Chapter 16:
Mike Winz's POV
"Alam mo pre, kapag nakita ka dyan ni Cloude na pasilip-silip dyan, yari ka!" sabi ni Rexie na nakaupo sa upuan habang nakataas pa ang paa sa lamesa.
Kanina ko pa tinitignan si Cloude kung may epekto ba sa kanya si Miss Twilight tulad ng epekto ni Sky sa kanya noon. Pero mukhang wala naman. Napatago ako ako sa pader ng mapatingin sa direksyon ko si Cloude.
"Mamili kana ng kulay ng kabaong mo, o ihahagis kana lang naming sa bangin para tipid" tuloy-tuloy pa salita ni Rexie.
Napaupo na ako sa upuan baka biglang lumabas si Cloude na mukha naman nakita ako sa pagsilip ko.
"Nakakaboring naman dito" paikot ni Travis sa tinidor. "Inom tayo?" yaya niya.
"Siraulo. May pasok ka ba't hindi kana lang pumasok?" sabi ko sa kanya.
"Abnormal ka naman!. Bakit hindi ikaw ang pumasok?, siraulo!" tingin niya sa akin.
"Aba! walangya ka ha?" ibabato ko sana yung tinidor ng mapansin kong si Grayson na tahimik at wala sa harap ng laptop niya.
"Hey! Ang ingay nyo dyan?! May ginagawa yung dalawa sa loob. Kaya manahimik kayo, please!" labas ni Ate Ai. Medyo nagulat ako akala ko kasi si Cloude.
"Ito kasi!" turo ko kay Travis.
"Ipasok mo na yang mga pinagkainan nyo, Mike." utos ni Ate Ai bago pumasok sa loob. Sinunod ko na lang ang utos ni Ate Ai, inipon ko ang mga pinagkainan namin sa isang tray.
"Hoy! Boy ito pa" bato ni Travis sa tinidor na hawak niya.
"Siraulo!" Naglakad na ako papasok. Sumilip ako sa ginagawa nila Cloude.
"Hays!" sandal ni Miss Twilight sa sopa at napatingin siya kay Cloude. 'Nainlove na yata.'
"Why?" Tanong ni Cloude sa kanya habang nakatingin pa rin sa laptop niya.
"Anong 'Why?' ka dyan?"
"Why're you looking at?"
"Ang ganda mo kasi, sayang talaga kung nagi--"
"Shut up! Do your things and don't look at me" nagulat ako ng lumingon si Cloude sa gawi ko kaya naglakad na ako papuntang kusina. Nilapag ko na ang mga hugasin sa lababo at nakita kong nagba-bake pa rin si Ate Ai.
"Paki-hugasan na rin baka makita ni Dad. Pababa na kasi sila" sabi niya kaya napa-nganga ako.
"Seryoso ka?" kamot ko.
"Yes" Kaya ginawa ko na lang baka biglang makita ni Boss, mayari pa ako. Marunong naman akong mag-hugas ng pingan, sanay na ako sa condo ko.
Pagkatapos ko maghugas nagpaalam ako kay Ate Ai na lalabas na ako at nagpasalamat naman siya sa ginawa ko. Pagkarating ko sa labas tahimik ang tatlong mokong.
* * * * * *
Twilight Sky's POV
"Anong design sa background? pili ka dali" lapit ko sa kanya ng laptop ko. Nakatingin siya sa akin ng masama.
"Pati ba naman yan?"
"Oo. Mamaya ayaw mo nang design, tapos ako ang sisi--"
"Here!" turo niya sa screen ng laptop ko.
"Okey!"
Napapansin ko kanina pa siya palingon-lingon sa paligid. May nakikita ba syang hindi ko nakikita?? Feeling ko tuloy, may nakatingin sa akin na mga mata. Gusto ko sana syang tanungin pero nakakahiya naman baka magalit na naman siya. Baka may malakas na spirits ng mga multo dito sa bahay nila kaya nararamdaman ko. May ganito pala akong feeling.
"Natatakot tuloy ako"
"Ano? Natatakot ka?"
"Ah! Eh? Oo, kasi feeling ko may multo dito. Nararamdaman mo rin ba? para may nakatingin kasi sa akin. Wag nang itanggi kung ayun rin ang nararamdaman?" turo ko sa kanya.
"Pfft- are you serious?" tiningan ko siya nang masama.
"Hindi nagjojoke lang ako! Tss!" Kunyari pa siyang hindi niya nararamadaman yun, palingon-lingon nga siya kanina. Ang fake niya ha? pektusan ko siya sa brain cells niya eh!.
Pero hinayaan ko na lang siya, baka pakiramdaman ko lang naman yun. "Paano mo sila nararamdaman ng ganun?" tingin niya sa akin.
Tama nga ako, kasi nagtatanong siya sa akin. Akala ko ako lang ang nakakaramdaman ng kakaibang pakiramdaman na yun pero mukhang ganun rin siya. "Kalimutan mo na lang ang sinabi ko"
Tumingin ako sa laptop pero iba na ang nararamdaman kong kaba sa dibdib ko. Napatingin ako kay Ate Ai na kakaiba ang tingin kay Hollis at kakaiba na rin ang ngiti niya sa akin. Bakit ang weird na pakiramdam ko ngayon?.
* * * * * *
Grayson's POV
Kanina ko pa napapansin ang kakaibang pakiramdam ng paligid. "Mukhang may kakaiba dito?" mahinang sambit ko habang nakatingin sa kasama ko.
"Akala ko ako lang ang nakakaramdam, mukhang marami na nga sila sa paligid" sabi ni Rexie.
"Akala ko magiging boring ang araw ko ngayon " sabi naman ni Travis habang umu-unat pa sa pagkakaupo niya. Lumabas si Mike at nakatingin sa amin.
"Bakit tumahimik kayo?" tanong ni Mike.
"May mga tao sa buong paligid, pre. Mukhang may masamang mangyayari ngayon." nakangiting sabi ni Rexie.
Nagkunwari siyang tumawa. "Talaga! Hindi ko na halata"
"Chismoso ka kasi kaya hindi mo napansin. May pula na sa noo mo." Travis.
"Hindi nga? Meron?"
"Pumasok kana sa loob, dalian mo" sabi ko at agad naman sya pumasok sa loob. Nakita namin ang pagbaon ng bala sa pader na kaninang kinatatayuan kanina ni Mike.
"Dapa!. Nasaan yung mga baril!" Nakayuko kami habang pinaliliguan kami ng mga baril.
"Ayos na si Miss Twilight, nagawan na nila ng paraan. Ito ang mga baril nyo" isa-isa saming binigay ni Mike ang baril namin.
"Cover me" sabi ko at agad kong inasinta ang taong nakikita kong kanina pa kami inaaasinta. Nalaglag siya sa puno at pumasok naman kami sa loob ng bahay.
* * * * * *
Amber Ice's POV
Dala ko ang isang special cupcake at isang panyo. Lumapit ako sa kanilang dalawa habang nakatingin ako kay Cloude. "Twilight, tikman mo naman 'tong cupcake na ginawa ko. Tikman mo kung masarap ba?" ngiti ko sa kanya at tinignan naman niya ako.
"Sige" kuha niya sa cupcake at kinain ito. Nang maubos niya ang cupcake napakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.
Nilabas ko ang panyo na may pangpatulog at agad kong itinakip sa ilong niya. "Masarap ba ang cupcakes, Twilight?" bulong ko habang unti-unting pumikit ang mga mata niya. "Anong nangyayari sa'yo?" pagkukunyari ko. "Twilight!"
"Miss- Anong ginawa mo kay Miss Twilight?"
"Tulungan mo na lang sila sa labas. Cloude, iakyat mo si Twilight sa kwarto mo, siguraduhin mong hindi siya mapapahamak"
"Why me?"
"Why you? Tinatanong pa ba yan? Ikaw ang nagdala sa kanya dito. She's your classmate, baka nakakalimutan mo? Kapag may nangyari sa kanya, kasalanan mo. Dalian mo na!" Bumugtong hiniga siya at binuhat niya si Twilight na bridal style habang may hawak siyang hand gun.
Sumunod ako sa kanila sa hagdan para masigurado kong magiging maayos ang pag-akyat nila habang dala ko ang isang rifle.
Nakita ko ang isang lalaking nakasuot ang buong katawan niya ng itim at hindi nakikita ang mukha nito. Tinutukan niya ako ng baril kaya agad akong nagtago bago niya iyon iputok sa akin. Nakita kong napalingon sa akin si Cloude at nang mapatingin ako kay Twilight. Nakadilat ang mata niya at nakatingin siya sa akin at sa hawak ko. 's**t!'.
Nakita ko rin na pumikit na ulit si Twilight at nahinga ako ng maluwag. Nakaakyat na sila Cloude kaya inasinta ko na ang lalaking muntik na akong mabaril. Nabaril ko naman ang lalaki at pumunta sa kwarto ni Cloude para kumustahin si Twilight. "Bantayan mo sya mabuti, Cloude" agad rin akong lumabas ng kwarto niya para tulungan sila Mike. Nakita ko pang may nakahandusay na tao sa taas pero nilagpasan ko lang dahil mukhang hindi na iyon humihinga.
* * * * * *
Cloude Yule's POV
Nilapag ko muna si Smith sa gilid ng pinto dahil may nakita akong pigura ng tao sa may dulo at ng maaninag ko na nakatutok sa akin ang baril niya. Inasinta ko ang kamay niya kaya tumilapon ang baril niya at inasinta ko ang dibdib niya. Nakahandusay ang katawan nito at hindi ko na inaba ang sarili ko na lumapit pa sa kanya dahil may kailangan pa akong protektahan.
Nilapag si Smith sa kama at sigurado akong tulog talaga siya. Napatingin ako kay Ai ng pumasok siya sa kwarto ko. "Bantayan mo sya mabuti, Cloude" hindi ako sumagot at agad na rin siyang lumabas ng kwarto ko.
"Hindi mo alam kung anong nangyayari sa paligid mo" lagay ko ng kumot sa katawan niya. "How do you know there is something strange around?" I distanced myself from her.
Pinakiramdaman ko ang paligid, sumilip ako sa bintana para malaman kung ano na ang nangyayari sa paligid. Nakita ko isang lalaking na may hawak ng rifle at nakaturok ito kay Ai. Kinapa ko ang M16A4 rifle na nakasabit sa itaas ng bintana ko. Inayos ko ang pagkakalagay ng rifle at agad kong inasinta ang lalaki.
Napansin ko ang paggalaw ng isang puno, pagtingin ko nakatutok ang baril niya sa pwesto ko. Inunahan ko na sya sa pagbaril na agad rin naman nalaglag sa may puno.
"Ang ingay!"
Bigla akong kinabahan at napalingon ako sa kanya. Akala ko nagising na siya kaya naglakad ako palapit sa kanya para ilagay ang unan sa ulo niya. "Tss!" Binalik ko ang tingin sa may labas.
* * * * * *
Claudia's POV
Pagkatapos ng inkwentro naganap sa loob ng pamamahay namin agad akong pumunta sa kwarto ni Cloude. "Cloude!" katok ko sa pinto.
Binuksan niya naman agad. "Mom!"
"Kumusta na sya?" tingin ko sa babaeng nakahiga sa kama.
"Yeah. I'm alright, Mom" Napangiti ako sa kanya, seloso talaga 'tong si Cloude. Pumasok na lang ako sa kwarto niya at nakita kong nakahiga yung classmate niya.
"She's fine"
"Buti naman walang nangyaring masama sa kanya?" tingin ko sa nakahiga.
"Ask me about my situation first, Mom. I'm your son"
"Ikaw talaga, Cloude" hawak ko sa balikat nya. "Alam ko naman na okey ka."
"Really?"
"Oo naman . Anak kaya kita"
"Hmm!" Napatingin kami sa nakahiga. Buti nakatago na yung mga baril na ginamit ni Cloude.
"Kumusta na si Twilight?" Pasok ni Amber Ice sa loob.
"Tulog na tulog ha?" Singit ni Rexie.
"Malamang may pangpatulog pina-amoy si Ate Ai" dagdag naman ni Mike.
"Hmm! Wag nga kayo maingay! kwarto ko 'to. Paano kayo nakapasok?! Asar na oh!" Napatingin kami sa kanya na tinatago pa ang mukha sa unan.
* * * * * *
Twilight Sky's POV
May naririnig akong usapan sa paligid ko kaya sumasakit ang ulo ko sa ingay na kanina ko pa naririnig.
Ang sarap pa namang matulog sa malambot na kama at mabango na kwarto. Pero naiinis ako sa maingay na kaluskos at boses sa paligid ko. Pakiramdam ko rin may mga nakatingin sa akin.
"Mukhang magiging na sya" rinig ko sa lalaking boses. Napadilat ako wala sa oras at nakita kong hindi ito ang kwarto ko.
"Omy!" napaupo ako sa kama at napaturo ako sa mga tao na nakatingin sa akin. 'Nasa bahay nga pala ako nila Hollis' Nakakahiya sa may-ari ng kama na hinihigaan ko.
"Kumusta kana, Iha?" tanong ng babaeng katabi ni Hollis.
"Okey naman po" What happened to me? Why am I here?.'
"Ako nga pala si Claudia Hollis"
"May asawa ka na?" tingin ko kay Hollis. Nakita ko ang pagtawa ng mga taong nasa loob ng kwarto pwera sa babaeng nagpakilala sa akin at kay Hollis.
"No. She's my Mom" seryosong sagot niya
"Ah!... Hello! po. Ako nga po pala si Twilight Sky Smith" tayo ko sa kama. "Pasensya na po kung nakatulog ako. Ano bang nangyari?" tingin ko sa kanila.
"Uh? ehh!... Sumakit kasi yung ulo mo, Twilight. Buti nga nasalo ka ni Cloude" paliwanag nito kaya napatingin ako kay Hollis.
"Ganun ba? Akala ko may nagba-barilan dito kanina. Siguro panaginip ko lang" ngiti ko sa kanila.
"Ah! Oo. Baka panaginip mo lang" sabi naman ng isa sa kaibigan ni Hollis.
"Salamat sa pag-papahiga sa akin. Anong oras na po pala?" tanong ko.
"Mag si-six na, Iha" sagot ng nanay ni Hollis.
"Ho?!. Yung bag ko po, lagot!" Hindi pa naman ako nagpaalam kanila Nanay at Tatay na gagabihin ako.
"Ito. Miss Twilight" abot ng bag ko at kinuha ko agad yung phone ko.
Maraming missed calls at text messages galing kala tatay.
Incoming call
Tatay
"Hello!"
"Where are you? are you okey?"
"Yes. Uuwi na po ako " Iyon lang ang sagot ko dahil nakatingin sila sa akin. Pagkatapos naming mag-usap ni Tatay, inayos ko na ang kamang pinag-higaan ko.
"Pasensya na talaga sa may-ari ng kwartong 'to ha?"
"Okey, lang yan, Sky. I mean Twilight. Kay Cloude naman yan e." ngiting sabi ni Ate Ai.
Napatingin ako sa kanya at sobra akong nahihiya sa kanya. Sana hindi niya narinig ang sinabi ko na huwag maingay. Nakakahiya talaga pero sa tingin ko hindi naman siya galit.
"Hollis, next time na lang natin gawin ang Report ha? Kailangan ko na kasing umalis" tingin ko sa kanya. Tumango lang sya sa akin.
"Ihahatid kana namin, Miss Twilight?" sabi nang kaibigan niya.
"Naku! Wag na may sasakyan naman akong dala" nakangiting sabi ko.
"Kailangan ka namin ihatid, mag-gagabi na, delikado" sabi ni Hollis. Medyo nagulat ako sa sinabi niya at mukhang nagulat rin ang mga tao sa paligid namin.
"Pero--"
"I insist. You need to go home, right? Let's go!" sabi niya.
Napakamot ako nang noo ko. "Sige" Bumaba na ako ng kama at nauna nang lumabas si Ai at si Miss Claudia. Hanggang sa labas ng bahay nila sumunod sila sa amin pati na rin ang mga kaibigan ni Hollis.
* * * * * *
.
#16
#TMAPaP
#EllyM.E.
IAmElainah
===Elainah M.E===