Chapter 22

2633 Words
Chapter 22: Mike Winz's POV Nak nang! Malakas talaga ang trip ni Ate Ai. Ano bang dahilan bakit kailangan pang bantayan ang Autumn na 'to?. Makikipag-date lang naman siya sa kaibigan ni Miss Twilight. Speaking of Miss Twilight, bakit kaya hindi man lang niya dinalaw si Cloude? At bakit nandoon si Sky? Akala ko patay na si Sky, bakit hindi man lang alam ni Cloude na buhay pa si Sky?. Higit dalawang taon na rin ang nakalipas. "Owche!" napatingin ako sa babaeng nakabanga ko at nagulat ako dahil si Autumn pala ang nabanga ko. Nasaan na yung kasama niya?. "Hindi ka lang ba mag-sosorry? " maarteng boses na tingin niya sa akin. Nakakainis!. Hindi ko siya pinansin at naglakad na uli ako. "Friend ka ni Twilight diba?" Napalingon ako sa kanya. "Pinapabantayan nya ba ako sa'yo? That b***h! Duh!" ikot ng mata niya. "Mangarap ka!" naglakad na lang ako. Bahala na nga si Miss Ai. Kung anu-ano kasi ang pinapagawa sa akin. "Autumn, sino yung kausap mo?" rinig ko pero hindi na ako lumingon at naglakad na ako palabas. Pumunta ako sa sasakyan ko at tumayo doon para itext si Ate Ai. To:Miss Ai Ano bang mission, sa Autumn na yun? Sent. :Miss Ai nothin' "Nak nang! naman talaga oh! Syete!" hampas ko sa sasakyan ko na biglang tumunog ng malakas. Pinagtri-tripan kasi ako ni Ate Ai dahil siguro sa sinabi ko na nakikipag-plastikan siya kay Sky. Naramdaman ko na may humila sa dalawang kamay ko at namalayan ko na lang nakadikit na ang mukha ko sa unahan ng sasakyan. "Bakit mo hinahampas ang sasakyan ko?" "Miss, akin 'tong sasakyan" pinipilit kong tangalin ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Pero hindi ko kayang tanggalin. "This is mine" "Sandali nga pakawalan mo nga muna ako!" Pinakawalan niya naman ako at tumingin ako sa kanya. Tinignan ko ang sasakyan na nasa gilid namin ng makita ko na hindi nga iyon ang sasakyan ko. Napatingin ako sa kanya. "You see?" "Oo na. Sorry naman." "It's okey." Okey? "By the way, I'm Lora Zonia Lopez" abot niya sa kamay niya. "I'm really sorry. I'm Mike. Nice too meet you, Miss Lora" "Lora na lang" nakangiting sabi niya. Kitams, kapag gwapo talaga nilalapitan ng chickababes. "Kaibigan ka rin ni Cloude Yule Hollis diba? Kasama mo ba sya?" Nak nang! Si Cloude pala ang kailangan. "Ahh! Oo. Bestfriend ko yun, Kaso hindi ko sya kasama, kasing gwapo ko diba?" "Hindi rin!" tingin niya sa akin, mula ulo hanggang paa ko. "Ganun ba? Sige alis na ako" "Okey?. Umalis kana dyan papasok na ako sa sasakyan ko. Harang ka eh!" "Ito na!" naglakad na ako na lang paalis. "Baka ibang sasakyan na naman yung puntahan mo ha?!" pang-asar na tingin niya sa akin. 'Hay! nako!. Bakit may mga ganun tao? Ikaw yung kaharap, pero iba yung hinahanap.'. Naglakad na ako papunta sa sasakyan ko. * * * * * * Kelly Ann's POV (KINABUKASAN) Kanina pa kami ni Athan nakabantay malapit sa bahay ng Harwell. Kailangan naming pumasok sa bahay nila para kuhain at palitan ang blueprint ng event. Ang mga Harwell kasi ang nag-organisa ng event at siguradong may binabalak itong masama. "Ako na lang ang papasok" sabi ni Athan at nilagay ang itim na mask sa mukha nya. "Sige, gamitin mo ito" abot ko sa maliit na earpiece. Kinuha ko ang laptoo ko at binuksam ito. Nandoon kasi ang blueprint ng bahay ng Harwell na ilang araw namin pinag-aralan ni Athan sa tulong na rin ng tauhan ni Boss na nasa loob ng Harwell. "Mag-ingat ka, Babae!" "Oo!" naglakad na siya paalis. "Wag mong kalikutin ang laptop ko, yung dapat lang galawin ang gawin mo" rinig kong sabi niya na nasa tenga ko. "Bakit nandito ba yung ini-stalk mo?" "Wala ako ini-instalk 'no? hindi ako tulad mo. Paaykat na ako sa pader" Napatingin ako sa laptop nya. Nagtipa na ako sa laptop niya para makita kung nasaan siya. Habang nasa laptop ko naman ang CCTV footage ng bahay ng mga Harwell. Nakita ko ang ilang tauhan ng Harwell na alaba sa pakikipag-kwentuhan. "Hindi sila nakabantay. Abala sila sa pakikipagtsimisan" sabi ko. "Bigyan mo na ako ng daan" iritang sabi niya. Napailing na lang ako dahil alam kong gusto niya agad matapos ang misyon namin. "Highblood naman 'to!" Tumingin ako sa may blueprint. Napansin ko may papalapit sa akin. "Bumaba ka na dyan, may tao akong nakita. Dumiritso ka lang ng tahimik" sabi ko sa kanya. Tumingin ako sa laptop ni Athan kung nasaan ang blueprint. Gumalaw na si Athan base sa nakikita kong kulay asul na duldok sa blueprint. Dahan-dahan lang ang galaw niya kaya napatingin ako sa laptop ko at nakita siyang tahimik na tumatawid sa ilang tauhan ng Harwell. Napalingon ako sa daanan ng may makita akong tao. Nagulat ako ng makita ko si Grayson, may hawak siyang tablet. "Grayson!" tawag ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at lumapit sa bintana ng sasakyan. "Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" napatingin ako sa hawak niya at base sa nakikita ko blueprint iyon ng bahay. Namatay ang tablet niya kaya napatingin ako sa kanya. "Blueprint yang hawak mo ha?" turo ko. "Umalis kana dito, delikado dito" "Hoy! Kelly, may nakakita sa akin, ano ba?!" sabi ni Athan sa linya. "Ahh! Oo, sandali lang!" agad akong napatingin sa blueprint na nasa laptop at tumingin sa CCTV footage. "What?. f**k! Maghintay ka nga!" sabi ni Grayson. "Ano?" kunot noong tingin ko sa kanya. "Binge ka ba, Kelly?" sabi ni Athan sa tenga ko. "Hindi! ikaw ang kausap ko!" sabay naming sabi ni Grayson. Ibig sabihin... Agad kong kinapa ang baril ko at sabay kaming humugot ng baril at tinutok sa isa't-isa. "Are you really a member of the Darklight Group?" tanong niya. "Wala kang pakealam! Umalis kana, hindi ikaw ang misyon ko!" tutok ko sa baril sa kanya. Tinignan niya ang nasa laptop ko at masama ang tinignan ako. "Kelly, may mga aso!" rinig kong sabi ni Athan. Kahit alam kong takot siya sa aso hindi naman niya kayang pumatay ng hayop. "Umakyat ka muna, may nang-aabala lang dito" sabi ko. Huminga ako ng malalim at agad inilapag ang baril na hawak ko. Bahala na kung barilin niya ako, ang mahalaga makaalis si Athan sa bahay ng Harwell. "Hawak mo na ba ang kailangan natin?" "Oo, kaso hindi ako makalabas dahil sa mga aso. Dalian mo, gawan mo ng paraan!" "Ito na" gusto kong tumawa dahil naaalala ko ang mukha niya kung paano matakot sa aso. Nagtipa ako sa laptop ni Athan at mabilis akong nakahanap ng daan. "Sandali!. May makakasalubong kang--" nagkatinginan kami ni Grayson dahil parehas kami ng sinabi. * * * * * * Travis's POV Nasa loob na ako ng bahay ng Harwell kung saan ang misyon namin. Naglakad na ako sa loob ng library kung saan nandoon ang opisina ni Mr. Harwell. Sabi dito lang iyong makikita pero hindi mo naman mahagilap. 'Buti pa mga babae sa akin lumalapit, yung bagay hahanapin ko pa.' "Wala akong nakita" bulong ko.Lumabas ako ng hallway para maghanap sa ibang parte ng bahay. "Hoy!" turo ng isang lalaki sa akin. Humugot ito ng baril at pinaputukan ako. Nagtago ako at lumusot sa kung saan. "Daan! Gray!" "May isa kang makakasalubong kang--" Pagkabukas ko ng pintuan, may nakita akong tao sa harap ko at napahinto rin siya. May hawak siyang baril at envelope. Nasa kanya na ang blueprint?. "Huminto na kayo!" tutok sa amin ng baril ng ilang tauhan. Kaya tumaas ako ng kamay pero yung babae na nasa harapan ko parang walang narinig. "Kuhain ninyo sa kanila ang mga hawak nila!" sabi ng isa. May hawak rin akong envelope, iyon sana ang ipapalit ko sa totoong blueprint. Kinuha nila ang envelope na hawak namin at hinablot ang hawak naming baril. Hinawakan kami sa magkabilang braso at dinala kami sa isang kwarto. Pinaupo nila kami at tinali sa may upuan. "Hintayin natin si Boss" labas nila at naiwan kaming dalawa sa loob. Magkaharap kaming dalawa habang naka-duct tape ang mga bibig namin. Nakita ko ang mukha niya dahil tinanggal ang mask niya gamit kanina para itago ang kanyang mukha. Nakatingin lang ako sa babaeng kaharap ko habang nakatingin lang siya sa taas at halatang walang pakialam sa akin. Gusto kong itanong kung anong group niya pero naka-duct tape ako. Napatingin ako sa likod ko para tignan ang pagkakatali sa kamay ko. Pinilit kong tanggalin ang tali pero hindi ko matanggal dahil sa higpit ang pagkakatali. "Psst!" Napatingin ako sa babaeng nakatayo na sa harapan ko habang nakatingin siya sa pinto. "Hmm!!..." galaw ko ng mapatingin siya sa akin. "Aalis na ako. Bye!" mahinang sabi nya kaya pinanlakihan ko siya ng mata. Lumapit siya sa akin at ngumisi. "Makikita mo na si Mr. Harwell kung di ka pa makawa dyan" ngumiti siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Fine! Papakawalan na kita, Tss!!. Basta ba hindi ka magtatanong sa akin at hindi mo tatangalin yang duct tape hangga't hindi tayo nakakalabas dito? Tumango ka!" Inuutusan niya ba ako?. "Aalis na ako, isa..." Wala na akong nagawa kaya tumango ako. Kaysa naman mag-iwan, pumunta siya sa likod ko at tinanggal ang pagkakatali sa akin. * * * * * * Athan's POV Nang lumabas ang mga tauhan ng Harwell, kinuha ko ang blade na nakatago sa likod ko Nararamdaman kong nakatingin sa akin ang lalaki sa harap ko kaya sa taas na lang ako tumingin habang ginugupit ang tali sa likod ko. Nang makawala ako, pasimple kong kinapa ang envelop sa likod ko. Dalawa ang ginawa kong fake blueprint kaya wala akong pake kung kinuha nila ang blueprint na nasa envelope kanina, napalitan ko na yun. "Psst!" tawag ko sa pansin niya habang nakatingin ako sa pinto. Pinapakiramdaman ko kung may taong darating pero mukhang wala pa naman. "Hmm!!..." galaw niya kaya napatingin ako sa kanya. "Aalis na ako. Bye!" pang-aasar ko sa kanya at pinanlakihan niya ako ng mata. Lumapit ako sa kanya at ngumisi. "Makikita mo na si Mr. Harwell kung di ka pa makawa dyan" bulong ko at ngumiti sa kanya. Tumingin siya sa akin ng masama. "Fine! Papakawalan na kita, Tss!!. Basta ba hindi ka magtatanong sa akin at hindi mo tatangalin yang duct tape hangga't hindi tayo nakakalabas dito? Tumango ka!" sabi ko sa kanya. Bakit ko ba ginagawa 'to? Sagabal siya sa misyon namin. "Aalis na ako, isa..." Tumango siya bago pa ako makaalis. Alam ko naman walang siyang magagawa, bakit kasi hindi siya naghanda sa misyon niya?. Pumunta ako sa likod niya at pinutol ang pagkakatali sa kanya ng lubid. "Wag mong tatagalin yan!" mahina pero mariing sabi ko sa kanya. Tumango naman siya. Parehas kaming napatingin sa pinto, may narinig akong parating kaya agad akong pumunta sa likod ng pinto. Napangiwi ako ng sumunod siya sa akin. Pagkabukas ng pinto agad niyang hinila ang lalaki at sinakal. Kinuha ko naman ang baril na nalalaglag ng lalaki. Nawalan na ng malay ang lalaki at nagkatinginan kami. Tinaas niya ang kanyang kilay na parang nagyayabang. Pssh! Binuksan ko ang pinto ng bigla niya akong hinawakan sa balikat ko at nagkatinginan kaming dalawa. Kumindat siya sa akin. "Kadiri!" tinangal ko ang kamay niya sa balikat ko. Kadiri sya!. Lumabas na ako ng pintuan habang nagmamasid sa paligid. Napalingon ako sa kanya ng kalabitin niya ako at tinuro niya ang direksyon sa kaliwa. "Kelly" tawag ko. "Okey kana? ano--?" "Kailangan ko ng lumabas?" "Kasama mo yung kasama ni Grayson" "Sino na naman si Grayson? Ini-istalk mo?" "Sa kaliwa ka dumaan. At hindi ko sya ini-istalk 'no" Naglakad na kaming dalawa papunta sa kaliwang daan. Sana walang aso kaming madaanan. Bukod sa isang humandusay kanina, wala na akong taong nakita. Siguro, akala nila nasa kwarto pa rin kami at nakatali. ~~~ Pagkalabas namin sa mansion tumakbo na ako papunta kay Kelly. Napahinto ako ng makita kong may nakatutok sa baril sa ulo niya. "Kasama mo sya?" tanong ko sa kasama ko kanina sa loob ng bahay. Tinaasan niya ako ng kilay at tinignan niya ang ducktape sa bibig niya. May kamay naman siya, bakit kailangan ako pa?!. Tinignan ko siya ng masama. Hinawakan ko ang ducktape sa bibig niya at mabilis kong hinila. "s**t! Masakit yun!" "May kamay ka naman kasi bakit ako pa?" "Wala lang, gusto kasi kita" ngiti niya. Tangna! Playboy 'to!. Tinutukan ko siya ng baril dahil hindi pa rin tinatanggal ng kasama niya ang baril kay Kelly. Pansin kong wala na ang isang envelope sa likod ko. Tinignan ko siya habang nakangiti lang siya ng nakakaloko. Kinapa ko ang likuran niya at napangiwi siya sa ginawa ko. "Iisahan mo pa ako" Sinenyasan ko siya na lumapit kanila Kelly at sa kasama niya. "Pakawalan mo ang kasama ko, kung ayaw mong paputukan ko ang bungo ng malanding 'to!" tutok ko sa lalaking katabi ko. Tumawa siya sa sinabi ko at nilagay pa niya ang kamay niya sa magkabilang bulsa niya sa pantalon niya. "Sige, Gray. Pakawalan mo na yan. Tapos na naman ang mission natin" sabi ng katabi ko. Agad naman binaba ng kasama niya ang baril na nakatutok kay Kelly. Hindi ko pa rin binababa ang baril sa katabi ko at narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya napatingin ako sa kanya. Nagulat ako ng makita ang mabilis niyang pagkuha sa baril na hawak ko at tinututok niya na sa akin. "Pumunta kana sa kasama mo, baka dito pa tayo mahuli" sabi niya at sumenyas na umalis na ako. Kinuha niya muna sa akin ang envelope na hawak ko at tinaasan ako ng kilay. Tinignan ko siya ng masama bago ako maglakad palapit kay Kelly. Nilingon ko ulit siya at tinaas niya ang envelope na naglalaman ng blueprint. Hinalikan pa niya ang envelop at kumindat sa akin. Malandi talaga!. "Lapit na sa kasama mo, wag kang mag-alala hindi kita babarilin dahil niligtas mo naman ako kanina. Ito lang naman ang kailangan namin at hindi kayo. Gusto mo, sumama kana sa akin" "F*ck you!" taas ko sa middle finger ko at lumapit na kay Kelly. "Tara na, Babae" hila niya sa akin. Sumakay na kami sa sasakyan at kinapa ko ang envelope na tinago ko sa pants ko na nakapaikot sa hita ko. * * * * * * Grayson's POV Nakasakay na kami sa sasakyan habang hawak na ni Travis ang envelope na naglalaman ng blueprint. "Anong ngini-ngiti mo dyan?. Ayan na ba ang totoong blueprint? napalitan mo?" tanong ko sa kanya. "Hindi ko nga nakita kung saan nakalagay ang blueprint pero nakuha ko ito sa kasama kong babae kanina" ngisi niya habang nakataas ang envelop. "Sigurado kang ayan yan?" "Ito yung tinago niya sa likod niya" sabi ko. "Buksan muna" sabi niya kaya ginawa ko naman ang sinabi niya. Pagbukas ko, wala nang laman ang envelope. "Walang laman" tingin ko kay Grayson. Napalingon kami sa gawi niya dahil may narinig kaming tumatawa sa kabilang sasakyan. * * * * * * Kelly Ann's POV Napatingin ako kay Athan habang may kinakapa siya sa hita niya. Narinig ko pa ang tawa niya na parang sira. "Ito!" taas niya sa isang papel na nasa loob ng plastic. Galing iyon sa pants na hinugot niya sa parteng hita niya. "Buti na lang matalino ka, Athan" sabi pa niya sa sarili niya. "Akala ko mission failed tayo" tingin ko sa kanya. "Nah!. Gusto kong bumawi kay Boss. Akala siguro ng malanding lalaking yun nakuha na niya ang pinaghirapan ko." tingin niya sa akin. "Ayon sila, lapitan natin, sumabay ka sa aking tumawa ha?" "Okey!" lumapit kami sa sasakyan nila Grayson at tulad nga ng sinabi ni Athan inasar namin sila habang tumatawa kami. Mabilis ko na ring pinaandar ang sasakyan habang si Athan hindi pa rin mapigilan ang sarili na hindi matawa. Masyado siyang masaya sa misyon namin ngayon ha?.. * * * * * * . #22 #TMAPaP #EllyM.E. IAmElainah ===Elainah M.E===
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD