Chapter 29

2196 Words
Chapter 29: Twilight Sky's POV "Alam niyo naman na ang mga parents natin ay mga Assassins. I'm so sure you know that" sabi niya sa amin. "Ang kwento sa akin nila. Si Dad, matagal nang may gusto sa Mom mo na si Miss Sunlight na kapatid ni Dra. Sunshine." tumango kami ni Zhynly. "Sila Dad at ang mga parents ninyong dalawa ay magkakasama sa isang group. Sinusunod nila ang utos ng nakakataas sa kanila, minsan inuutusan silang pumatay at binabayaran sila ng malaking halaga. At naging magkaibigan sila dahil pare-parehas sila ng uri ng trabaho." kwento ni Ate Ai habang may hands gestures pa. "Sumali si Dad sa ibang grupo at doon naging isa rin siya tulad ni Miss Sunlight, ng Mom mo. Hindi alam ng Boss nila na anak si Dad ng isang Mafia boss." "Sabi nila. Na-love at first sight daw si Dad kay Miss Sunlight. Pero naka-arranged marriage pala siya sa anak ng kaibigan ng Dad niya. Sa mommy ko" "Ayaw ni Dad kay Mom kasi nga, he loves your Mom. Until one day, nagkasama sila ni Miss Sunlight at sinabi ni Dad ang feelings niya. Nagsabi si Dad na liligawan niya si Miss Sunlight" Sandaling huminto si Ate Ai. "Pero sinabi ni Miss Sunlight na boyfriend na niya si Mr. Smith. Ang Tatay mo." turo ni Ate Ai sa akin. 'Kaya ba ganun sila magkatinginan? Galit ba si Mr. Hollis kanila Nanay?. I wish hindi.' "Sinabi pa ni Miss Sunlight kay Dad na, friends lang ang talaga sila at mahal niya si Mr. Smith. Na friendzone ang Dad ko sa mother mo" huminga muna si Ate Ai. "And nakita ni Mom na sobrang nasaktan si Dad sa nalaman niya. And my mom was really hurt too, kasi mahal na niya si Dad noon pa, kahit ayaw nito sa kanya." napa-sad face pa siya. "Hanggang sa pumayag na si Dad sa Arranged Marriage kay Mom" nakangiting kwento niya. "Natuwa si Mom dahil pumayag na si Dad na magpakasal sa kanya. Para kay Mom, si Dad yung taong matagal na niyang mahal, kaya masaya siya na makasal dito kaya go na siya" "Pero pagkatapos nilang ikasal, alam ni Mom na hindi pa rin talaga siya kayang mahalin ni Dad, kahit nagkakasundo naman sila kung minsan. Isang araw na-realize ni Mom na masakit pala na feeling niya panakip-butas lang siya ni Dad. Kaya umalis siya nang bahay para makapag-isip-isip at makahinga." "Hindi alam ni Mom na yung time, nang umalis siya sa bahay, halos mataranta na si Dad dahil wala siya sa bahay nila pagkarating nito. Inutusan ni Dad ang lahat ng tauhan na binigay sa kanya ni Lolo para hanapin si Mom." tumingin sa akin si Ate Ai. Kaya napakunot ang noo ko kung bakit? "Papel na lang yang kinakain mo" Tiningnan ko naman yung kinakain ko. "Hehe! sorry naman" nadala ako sa kwento. Kumuha na lang uli ako ng cupcakes. "Kasi naman Cous eh!. Comercial ka din eh!" "Ang cupcakes na ito ay masarap. Try nyo. Ayun ang commercial" tingin ko kay Zhynly habang masamang ang tingin niya sa akin. "Eh! Sa--" "Ituloy mo nga lang Ate Ai, kumain kana lang dyan" sabi ni Zhynly sa akin. 'Sorry naman'. Ngumiti si Ate Ai sa amin at pinagpatuloy na niya ang kwento. "Hanggang sa makita ni Dad si Mom sa isang park. Sa park kung saan una silang nagkasundo. Nagulat na lang si Mom nang may tao yumakap sa kanya. Nakita niya si Dad na umiiyak at sinabi nito na sorry daw sa lahat ng inasal niya kay Mom. Narinig na ni Mom mula kay Dad ang gusto niyang marinig dito. Ang salitang 'I love you' na matagal na niyang gustong sabihin ni Dad sa kanya. Hanggang sa mabuo ang dyosang si Amber Ice. The End" she flipped her hair. "Paano mo nalaman ang kwento na yan?" sabay namin ni Zhynly. "Sabay talaga?. Alam niyo yung story telling kapag matutulog na kayo kapag bata kayo? Ayun yung laging kinukwento sakin nila Dad at Mom. Hanggang sa malaman ko na totoong love story pala nila yun. Medyo binago nga lang nila" Nakangiting sabi ni Ate Ai, Kaya napangiti ako rin at nakita ko rin napangiti si Zhynly. "Ang cute naman. Nakakaiyak na nakakakilig" sabi ni Zhynly. "Yeah! Na narealize siguro ni Dad na kahit nasaktan niya si Mom, minamahal siya nito kahit may iba siyang unang minahal" Napatingin silang dalawa sa akin. Bakit may problema sila sa aking dalawa?. "May natutunan ka ba? Past sa boyfriend mo or what?" kalabit ni Ate Ai sa paa ko. "Naku! wala siyang past. NBSB kasi si Cous. Kaya hindi nakakarelate yan." "Really?!" tingin niya sa akin. "Penge na lang tubig, para makatulog na ako, medyo inaaantok na ako" iwas ko sa tanong ni Ate Ai. Siguro alam naman ni Ate Ai na ayokong pag-usapan. "Kukuha lang kita, Cous" tayo ni Zhynly sa kama ko. "Sa tingin mo Ate Ai? Galit pa rin ba ang Mr. Hollis kay Nanay dahil sa nangyari?" "Of course not. Kung hindi yun nangyari baka wala ako at si Cloude. Hahaha" Ngumiti na lang ako sa sinabi niya. "By the way, I have to go na nga pala. Text mo na lang ako kapag magaling kana at naka-uwi kana ha?" Tumayo na siya sa kama ko. "Salamat sa pagdalaw sa akin at dito sa cupcakes, Ate Ai" "You're welcome, Twilight" Ngiti niya. Nang makalapit na samin si Zhynly habang dala ang isang baso ng tubig. "Zhynly, I have to go na, thanks a lot ha?" beso ni Ate Ai sa kanya. "You're welcome, Ate Ai na rin ang itawag ko sayo. Ihatid na kita kahit sa labas lang" abot sa akin ni Zhynly ng baso na may lamang tubig. "Thanks-- but" napatingin si Ate Ai sa akin. "Okey lang ako. Sige, ihahatid mo na siya matutulog na rin naman ako dito. Ingat Ate Ai." "Okey. thanks. Magpagaling ka" sabi niya habang kumakaway. Nang lumabas na sila dalawa sa kwarto, nahiga na ako pagkatapos kong makainom ng tubig. Dahil lahat ng energy ko naubos na yata. Kailangan ko nang magpahinga kahit hanggang bukas lang umaga. Siguro pwede na iyon para makakuha ako nang maraming lakas para makakuha ng impormasyon sa bawat mafia leaders. * * * * * * Athan's POV Pumunta kami ni Kelly sa opisina ng Darklight kasama ang ibang pang tauhan. Nakahinto kami sa tapat ng pinto nang office nila Boss. Nang lumabas ang secretary ni Lady Sunlight. "Miss Athan at Miss Kelly, pumasok daw po kayo dalawa" binuksan niya ang pinto. "Kayo mga Mister, maghintay muna po kayo" baling niya sa nasa likuran namin kaya pumasok na kaming dalawa ni Kelly. Pagkapasok namin nakita namin ang Lady Sunlight kaya napayuko kami. "Lady Sunlight" pagkasabi namin ay tumingin na kami sa kanya. Nakatayo siya sa gilid ng lamesa na agad naglakad papunta sa upuan niya at naupo. "Maupo kayo" turo niya sa upuan na nasa malapit sa lamesa. "Hindi na ako magpapaligoy pa, dahil mamaya kailangan na naming umalis ni Dark. Kaya gusto ko parin na ipagpatuloy niyo ang Mission niyo. Lalo kana Athan" baling sa akin ni Lady Sunlight. "Kailangan mong munang bantayan si Twilight habang wala kami, alam ko na marami nang nabago sa anak ko, but as her mother ayoko pa ring mapahamak siya" Sana may ganito rin akong ina. But I don't have. My parents? Hindi ko alam kung nasaan sila. Ang alam ko lang pinabayaan nila ako. "Hindi mo na rin muna kailangan gawin ang mga paggawa ng iba pa basta kailangan mo lang bantayan si Twilight na hindi niya nalalaman. Makakaasa ba ako?" "Opo, Lady Sunlight. Makakaasa po kayo" sagot ko. "Salamat naman kung ganun. At ikaw naman Kelly" baling niya kay Kelly. "Gusto kong ikaw naman ang magbantay kay Zhynly, kayo naman diba dapat ang magkapartner" "Opo" sagot niya. "Tulad nga ng sinabi ko aalis kami ni Dark. Sila Duke at Sunshine muna ang bahala sa company ng Darklight. Kung kailangan ninyo ng makatulong para sa pagbabantay sa kanila magsabi lang kayo kay Piter. Ayokong mapahamak ang buhay ni Twilight at Zhynly kaya pagbutihan ninyo ang bagbabantay sa kanila. Ayoko ko nang maulit ang nangyari sa party, dahil doon napahamak ang anak ko" "I'm sorry if I could say these kind of words, Lady." Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero hindi ko lang pinansin kung sino man ang pumasok. "Pero sinisisi ninyo po ba kami sa mga nangyari sa loob ng party? Lady Sunlight?" dahil sa huling sinabi niya parang ayun ang lumalabas. "Athan!" tawag sa akin ni Kelly para sawayin ako. "No, it's not your fault" Tumayo yata ang balahibo nang braso ko ng marinig ko ang boses ni Boss. "Boss-" "I'm sorry for what you thought, but that's not what I meant. Kayong dalawa parang anak ko na kayo ni Kelly. Ayoko rin naman na masaktan kayo" sabi ni Lady Sunlight. "I'm really sorry po Lady Sunlight sa mga nasabi ko, nagkamali lang po ako sa pagkaintindi. I'm sorry" napayuko ako. "No, don't be, naiintindihan ko naman. Simula bukas gawin niyo na ang mission ninyo" "You may go. Both of you" rinig kong sabi ni Boss na nakatayo na sa likod ng upuan ni Lady Sunlight. Tumayo na kami at yumuko sa kanila. Nakatungo na si Kelly pero nakayuko pa rin ako. "Sorry po talaga" pagkasabi ko ay tumingin ako ng tuwid mga mata nila. Ngumiti habang patango-tango lang si Lady Sunlight habang tumango lang si Boss. Naglakad na kami ni Kelly palabas at pumasok naman ang secretary ni Lady Sunlight kasama ang mga kasamahan namin kanina. * * * * * * Kelly Ann's POV "Masyado ba akong rude kanina?" baling niya sa akin. "Oo naman 'te. Ano bang pumasok diyan sa isip mo na ganun ang pag-co-connect the dots mo sa mga sinabi ni Lady Sunlight?" tingin ko sa kanya. "Ayun ang pagkakaintindi ko" "Siguro kasi, iniisip mo yung ginawa mong pagpapasabog. Akala mo, malalaman nila ang ginawa mong kalokohan no doon sa party?. Alam nila yun no?!." sabi ko. "A-Ano?!" gulat na tanong ni Athan. "Alam mo naman kapag may ganung mission kailangan natin ipakita ang lahat ng ginawa natin kung nagtagumpay ba. Nakita na yun nila, kahit itago mo pa yun." "Tss!. yeah! May karma nga" sabi niya na napayuko. Naniwala siya sa sa sinabi ko. "Hahaha! Okey lang yan" tinapik ko ang balikat niya. "Punta muna tayo sa restobar, nasa hospital pa naman sila magrelax muna tayo kahit ilang oras lang" "Yeah!. I like to drink intoxicants" "Intoxicants ka dyan... May gagawin pa tayo bukas" sabi ko sa kanya. ~~~ Pagkarating namin sa isang restobar agad kaming nag-order. Napailing ako nang maisip ko na makikita ko na naman sila Jacob at Zhynly na magkasama. Ang mission ay bantayan si Zhylyn at makakaasa ako na magkasama silang dalawa. "Mag-CCr lang ako" sabi ko kay Athan tumango lang siya habang iniikot ang laman ng baso. Tumayo na ako at naglakad papunta sa cr nang may kumapit sa bewang ko. "We met again" bulong niya sa likuran ko habang nakayap siya ng mahigpit sa bewang ko at nakapatong yung baba niya sa balikat. Sisipain ko sana siya pero agad niyang akong binitawan at inikot paharap sa kanya. "Grays--" Malapit ang mukha niya sa mukha ko naikinapigil ng paghinga ko, naamoy ko na amoy alak siya. Napapikit siya habang papalapit ng papalapit ang mukha niya sa mukha ko. I closed my eyes. Until I felt his lips to mine. "Amber..." agad kong siyang natulak ng malakas ng marinig ko ang sinabi at napatakbo. Nakita ko ang natumba siya at tumama siya sa may lamesa. "Umuwi na tayo!" palakad na ako palabas, hindi ko alam kung narinig ba ako ni Athan sa sinabi ko. "Kelly! Hoy!" tawag sa akin ni Athan sa akin pero agad akong sumakay sa sasakyan ko at iniwan ko si Athan na nakahinto lang na halatang nagtataka. * * * * * * Athan's POV "Siraulo yung babaeng yun! Iniwan ako, ang layo pa naman ng pinuntahan naming restobar. Tapos iiwan ako." Iling ko. "Uminom lang daw ako at siya ang bahalang magdrive sa akin. Siraulo! nahihilo na nga ako eh!. Hindi na ako mapapagdrive! Asan ba yung cellphone ko?" Pagkalapit ko sa inupuan ko kanina nakita ko yung bartender. "Hoy! Lalaking bartender nasa na yung cellphone ko na nandito?" turo ko sa inupuan ko kanina. "Ahh! Nandoon po sa lalaking sumunod sa inyo, siya na daw po ang bahala--" Hinila ko yung damit niya papalapit sa akin. "Ano?! Tanga ka ba? gusto mo bang masaktan" hinikpitan ko pa yung pagkakahawak ko sa kuhelyo ng bartender. Nahihilo na ako. Tapos pinipeste pa ako! Bweset!. "Ma'am hindi naman po. Ayun po yung--" "Nasaan-- Aray!" Nabunggong ang ulo sa matigis na bagay. Masakit yun ha?!. Lalong sumakit yung ulo ko. Bwiset naman!. "Miss!" "Ako na ang bahala sa kanya" "Anong bahala ka na!? gusto mong mama--" Naramdaman ko na may tumakip sa labi. Ano ba yun siraulo?. "Siraulo ka!" Bumigat na ang talukap ng mata ko. 'Siraulo ka Kelly, pinabayaan mo ako dito!'. * * * * * * #29 Author Note: Natutuwa talaga ako kapag may nagco-comment? mamaya na ulit ang isang chapter? Thank you sa comments and pag-follow! #TMAPaP #EllyM.E. IAmElainah ===Elainah M.E===
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD