HALOS hindi na niya alam kung ilang minuto na ang lumipas na nakatitig lang siya sa monitor ng kaniyang laptop at tinitingnan ang bawat mga salita na kaniya nang naitipa para sa ginagawa niyang bagong nobela.
Isa na siyang exclusive writer sa isa sa pinaka kilalang Publishing House ng bansa rito sa Pilipinas. Ang Berdeng Pahina Publishing House o mas kilala sa tawag na BP Pub House or BP.
Erotic Romance ang porte ng mga akda niya na kapupulutan ng aral at hindi basta kamunduhan lang. Hindi siya ang tipo ng Author na basta-basta lamang nagsusulat ng bed scene para lamang maitawid ang kagustuhan nang nakararami. Mas siya ang nasusunod sa akda niya kaysa ang mga ito. Nakilala siya sa pen name na Iambeautifull2.0 kaya nais niyang nailalapat rin iyon hanggang sa kaniyang mga akda.
May mga offer na sa BP Pub ang mga akda niya na gawin movie ang ilan sa mga naging best selling books niya under ng BP pub house. Pero dahil nga may kasunduan sila ng nasabing pub house walang magawa ang mga ito.
Bahagya siyang napaigtad sa pagtunog ng kaniyang cellphone na naka patong lang din malapit sa kaniyang tabi. Sinipat niya muna iyon para makita kung sino ang tumatawag bago nagpasiyang sagutin. Si Misty iyon ang kaniyang Editor in charge sa mga akda niya. Tiyak na niya kung ano na naman ang sasabihin nito sa kaniya.
Sa tagal na siyang hawak nito bilang writer ay nakasundo niya si Misty kahit pa sabihing hindi pa naman sila talaga nagkikita personally at magka edad lamang sila. Ito nga ang numero unong sobrang natuwa ng malaman na babae pala siya at hindi raw bakla. Marami din kasi ang mga manunulat sa writing platform na mga bakla o di kaya’y silahis.
“Hi, kumusta,” masayang bungad na pagbati nito sa kaniya.
“Pangungumusta lang ba talaga iyan o kukulitin mo na naman ako, Editor?” Iyon ang nakasanayan na niyang tawag dito simula ng maging close sila. Sa tagal na rin nilang magka trabaho ay naging close sila sa isa’t isa at isa na ito sa mga itinuturing niyang malapit na kaibigan. Kulang na lang talaga sa kanila ay ang magkita sila ng personal.
Kailan lang ay nakatangap siya ng tawag mula rito at hinihimok nga siya sa pagpayag na magkaroon na ng book signing ang latest published book niya na may title na To capture a writer’s heart. Na magaganap personally sa harap ng mga fans niya na nais siyang makita at makapag pa pirma ng mga biniling libro ng mga ito na siya ang Author.
Naalala niya tuloy noon nang makatangap siya ng message may walong taon na nga ang nakalipas. Isa iyon mensahe mula sa kaniyang avid reader na pinag-e-email siya sa Berdeng Pahina para sa isang mahalagang mensahe. Wala siyang inaksayang sandali at agad nag-email nga sa nakasulat na email add doon. Kinabukasan din niyon ay nalaman niya ang alok ng mga ito sa kaniya na kung interesado siyang maging isang exclusive writer ng mga ito. Sino ba ang aayaw sa ganoong offer? Kung alam mong isa iyon sa pinaka sikat at numero unong Publishing ng bansa.
Hinintay niya ang kontratang dumating sa email niya at bago pirmahan ay mabusisi niyang binasa iyon. Nagbago ang isip niya na pumirma sapagkat ang lahat ng nakasaad roon ay ayaw niya at taliwas sa kaniyang mga nais. Kaya tinanggihan na lamang niya at sinabi sa sariling hindi na bale. Inakala niyang hindi na rin interesado ito sa kaniya sapagkat wala naman ng naging pagtugon sa kaniya agad-agad.
Makalipas ang ilang linggo ay muli siyang nakatangap ng email at nagsasabing sabihin niya ang mga gusto niyang kondisyon basta maging exclusive writer lang siya ng BP Pub house. Natuwa naman siya at agad sinabi ang mga nais niya na mabilis namang sinang ayunan ng walang patumpik-tumpik.
Ilan sa mga pinaka mahalagang hiniling niya ay hindi siya hahangarin na mag-report sa opisina ng mga ito kahit kailan. Ang mga transaksiyon sa pagitan nila ay magaganap puro via email lahat or call without video.
Walang gagawin movie kahit isa sa akda niya at payag siyang magkaroon ng mga libro ang mga akda niya ngunit walang magaganap na book signing na kailangan ang presensiya niya sa harap ng mga fans. Higit sa lahat malaya siyang makaaalis kung nais na niyang magpahinga at ihinto na ang pagsusulat sa mga ito.
Mga kondisyon lahat pabor sa kaniya pero sigurado siyang makakapagpasok ng malaking pera sa mga ito ang mga gagawin niyang mga nobela. Naniniwala kasi siya na kapag pumayag siya ay kailangan niyang ma-expose sa tao at iyon ang ayaw niyang mangyari.
“Hindi ba puweding kaya ako tumawag kasi gusto talaga kitang kumustahin. Kumusta na nga? Seryoso ako sa tanong ko sa iyo ano ka ba? At walang kinalaman rito ang kinukulit ko sa iyo,” saad ni Misty sa kaniya.
Huminga muna siya ng malalim bago ito sinagot. “Ganoon pa rin ang pakiramdam ko, Misty. Parang nawawalan na ako ng ganang magsulat. Wala ng pumapasok na mga senaryo sa akin. Pakiramdam ko wala ng buhay ang mga nobela ko,” malungkot niyang wika rito.
Napag-usapan kasi nila minsan ang kawalan na niya ng gana sa pagsusulat at idinaing na nga niya iyon rito. Sinabi pa nito sa kaniya na ayos lamang iyon at huwag niya masiyadong pagkaisipin. Dahil sa mga libo-libong tiga-subaybay niya ay hindi naman dama iyon.
Pero hindi kasi siya ganoon. Mahalaga sa kaniya ang damdamin at mga mensahe ng akda niya. Kaya alam niyang kulang ang bawat lapat ng mga iyon para sa kaniya. At aaminin niyang isa iyon sa isipin niyang sumasagabal sa kaniya. Katulad na lamang ngayon. Ni hindi na nga siya makapag sulat ng pang-update, eh, dahil nga sa ganitong pakiramdam.
“Baka naman kasi kailangan mo na ng ibang inspirasiyon talaga?” turan ni Misty sa kaniya.
Alam niya kung anong inspirasiyon ang sinasabi nito pero malabong magkaroon siya no’n. Kaya naman tinawanan niya lang ang sinabi nito sa kaniya na hindi naging lingid kay Misty dahil narinig nito iyon.
“Hey! Ayan ka na naman sa pagtawa-tawa mo ha?”
“Nakatatawa naman kasi talaga ang sinasabi mo para sa akin. Isang himala ang sinasabi mo kapag nagkaroon ako ng ganiyan inspirasiyon. Puwedi ba, tigilan mo ko, Editor,” wika niya rito.
“Hindi iyon himala kung lalabas ka sa hawla mo,” saad pa nito. “Kung bakit naman kasi ganiyan ka? Hindi ka talaga magkakaroon ng inspirasiyon na sinasabi ko kung ibuburo mo lang ang sarili mo riyan sa hawla mo.
“Hey!” aniya kay Misty. “Hindi ko binuburo ang sarili ko rito. Inpact, lumalabas naman ako, ah. At nakikita ako ng mga tiga rito sa amin.”
“Okay, fine! Sabi mo eh. Wala naman akong sinabing hindi ka lumalabas ng literal. What I mean is diyan sa hawla mo bilang ikaw as Iambeautifull2.0.”
“Lilinawin mo naman kasi,” aniya sa editor niyang kaibigan na rin niya.
“May naisip akong sulosyon sa panlalamig mo sa iyong writing career and for sure magugustuhan mo ito,” turan ni Misty kay Bituin.
“Ano naman iyan?”