi ko nang mapatingin siya malapit sa pinto. "Si Twilight ang iniisip mo?" "Tss!" tumayo siya at naglakad palayo sa akom habang ginugulo pa rin niya ang kanyang buhok. "Nak, inaasar mo na naman ang kapatid mo" sabi ni Mom. "Mom, wala akong ginagawang sa kanya. Nababaliw na yata siya. Si Dad po?" "Nasa kwarto, kausap yata si Tito Ricky mo sa cellphone" "Ahh!... Mom may nalaman pala ako, yung ex ni Dad pupunta yata sa party, mamaya" "Ahh! yung ex love ng Daddy mo?" "Yes, mom. Selos ka?" tingin ko sa kanya. "Selos? Hindi 'no" "Talaga lang ha?" tingin ko sa kanya. "Sasama ka sa party, right?" "Oo naman" Sabi na nga ba eh!. Para makita niya yung ex ni Daddy. "Miss Ai." tawag nila Mike sa akin. It was Dad who ordered me to take care of everything. And that's what I want to do. * * * * * * Mike Winz's POV Naupo kami sa may sofa para pag-usapan ang mga gagawin naming mamaya. "Kayong dalawa bahala sa security, sana hindi na kayo pumalpak" turo ni Miss Ai kanila Grayson at Travis. "Mike at Rexie, kayong dalawa ang makakasama ni Cloude. Alam nyo naman yung kapatid ko medyo shonga rin yun. I'm going with Mommy and Daddy. So don't worry about me, I'm ready." nakangiting sabi ni Miss Ai. "Miss Ai, yun lang yun? Akala ko naman mahaba ang pag-uusapan natin. Sana tinext mo na lang kami ayun lang pala yung role namin" pagkakamot ko. "Gusto mong maging maganda ang role mo? Pakamatay ka para maraming umiyak" Pakamatay? Hell no? sayang ang kagwapuhan ko. "Ate Ai, naman eh!" Iling ko sa kanya. "Miss Ai, wala ka bang cupcakes dyan? nagugutom kasi ako eh" "Meron sa kusina kumuha ka nalang" sagot niya kay Rexie. "Speaking of the cupcakes, hindi ko na nakikita si Miss Twilight sa school" bigla kong nakita si Cloude na gulo-gulo ang buhok. Mas gwapo na tuloy ako. "Cloude, bakit nga pala hindi ko na nakikita si Miss Twilight may sakit ba sya?" tinignan ko sya pero parang wala naman siya sa mode magsalita. May bago pa ba? ganyan rin naman siya noon. "Nasa inyo na ba yung mga susoutin nyo?" "Oo, Ate Ai. Pinadala ni Mr. Ab sa condo ko" sagot ko. "Oo, ate Ai, binigay sa akin ni Dad" sagot naman ni Rexie. "Buti naman. Sige na pwede na kayong umalis, mag ingat kayo mamaya" Nagkatinginan kami sa sinabi ni Ate Ai. Alam namin mahirap ang magiging setwasyon dahil hindi namin alam kung ano ang mangyayari sa event na pupuntahan namin. "Call time four PM" tayo ni Ate Ai at naglakad. Nang makalapit siya kay Cloude ay agad niya itong siniko ng malakas. "f**k! Are you f*****g insane?!" galit na tingin niya sa Ate niya. "If you miss her, bakit hindi ka pumunta sa bahay niya. Duwag!" naglakad si Ate Ai paakyat kaya napatayo kami. "Sige alis na kami" baka kami pa ang mapagbalingan ni Cloude ng inis niya. * * * * * * Pippa Zhynly's POV 3:05 PM Narinig kong nakahanda na ang private plane na maghahatid sa amin sa isla pero nasa kwarto pa rin si cous at ganun na rin si Tito. Kaya nakatayo lang kami habang hinihintay silang bumaba. "Pippa" lapit sa akin ni Jacob. "Anong ginagawa mo dito?" "Ako lang naman ang magbabantay sa Young Lady kasama mo" sagot niya. I looked at him, if he was telling the truth. "Really?" "Yes. I always protect Young Lady. You want me to protect you too" He smiled and winked at me. "Dumada-moves ka na naman, Jacob Rox" napatingin kami kay Twilight na nakakapit kay Tito Ninong o sa Boss namin. Pababa na sila nang hagdan habang nakakapit rin si Lady Sunlight sa kabilang braso ni Boss. Twilight is gorgeous enough in her elegant black dress and boots. She's awesome! Kahit hindi siya naniniwalang maganda siya. "Ang ganda naman ng Young Lady namin" nakangiting tingin ni Jacob sa kanya. "Dapat kay Zhynly mo yan sinasabi. Diba nililigawan mo sya?" lapit ni Young Lady Twilight sa amin kaya napayuko kaming dalawa. "Wag na nga kayong gumanyan, para namang di tayo close" She laughed. "Mag ingat kayo, Dark. Please, take care of our daughter" Napatingin kami sa pag-uusap ni Boss at ni Lady Sunlight kahit bawal. Even though we are relatives, there are no relatives when it comes to work. "Of course, Yes, I will. Please, take care of yourself, call me immediately if there is a problem or what, okey?" "Oo" ngiti ni Tita. "I love you, life" "I love you too, maraming tao" lumapit kasi si Boss kay Tita para halikan ito. "Tss! Don't mind them" Hinalikan ni Boss si Lady. "I love you more life, please take care of yourself. I'm not here to protect you" kinilig ako sa sinabi ni Tito, I mean boss. "Uy! Tara na" hila sa amin ng Young Lady. "May part 2 pa yan" tumatawang sabi niya. "At alam nyo ba ang sasabihin ni Tatay. 'Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka'" Nagulat kami dahil sabay silang nagsalita ni Boss. "Twilight Sky!" "Hehe! Peace po tayo, tatay" lakad niya papalabas kaya sumunod na kami sa kanya at pumasok na siya sa loob. Hinintay muna naming si Boss na makapasok. Pagkapasok niya sa loob ng sasakyan pumasok na rin kami. Habang umaandar ang sasakyan tahimik lang kami ni Jacob dahil nasa tapat namin sila Boss at ang Young Lady na tahimik lang rin na nakaupo. ~~~ Ilang minuto lang ang nakalipas nakarating na kami sa lugar kung nasaan ang private plane na pagmamay-ari nila Twilight. "Let's go" alalay ni Boss sa Young lady paakyat at sumunod kami ni Jacob habang inaalalayan niya ako. Nang makaupo na kami, bigla akong nanibago sa aura ni Twilight. Para siya ang girl version ni Boss, kung makatingin at kapag tumingin ka sa kanya matatakot ka at ikaw na lang ang unang iiwas. Ibang-iba siya sa Twilight na nakakasama ko, nakakabuan ko at masaya kasama. Siya na talaga si Young Lady ang Assassin Princess. Tahimik pa rin kami ni Jacob at iba pang tauhan sa loob ng private plane siguro napansin nila ang kakaibang aura nang dalawa mag-ama. May mga nauna nang tauhan si Boss sa isla kaya magiging safe ang lapag namin kapag nakarating na kami doon. * * * * * * . #24 #TMAPaP #EllyM.E. IAmElainah ===Elainah M.E===
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD