Chapter 6:
Twilight Sky's POV
Inupo na ako ni Jacob sa may couch. Nang makita ko ang mga butil ng pawis ni Jacob sa kanyang noo. "Ayos ka lang?" tanong ko. Ngumiti siya at nag-thumbs up. Kinuha ni Jacob yung panyo niya sa bulsa at pinunas mukha niya.
"Nagutom ako sa'yo" sabi nya.
"May chocolate sa kwarto ko. Gusto mo?" Agad syang tumayo, at tumakbo papunta sa taas.
"Penge ha?" takbo niya pataas.
"Ikuha mo rin ako ha?!" sigaw ko nang makaakyat na sya sa itaas. Ilang minuto na ang nakakalipas wala pa rin si Jacob.
"Jacob! Inuubos mo na dyan yung chocolates ko, bumaba ka na nga dito!" sigaw ko sa kanya. "Uy! Jacob!" nang may narinig akong pababa ng hagdan.
"Ang dame naman ng stocks mo sa ref" baba nya, habang may hawak ng chocolates.
"Baka naman inubos mo na?" tanong ko habang inaabot niya sa akin yung chocolate.
"Hindi no?" umupo siya sa tabi ko.
"Malapit na nga pala ang birthday mo 'no? ilang taon kana?"
"twenty na ako, mag-to-twenty-one sa birthday ko"
"Syempre, alangan naman magtwenty-two ka agad"
"Nagtatanong ka kaya?" I rolled my eyes. "Ilang taon kana?"
"seventeen"
"Mukha mo? seventeen? mukha ka ngang thirty-six"
"Twenty-two lang ako no?,"
"Same pala kayo ni Pippa Zhynly, bagay kayo" sundot ko sa tagiliran nya.
"Tss! wag ka ngang ganyan" tangal nya sa kamay ko. Habang napapangiti.
"Ho!Shu!.. kunyari ka pa crush mo si Pippa no? wag nang itanggi" akbay ko sa kanya.
"Twilight Sky!"
"Tatay?"
"Tito?" Napalayo ako kay Jacob at ngumiti kay Tatay habang nakaakbay kay Nanay. Lumapit sya sa tabi ko.
"Maghahanda lang ako ng dinner" sabi ni Nanay.
"Tatay, Ano yang dala mo? masarap ba yan?" nakangiting tingin ko sa hawak nyang plastic na may bilog na lagyanan.
"It is not food" sabi ni Tatay.
"Kusina muna po ako, titignan ko yung niluluto ni Tita" tayo ni Jacob at naglakad na.
"Ano po ba yan?" tingin ko pa rin sa lagyan.
"It's for your feet" binuksan nya at nalagay sa kamay. "akin na yang paa mo" nilapag yung paa ko sa lap ni Tatay.
Napangiti ako dahil masarap sa pakiramdam yung gamot na pinapahid ni tatay.
"You like Jacob?" Napataas ang dalawang kilay ko dahil sa tanong nya.
"Seryoso ka ba po Tatay sa tanong mo?"
"Yes I'm serious"
"Yes. I like him" tingin ko sa mata nya.
"Tss! I don't like him for you"
"Tatay, ako naman po ang may like, bakit kayo nakiki-like?"
"I don't like him for you." giit ulit niya.
"Ahh?! But I really like him, Tatay." yumuko ako. Natatawa kasi ako sa mukha ni Tatay, ayaw nya talaga kay Jacob.
"Akala ko, I'm your ideal guy?" napatingin ako sa kanya.
"No. Tatay, ayoko nang katulad mo" iling ko pa.
"Why?"
"Kasi ayoko, sa'yo. swear!" Iling-iling ko pa. Nang makita ko ang mukha ni Tatay, na parang ewan. Pfft!
"Jokes!" nag-peace sign ako. "Hahaha. I like Jacob as my friends, Tatay haha- Arayy!" biglang diniinan ni Tatay yung pakakahawak nya sa paa ko. "Nanay! oh! si Tatay" sigaw ko.
"That's your punishment!"
"Kahit na nagjojoke lang ako, Tatay?"
"Yeah! Your jokes aren't funny" sabi ni Tatay.
"Dark, ano na naman ang sinisigaw ng anak mo? Kayo na nga lang ang magkamukhang dalawa nag-aaway pa kayo!" sabi ni Nanay.
"Becau-"
"Hep! Wag kang munang magsasalita, nagsasalita pa ako, Dark" turo ni Nanay kay Tatay na napataas naman ng kamay si Tatay.
"Ang sarap videohan ni Tito Dark, under kay Tita" sabi ni Jacob na nasa likod ni Nanay.
"Zip your f*cking mouth, Jacob" masamang tingin ni Tatay kay Jacob. Na agad naman nag-sign na kunyari sinara ang labi.
"Alis na po ako" paalam ni Jacob at tumango lang si Nanay sa kanya. Naglakad na si Jacob palabas dahil mukhang umiiwas sya sa pagtatalo ng magulang ko.
"Anong ginawa sa'yo ng tatay mo?" tingin sa akin ni Nanay.
"Diniinan nya po yung pagkakalagay ng gamot" paawa effect ko kay Nanay.
"Kung lumala yan, sa tingin mo makakapasok yang anak mo bukas, Dark?" galit na sabi ni Nanay. 'Patay, galit na si Nanay'
"Punta lang ako sa kusina" sabi ni Nanay at naglakad na papunta sa kusina.
"Nanay!" tatayo na sana ako, nang maramdaman ko ang sakit sa paa ko.
"Just stay here, I'll talk to your Mom. Be careful." sabi ni Tatay, kaya napatango na lang ako.
* * * * * *
Cloude Yule's POV
I looked at Grayson who always busy with his laptop. "Pumunta ka nga sa f*******: mo at i-search mo. Si Twilight Sky Smith" utos ko.
"Sound interesting ha?" sabi ni Travis. I ignored him. Tiningnan ko lang si Grayson para hintayin ang pinapagawa ko sa kanya.
"Ang ganda." salita ni Rexie na nasa likod ni Grayson.
"Not so beautiful" singit ni Travis.
"Let me see her informations" I don't care about her looks, gusto ko lang malaman kung bakit niya ako binibigyan ng death treats.
"EM University nag-aaral, pre" sabi ni Rexie habang tingin sila sa akin.
"Diba school natin yun? bakit parang di ko naman sya papansin?" tingin niya pa sa itaas. "Diba dun ka pina-enroll nila Tita Claudia?" Tumayo ako at pumunta sa pinto. "Umalis na kayong tatlo, yung mga kalat ninyo kuwain ninyo" sabi ko.
"Sino ba si Twilight Sky Smith?" tanong ni Travis.
"Si Twilight Sky Smith, yie! kapangalan pa ng-" napahinto si Rexie.
"Sige, ituloy mo para maihatid kana namin sa tutulungan mo nang mahabang panahon" sabi pa ni Grayson habang niligpit ang mga gamit nya.
"Hurry up!" Walang ganang sabi ko sa kanila. Pagkatapos nila kuwain ang mga kalat nila ay agad na silang lumabas ng kwarto ko. Sinara ko naman yung pinto at nahiga sa kama ko.
'Sino ba sya?'
Napabangon ako sa kama ko at kinuha ang laptop ko. Binuksan ko at nakita ko ang picture ni Sky.
'Twilight Sky Smith? may kinalaman ka ba sa mga dapat kong gawin para makaganti? o magiging sagabal ka lang sa mga dapat kong gawin?' Napapikit na lang ako sa mga naiisip ko. 'Kung hindi ko aalamin, hindi ko naman malalaman'
* * * * * *
Twilight Sky's POV
Nakangiti ako habang nakikita sila Nanay at Tatay na magkabati na sila. Nakaupo na kami sa hapag habang nakahanda ang mga pagkain.
"Sigurado kana ba, Sweetie? na papasok ka na?" tanong ni Nanay sa akin habang nilalagyan ako ng pagkain sa plato.
"Opo. Nanay. Nakakabored po kaya dito sa bahay"
"Si Tatay mo ang maghahatid sayo bukas" nakangiting sabi ni Nanay.
"Talaga po?"
"Oo, diba Dark?" tingin ni Nanay kay Tatay. Kaya napatingin na rin ako kay Tatay.
"Yes." sagot ni Tatay.
"Excited na ako" sabi ko.
Si Tatay ba naman yung maghahatid sa akin katulad ng dati. Noong naaksidente rin ako ng grade 10 dahil sa may magnanakaw at nasasaksak pa ako. Mabuti na lang hindi masyadong malalim ang pagkasaksak sa akin.
=*FLASHBACK*=
Naglalakad ako papunta sa tindahan malapit sa school ko nang may naramdaman akong matulis sa tagiliran ko. "Miss, akin na ang mga gadgets mo"
"Paano mo nalaman nasa loob kaya nang bag ko" tingin ko sa kanya.
"Basta akin na kung hindi masasaktan ka" nasaktan ako sa pagtusok nya sa tagiliran ko ng matulis na bagay.
"Sinasaktan mo na nga ako eh! Ano ba yang panusok mo patingin nga?" Tingin ko sa tagiliran ko. Nang ipakita nya ang isang kutsilyo.
Agad ko syang inapakan sa paa nya at pinalo ko ang kamay nya na agad naman nalalag sa kamay nya ang kutsilyo. 'Buti na lang pinag-aral ako ng mix martial arts' "Kuya Guard!" tawag ko sa may guard na agad naman napatingin sa akin.
"May magnan-Aray!" nakaramdam ako ng pagtusok sa tagiliran ko at agad tumakbo ang isang lalaki na hindi naman yung magnanakaw.
"Kasama mo ba yun?" tanong ni Kuya Guard habang nakatutok yun baril nya.
"Hindi po. Sir" nakadapang sabi nito.
"Twilight!" nakita ko sila Jacob at Homer na lumapit sa akin. Madali nila akong binuhat habang hawak ko ang tagiliran ko.
=*END OF FLASHBACK*=
Napailing na lang ako ng maalala ko ang alaala na yun, dahil may mas matindi pa aksidenteng nangyari sa akin na mumuntikan na akong mamatay.
Summer noon, last year. Wala noon sila Homer at Jacob, dahil parehas silang may family reunion. Habang sila Nanay at Tatay naman may inaasikaso, kaya ako lang ang mag-isa sa bahay.
=*FLASHBACK*=
Nang makita ko ang kotse ni Tatay na nakaparada sa grahe, kinuha ko ang susi isang ferrari na kulay black at red.
'Hindi naman siguro mahahalata ni Tatay na hiniram ko yung isang ferrari nya'
Napatingin ako sa cctv na nakalagay sa taas ng grahe. Agad kong binuksan yung sasakyan at sumakay, habang hawak ko remote control ng gate.
Pagkabukas ko nang gate ay agad kong pinaandar ang sasakyan. Matulin kong pinatakbo, hanggang sa mabilis na akong nakalayo sa bahay.
'Ang awesome ng ferrari ni Tatay'
Nang mapansin kong nagba-vibrate pala yung cellphone ko, kaya kinuha ko sa bulsa ko.
Calling
Tatay
Napatalon ko sa kinauupuan ko at nang pagkatingin ko sa harapan, mababanga na pala ako sa malaking puno. Kaya iniliko at mabuti na lang naiwasan ko.
Nakahinga ako nang maluwag ng makaiwas ako sa puno nang maalala ko ang cellphone ko na nasa lapag na pala.
Inabot ko sa ilalim yung cellphone ko, nang makuha ko na para pindutin ang answer bigla naman gumalaw yung sasakyan ko. Napatingin ako sa side mirror ng makita ko ang pagtulak ng isang sasakyan sa likuran ng sasakyan ni Tatay.
"Hoy!" napapalingon tingin ko sa loob ng sasakyan dahil tinutulak yung ferrari ni Tatay.
'Ano bang trip nila?'
Niliko ko ang manibela sa kanan kaya naalis ako. Nang mapansin ko naman ang papasalubong track sa akin. Iniwas ko at napapikit na lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari.
Pagkabukas ko nang mata ko ay agad kong naramdaman ang mabilis na pag-andar ng sasakyan pababa sa bangin.
"Oh my!" Madali kong inabot ang cellphone ko na malapit sa paanan ko.
"Tatay--" sagot ko sa tawag nya at agad namang huminto sa pagdulas yung sasakyan papunta sa bangin at nabitawan ko ang cellphone ko. Napahinto ako sa paggalaw ng makita ko na buma-balanse ang sasakyan papahulog sa bangin.
"Twilight, answer me!" rinig kong sabi Tatay.
Pero hindi ko pwedeng kuhain ang cellphone, dahil baka mahulog ang sasakyan at ayokong magsalita dahil alam ko gagalaw ang sasakyan na maaaring ikahulog ko. Binuksan ko dahan-dahan ang pinto ng sasakyan. Lumabas ako papahiga habang nakapikit.
"Aray!." Napadilat ako at nakaramdam ng sakit sa katawan ko nang may mga gasgas. Pero napangiti ako dahil nakaalis ako kahit wala yung cellphone ko.
Napatingin ako sa sasakyan na nagbabalanse pa. 'Magagalit si Tatay pag-nalalag sa sasakyan nya'
"N-no. Wag kang malalaglag. Magagalit si Tatay" napaupo ako. Hindi ko na napigilan dahil tuloy-tuloy na ang paghulog ng sasakyan ni Tatay. "Lagot!" hawak ko sa ulo ko.
"HEY!" napatingin ako sa itaas para makahingin ng tulong sa tumawag sa akin.
"Help-No!" nanlaki ang mata ko nang makita kong may hawak syang bato na inihagis sa akin. at tumama sa ulo.
"Twilight Sky"
"Tatay-" Nakita ko si Tatay at Nanay pero napapikit na ako dahil sa sakit at hilo na nararamdaman ko.
~~~
Nang magising ako ay nasa hospital na ako, habang nakikita kong nakatingin sa akin sila Tatay at Nanay. Napangiti ako dahil nakaligtas ako.
=*END OF FLASHBACK*=
"My daughter, are you okey?" napatingin ako kay Tatay.
"Opo, Tatay. okey lang ako. May naalala lang po" nakangiting sagot ko.
"Kumain na tayo" sabi naman ni Nanay.
~~~
Pagkatapos namin kumain ay nanuod muna kami ng tv. "Kamusta na yang paa mo?"
"Medyo okey na po effective yung nilagay mo Tatay"
"Mabuti naman kung ganun. Maglagay ka nalang uli bukas ha? para gumaling na yan. Tara na akyat na tayo. Inaantok na ako." tayo ni Nanay.
"Dark. buhatin mo na yang si Twilight papunta sa kwarto nya para maka pagpahinga na rin tayo"sabi ni Nanay.
"Let's go. Your Mom is tired too, we need to rest." lapit ni Tatay.
"Okey po" kapit ko sa kanya. Binuhat ako ni Tatay, habang naglalakad kami paakyat sa taas, nakasunod sa amin si Nanay.
Pagkapasok namin sa kwarto, dahan-dahan akong nilagad ni Tatay.
"Goodnight, My daughter" halik ni tatay sa noo ko. "Goodnight, sweetie" halik rin ni Nanay sa akin.
"Goodnight rin po." ngiting sabi ko sa kanila. Nang mapansin ko yung cellphone ko na umilaw.
"Wag nang magpagabi ha?" sabi ni Nanay na napansin rin pala.
"Opo" nakangiting sagot ko at lumabas na silang dalawa. Napatingin naman ako sa screen cellphone ko at may nakita akong one text message.
To: Unknown
I found you. See you and I make sure you will die.
~
I don't care.
Sent.
Reply ko.
Nilagay ko na sa ibabaw ng drawer ko ang cellphone ko. Tinaas ang buhok ko sa may unan at pumikit na para makatulog.
* * * * * *
.
#6
#TMAPaP
#EllyM.E.
IAmElainah
===ELAINAH M.E===