KABANATA 3

1065 Words
MASAYA niyang ibinalita kay Misty ang naging pagpayag ng kanilang Big boss at msaya rin ito para sa kaniya. Agad rin niyang tinawagan ito sa cellpone number nito matapos niyang tawagan ang kanilang Big boss na tinatawag. "Saan mo plano pumunta niyan para magbakasyon?" tanong nito sa kaniya agad. "Gusto ko sa isang isla," saad niya rito. "Good idea. Maraming magandang isla sa Palawan o kaya sa Boracay. Marami roon puwedi mong maging Boyfie. Waaahhh! Exciting, baka ibang lahi pa ang nakatadhana sa iyo na maging Boyfie mo," hiyaw pa nito at kababakasan ng tuwa talaga sa tinig ni Misty habang nagsasalita. Tila heto pa ang excited sa bakasiyon niya. "Teka lang ha," aniya sa kaibigan at sansala niya sa mga sasabihin pa nito sa kaniya sana. "Hindi ganoon klase ng isla ang gusto kong puntahan ayoko ng matao gusto ko 'yun malayo sa kabihasnan. O kaya 'yun hindi ganoon karami ang mga taong naninirahan sa paligid ng isla. Iyon bang parang hindi pa ganoon ka-expose kasi hindi naman for tourist attraction. Iyong liblib sana, May alam ka ba?" "Ngek," anito na ikinatawa naman niya ng may tunog. "Bakit ngek?" natatawa siya ng itinanong iyon kay Misty. Kung mag-usap sila akala mo ay magkaharap talaga sila samantalang sa Cellphone lang naman sila nag-uusap. "Kaloka ka girl!" bulalas nito sa kaniya bigla. "Humingi ka pa ng bakasiyon kung ibuburo mo lang din pala ang mga panahon iyon sa isang liblib na isla. Paano ka magkakaroon ng inspirasiyon niyan para makapag sulat kang muli?" "Bakit ba ang atat mo sa inspirasiyon ko, eh, ako nga hindi nagmamadali? Tsaka ang inspirasiyon na sinasabi mo hindi lang sa pakikipag-boyfriend nakukuha. Isa pa magbabakasiyon ako para makapag-relax ng utak, hindi para magka-boyfriend," aniya kay Misty. "Ang lungkot-lungkot naman ng life mo talaga bruha ka," turan nito sa kaniya. "Excited pa man din ako sa bakasiyon mo tapos ganiyan ka. Well, Ipagdarasal ko na lang na sana may makilala ka pa rin lalaki sa pupuntahan mo na magpapawindang ng buong sistema mo, Girl" "Praning ka!" aniya rito habang tumatawa. "Ano nga? May alam ka ba na ganoong Isla?" muli niyang tanong kay Misty. "Hahanapan kita ng ganoong Isla pero dito lang ba sa pilipinas ang target mo o plano mong lumabas ng bansa?" "Dito lang. Wala akong planong lumabas ng bansa. Isa pa mas feel ko ang mga Isla sa Pilipinas noh, kaysa sa ibang bansa." "Mas feel mo? Eh, 'yun liblib naman gusto mo. Anong maganda roon? Baka imbes na boylet na boyfie matagpuan mo sa Islang gusto mong puntahan, baka ermitanyo makita mo," Halata na sa boses nito ang pagkadismaya. "Misty, Alam mo ba na ke liblib na Isla o hinde ang puntahan ko walang connect iyon sa sinasabi mo. Dahil ang totoong pag-ibig kahit saan lupalop ka ng mundo naroroon kung mayroon itinadhana para sa iyo, darating at darating iyan if you believe in destiny," saad niya sa kaibigan. "Kalokohan mo. Basta para sa akin ang pag-ibig hindi iyan hinihintay na dumating. Naniniwala ako roon sa kailangan mong hanapin. At makikita mo lang iyan sa pamamagitan ng pag-expose mo ng sarili mo sa mga tao. Pero kung tulad mo ang ginagawa ay Girl, tatanda ka ngang dalaga," wika ni Misty sa kaniya. 'Na mas gusto ko, kaysa naman ang laitin ang buong panglabas na pagkatao ko, Hindi man ng lalaking iibig sa akin kung hindi ang mga taong nakapaligid rito,' aniya lamang iyon sa isipan at hindi tinangka na bigkasin ng kaniyang mga labi para sambitin kay Misty. "Anyway, kung prepare mo ang liblib na Isla okay, fined! May kaibigan ako na mahilig magpupunta-punta sa Isla. Itatanong ko sa kaniya kung may alam siyang liblib iyong tipong creepy na ang dating ng Isla kasi mukhang ganoon talaga ang gusto mo noh?" seryoso ng turan nito sa kaniya. Napangiti siya ng lihim sa sinabi nito. Dahil alam naman niya na parang tinatakot lang siya nito naisip niyang sakyan ang sinasabi ni Misty." "Mas better and kapag ganoon mas lalong magiging exciting ang bakasiyon ko." "Lokaret ka talaga. Well, sana sa pagbalik mo may sagot na rin iyong matagal na inaawitan ng BP Sa iyo ha?" "We will see. Pero huwag pa rin kayong umasa dahil hindi iyon kasama sa pagmumuni-muni ko." "I hope na maisasama mo. Alam mo naman na matagal ng inaawitan ng BP sa iyo iyan. Walong taon ka na sa BP pero hanggang ngayon hindi mo pa rin sila kayang pagbigyan?" "Dahil hindi ko nga kaya ang gusto nilang gawin. Ganoon lang kasimple iyon," aniya kay Misty. Mukhang mauuwi na naman ang kanilang usapan sa matagal ng gusto ng pub house sa kaniya na mangyari. "Ang tagal na natin magka-chokaran pero hanggang ngayon hindi mo sinasabi sa akin ang dahilan mo kung bakit ayaw mong ma-expose sa crowded na tao. Iyong totoo, wala ka bang tiwala sa akin?" "Wala," mabilis niyang sagot kay Misty na ikinatawa naman nito. "Baliw! As if naman na mapapaniwala mo ako sa sagot mo. Lumabas sa ilong eh, iba kasi 'yun ritmo ng pagkakasabi mo parang may kasamang sipon." Humagalpak siya ng tawa sa sinabi nito. Iba ang hatid na saya sa kaniya ng editor niyang ito at bless siya na naging kaibigan ito at nakasundo niya sa kabila ng lahat ng mga itinatago niya sa pagkatao. Natutuwa rin siya sa mga salita nitong lumalabas sa bibig kung minsan na parang salitang kanto at hindi mo iisipin sasalitain ng may pinag-aralan na tulad nito. Naalala tuloy niya minsan ng bangitin nito sa kaniya na hinalughog daw nito ang lahat ng may kapangalan niya sa Social media dahil nga bunsod na rin ng pagka kuryusidad sa itsura niya. Pero wala naman daw itong napala kasi nanawa na lang din daw ito sa kahahanap sa kaniya at manghula kung sino talaga siya sa mga Account na iyon. "Kaya huwag mo ng itanong sa akin iyan okay kasi hindi ka naman pala naniniwala sa sagot ko. Ang mabuti pa kaysa problemahin mo ako, iyang lovelife mo ang intindihin mo at hindi ang lovelife ko." "Naku, nananawa na nga ako sa boyfie ko ngayon parang gusto ko na ulit magpalit." Humagalpak ito ng tawa na ikinatawa rin niya. "Ikaw na talaga," aniya rito. May ngiti sa kaniyang labi ng matapos ang pag-uusap nila ng kaibigan. Umaasa siyang sa kaniyang gagawin na bakasiyon at pagpunta sa Isla ang maging simula ng bagong yugto ng buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD